Saturday, June 10, 2023

Kapatid, Kapuso, Kamote


Eto nanaman po ang mga magigiting na kababayan natin na walang magawa kungdi magbash ng kapwa nila.

Alam na natin na watak-watak po ang mga Pilipino at mukhang hindi na talaga magkaisa.

Kahit anong issue pinalalaki at pilit na pinupuna dahil magkakaiba po ng pinapanigan.

Yung mga milenyal, hindi masakyan mga damatan. Yung mga makaluma, hindi magets mga kabataan.

Ang mga Kapamilya panay ang bash sa Voltes V Legacy (VVL).

Ang mga Kapuso panay ang bash sa mga pumupuna sa VVL.

Ang mga fans ng VVL panay ang bash sa mga naglalabas ng live streaming at merch ng VVL, parang mga producer sila ng GMA.

Ang ibang mga Kapuso panay ang bash sa mga makaTVJ.

Ang mga Dabarkads panay ang bash sa Eat Bulaga at ang mga bagong hosts nito.

Ang mga makaJalosjos panay ang bash sa TVJ. Panay ang bigkas kay Pepsi pero walang sinasabi tungkol sa kaso ni Romeo Jalosjos.

Walang Live TV Coverage

Ang mga fans ng Filipinas (yung team na lalaban sa FIFA Womens World Cup) panay ang bash sa lahat ng TV Channel kasi walang maglalabas ng live sa FIFA Womens WC. Grabe naman kasi hinihingi ng FIFA. Pero sana meron din magtangka.

Yung mga fans ni Coach Chot panay ang bash sa mga fans ng Gilas na gustong maalis ang mag-amang Reyes sa Gilas, dahil sa favoritism at napaglumaang style na ng coaching nila. Dami namang kasing ibang coach diyan.

Yung Gilas nga pala yung team na hindi pa alam kung sino-sino maglalaro sa FIBA WC. Kasi ang SBP busing-busy sa paghanap ng palusot at sa pagbenta ng mga ticket kaysa magtalaga ng malakas na team para sa WC. Sa totoo lang ngayon palang talaga sila maghahanda, maghahanap talaga sila ng mga paluchot at talagang huli na sa preparasyon.

Yung mga fans ni Coach Chot panay ang banat kay Kai kasi daw bakit hindi niya inuna ang Gilas kaysa sa NBA. Hindi na nila naaalala o hindi nila alam na palagi ngang inuuna ni Kai ang Gilas. Naalis nga siya sa G League kasi inuna niya ang Gilas. Tapos si JC hindi naman nila binabash, selective much o sunod sunod lang sa mga paluchot.

Dagdag ko lang puspos ang training, panay panalo at pagtaas ng ranking ng Filipinas. Pero yung Gilas naman puro talo, kulang sa training at pababa ang ranking. Bakit kaya? WC noong panahon ni Coach Tab dikit lang mga laban, ngayong WC naghahanap na ng masisi at mga palusot kasi suntok sa buwan na lang ang tsansa. Pero at least sana maka-isa sa Angola.

Pasaway ang daming sport na lumalakas at malakas ang mga Pilipino pero walang suporta ng gobyerno. Ano ba yan?

Politika

At lahat halos nang ito ay nag-uugat sa politika o kung sino ang binoto o suportadong presidente o sa kung ano ang pagkakaperahan.

Kamote.

Politika, personal na interes at pera, ito talaga ang ugat ng mga problema at pagkawatak-watak ng mga Pilipino.

Gising Pilipinas!


Iisa lang ang ating lahi. Kahit half-Pinoy/Pinay pa, basta pusong Pinoy, Filipino pa rin. Ito ang lamang ng mga ibang bansang nakapaligid sa atin. Meron silang pagmamahal sa bayan nila at meron silang hiya at delikadesa.

Habang ang karamihan ng mga kababayan natin panay palusot sa mga walang hiya at walang delikadesa.

Wednesday, May 17, 2023

Chot Reyes - Good Job


Gilas Pilipinas

Palagi po nating binabatikos ang mag-amang Chot at Josh Reyes, ang head coaches ng Gilas Men's Senior at Junior Teams.

Pero this time, give credit tayo sa kanila at sa coaching staff ng Gilas dahil they deserve it, big time.

Wise

At napaka-wais po talaga ni Coach Chot, dahil pagkapanalo at pagkabawi ng SEA games gold medal, bigla siyang nagpahayag na eto na daw ang last time niya magcocoach ng SEA games.

Matalino po talaga si coach dahil alam niya na dumaan talaga sa butas ng karayom ang Gilas para manalo sa Indonesia at Cambodia. At alam na rin niya na nagpapalakas na lahat ng ibang SEA teams at lalo nang mahirap manalo sa mga susunod na SEA games. So retire na sa SEA games habang nasa itaas.

Adjustment

In fairness, nai-apply rin ni Coach ang kanyang mga natutunan sa mahabang panahon ng learning experience -- nag-adjust at nagprepara talaga ang Gilas sa huling dalawang laban nila kontra sa Indonesia at Cambodia, at suwerte sa tres, maganda ang depensa at may mga play na. Tapos hindi na 6-7 player lang ang pinaglalaro at medyo nabalasa ang mga player. Malaking bagay rin kasi na wala ang mga paborito nitong mga player.

Salamat

Coach Chot, assistant coaches, training at support staff at mga player, maraming salamat at nagbigay po kayo ng karangalan at kaligayahan sa bayan at sa mga Pinoy basketball fans. Ito lang po talaga ang rason kung bakit may nagsisitang mga totoong fans (hindi haters) kasi gusto lang nila manalo ang Gilas. At ayaw nila ng puro paluchot at politika, palakasan at pera pera.

Para Sa Bayan

Malaking pasasalamat din po kay Justin Brownlee na kagaya ng buong team ay ibinigay lahat lahat sa mga laban, lalong lalo na sa (semis) Indonesia at (finals) Cambodia. At wala pong kayabangan itong si Brownlee.

Brownlee



Development Team

Ang tanging batikos lang natin kay coach ay ang sinabi niyang dapat may development team ang Gilas at eto daw sana ang gawin para sa mga susunod na laban ng Gilas.

Ang nakakatawa po rito ay ito po ang plano ng dating Program Director at Head Coach ng Gilas na si Coach Tab Baldwin. Pinatupad na po ito ni Coach Tab at eto po sana ang plano niya para sa World Cup sa Manila ngayong taon at mahabang preparasyon noong siya pa ang Program Director ng Gilas.

Coach Tab

Ngunit nasayang lang lahat ng sinumulan ni Coach Tab. Dahil kung maalala po natin, pinagtulungan pong maalis sa puwesto si Coach Tab at ang pinalit po ay ang mag-amang Reyes. At sa kasamaang palad ay iniscrap po ni Coach Chot ang mga plano at mga nasinumulan ni Coach Tab, back to zero.

Nagising

Ngunit ngayon po, parang biglang nauntog at nagising na si Coach Chot at nasabi po niya na dapat talaga pala yung plano ni Coach Tab ang nasunod.

Parang napahiya siguro sa sinabi ng mayabang na coach ng Cambodia na sinabihan si Coach Chot na wala pa siyang naabot at tuturuan daw niya si Coach Chot ng Euro style coaching. Katawa-tawa po ang coach ng Cambodia at hindi na dapat ito pinapatulan o pinagpapapansin. Wala pa ngang na-aaachieve mayabang na.

FIBA World Cup 2023

Anyway, tatlong buwan na lang po at World Cup na. At gaya ng nakagawian na ay dating style nanaman ni coach ang papairalin. Ito na sana ang huling pagkakataon na magcocoach ang mag-amang Reyes ng mga Gilas teams, dahil napakarami namang ibang coaches. Give chance to others, step down na after World Cup at kung susuwertihin at kung maaari, step down na, now na.

Laban Pilipinas.

Friday, May 12, 2023

SBP Tama Na Ang Mga Palusot

 


Ang tagal na pong nagtatanong ang mga Filipino basketball fans -- bakit ba sa dinami-dami ng pagpipilian bakit ang mag-amang Reyes po ang head coach ng Senior at Junior men's Gilas basketball team.

Wala na po bang iba?

Tama na po ang mga palusot at learning experience. Ang ibang mga bansa nag-iimprove ang Gilas po nag-iimplode. Pataas po sila sa FIBA ranking, pababa naman ang Gilas.

Nauuna Ang Yabang

Alam na natin na dehado po tayo sa SEA games. Ngunit palagi na lamang tayong hindi preparado at mayroong palusot kapag natatalo. Ito po sana ay ang pagkakataon para maredeem ang ginto na naagaw ng Indonesia, ngunit sa preliminary round pa lang talo na.

World Cup

Sa WC po kaya, may pag-asa ba tayong manalo kahit po isang game?

O magiging kahihiyan nanaman po kagaya ng dalawang nakaraang SEA games?

Pagbotohan

Ang suhestiyon po sana ay tawagin na lahat ng puedeng isama sa Gilas pool. At sa kadahilang sila ang maglalaro sa World Cup baka sakaling sila na rin po ang mas nakaka-alam kung sino ang sa tingin nila ang tamang head coach at tamang program director.

Magsigawa na po sana ng pagboto ang mga players at pagpilian galing sa listahan ng lahat ng mga coaches kung sino ang tingin nilang head coach, assistant coaches at trainers ang nararapat. 

Maraming Iba

At napakarami naman pong ibang coach sa atin maliban sa mag-amang Chot at Josh Reyes. Di po ba?

Mas nakakahiya dahil sa sarili nating bayan gaganapin ang mga laro. At sa Agosto na po ito. 

Para Sa Bayan

Umpisahan na po ang pagboto at kung sino ang napupusuang program director, head coach at assistant coaches ng mga player, ay mag-umpisa na pong pumili ng top 23 players at mag-prepara na, mag-scout ng kalaban at magtulong tulong para sa bayan pagkagaling po sa Cambodia, manalo matalo, pero alam na po ng taong bayan na medyo malabong maredeem ang SEA games gold bago pa man sila umalis papuntang Cambodia. Sa WC kung ang mag-amang Reyes pa rin po ay alam na rin natin ang magiging resulta.

Magkaisa. Bagong Gilas Program Director at bagong coach. Let's go. Laban Pilipinas.

Wednesday, May 10, 2023

Ang Buhay Parang Voltes V



Ang buhay ng tao ay parang Voltes V. Kailangan nagtutulungan, nagdadamayan.

Sama-sama

Dapat ng vo-volt in. Hiwalay-hiwalay, watak-watak mahirap pong maabot ang minimithi. Pero kapag sama-sama mayroong pag-asa.

May maaabot, magtatagumpay, magwawagi.

Ang unang Voltes V anime ay pinalabas sa Pilipinas noong late 70s. Eto po ay ipinahinto at hindi natapos maipalabas ang lahat ng mga episode.

Dahil po bi-nan ng dating Pangulo, si Ferdinand Marcos. Masyado daw pong violente para sa mga bata.

Pero ang isa pang rason ay dahil po sa ang naturang animation series ay nagsasadula ng kasamaan at kasakiman ng mga namumuno, ang tagumpay po ng mga nagrerebelde, at ang pagrerebolusyon ng mga inaapi.

Ang mga batang 70s po ay lumaki sa ilalim ng Batas Militar. Ang mga bata po ay hindi narasanasan ang buhay noong 50s at 60s. Ang mga nakakatanda ay alam po ito. Ang ilan ay alam ang tunay na estado at kalagayan ng bayan. Mayroon pong diktadurya, pag-aabuso at korupsyon. Kahit po sabihin pa nating may mga nagawang mabuti, mayroon pong mga naitatagong kasakiman at kasamaan.

Hati-hati

Mayroon pong pabor sa pamamahala ng Pangulo at mayroon din pong tumututol at meron rin pong mga nagtatangkang maghimagsik at palitan ang gobyerno.

Ngayon pong 2023, mayroong panibagong Voltes V. At nagkataon ay ang Pangulo po ng bansa ay isang Ferdinand Marcos po muli. Si Bongbong Junior po.

Nakabalik po ang mga Marcos. At kaalinsabay, nakabalik rin po ang Voltes V.

Ang buhay ay sadyang parang Voltes V. Mahaba po ito. Ma-aksyon, ma-drama, ma-dugo. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba, parang gulong (gulong ng palad).

At kagaya po ng Voltes V, nagkakawatak-watak nanaman ang mga taong bayan, mayroong patay na patay sa bagong Voltes V, merong baduy na baduy, may mga nang-aasar, nangungutya. May mga die-hard Kapuso may mga die-hard Kapamilya. May mga die-hard K-drama.

Di nanaman po nagkakaisa ang sambayanan. Kaya ayan po, paulit-ulit lang ang serye ng buhay, parang mga walang kupas na mga teleserye at mga palabas ng pelikulang Pilipino.

Sana mauntog na po tayo at magising. Sa ikauunlad ng bayan... __________ ang kailangan.


Tuesday, April 11, 2023

Pilipinas Sa Worldcup


Tatlong team na po ng bansang Pilipinas ang pasok sa susunod na World Cup ng kanilang mga sport.

Ngunit parang dalawang team lamang ang naghahanda o maghahanda at may tamang mentalidad.

Blu Girls


Ang pinaka latest ay ang Philippine Women's Softball Team (Blu Girls) na kakaqualify pa lang sa Women's Softball World Cup na gaganapin sa Hulyo.

Kukuha na raw sila ng foreign coach at magtratraining sa abroad simula ngayong buwan ng Abril.

Malditas


Ang pangalawang team ay ang Philippine Women's Football Team (dating Malditas ngayon ay Filipinas). Sila ay kaka-top pa lamang ng grupo nila sa unang round ng Asian Qualifiers para sa Paris 2024 Olympics.

Nagpi-peak na sila sa tamang panahon para sa FIFA Womens World Cup.

Gilas

Ang pangatlo ay ang walang iba at isa sa mga host ng FIBA Mens Basketball World Cup sa Agosto, ang Gilas Pilipinas (Philippine Men's Basketball Team).

Wala lang naman ang mag amang Reyes pa rin ang mga coach ng Men's Senior at ng Junior Team. Busy parin si Coach Chot sa PBA, wala pa ring line up, ngunit may plano at susubukang makuha muli ang ginto sa SEA games pagkatapos silang ma-upset noong nakaraang finals. Pero kahit ito man lang di pa sila handa.


Masama na nga ito dagdagan pa natin ng mindset ni coach na nagsabi na makontento na po tayo dahil maglalaro tayo sa World Cup at ang forever na yatang niyang learning experience mentality at ayan tuloy yung mga ibang bansa tumataas ang ranking habang ang Gilas pababa. Meron pa bang nagtataka kung bakit?

Kailan kaya magigising ang SBP at ang taong bayan?

Sunday, March 26, 2023

Stajcic vs Reyes

Asa Ka Pa


Karamihan po ay English po ito, kasi mahirap na Tagalugin lahat ito (mauubusan po tayo ng Tagalog). 

2023

FIFA

The Philippine National Women's Football Team qualified for the FIFA World Cup for the first time.

FIBA

In contrast, the Philippine National Men's Basketball Team will play and co-host the FIBA World Cup. The Philippines hosted and qualified for the WC in the past, this isn't their first rodeo.

But there is something glaringly different in the way they qualified and in the mindset of their respective head coaches.

Mindset Matters

Coach Alen Stajcic took only a year to transform the traditionally lowranked Filipinas (formerly Malditas), the National Women's Football Team into a WC qualifier.

And he is not done, nor is he sitting on his laurels nor content on merely qualifying.

He said:

"The Philippines’ miraculous World Cup qualification is just the beginning.

We’re coming to win, not to compete and get experience. It goes without saying that it will be a learning experience for us given it’s this team’s first time at a major tournament like this. But we’re not at this World Cup just to make up the numbers.”

https://www.fifa.com/fifaplus/en/articles/alen-stajcic-philippines-interview-womens-world-cup-2023-debutantes



Sa ibang salita, hindi lang porma at papogi ito, lalaban po tayo.

Coaches Matter

In sharp contrast, the traditional Southeast Asian (SEA) basketball powerhouse and the only Asian team to medal in FIBA World Cup competitions has been experiencing turmoil and internal struggles which is mostly because of the SBP, the PBA and Coach Chot Reyes, the current head coach of Gilas, the Philippine National Men's Basketball Team. Incidentally, the head coach of the national men's youth team is the son of Coach Reyes.

Pride, politics, nepotism, favoritism, personal interests, agenda, business, power, apathy, complacency name it and you know what's wrong with Philippine basketball and the Philippines. It's all of the above and more.

Coach Reyes is the epitome of "learning experience", that's his motto and his style is no need to win games in the qualifiers because as hosts we are already qualified. 

And what is worst is here is the mindset of Coach Reyes on the World Cup itself.

"It's okay if Gilas Pilipinas have no wins in FIBA World Cup, participating in the World Cup is already a big accomplishment. Fighting against powerful teams etc."

Basketbol ng Pilipinas



Nagpursige pa at nagpakahirap mapili na host wala naman palang planong manalo.

Sa ibang salita po, di pa naguumpisa ang laban, tapos na ang boxing. 

And this is doubly ironic because it was under his watch that the most embarassing moments in Philippine basketball took place.

Boxingball

First, the brawl with Australia and the resulting mauling of Aussie players back in July 2nd 2018 at the Philippine Arena during a FIBA World Cup Asian qualifying game. They lost face and that game big time.

And second, the recent lost to Indonesia in the SEA Games Gold Medal Game held in the Thanh Tri Gymnasium in Hanoi on May 22, 2022.

Ang mahirap pa, ay nakapasok lang naman talaga sa World Cup kasi nga co-host, hindi pinaghirapan.

Eto na nga ang tamang pagkakataon sana kasi walang Korea tapos sa bayan uli gaganapin ang World Cup. Sinayang lang lahat ito ni coach at ng SBP. Mabuti pa ang Lebanon at Japan, preparado na, Gilas nga nga, aasa lang kay Jordan Clarkson.

Tama po, malamang olats nanaman at wala nanamang panalo kahit isa. Ngunit mga fans nandyan lang palagi sumusuporta, ngunit hanggang kailan kaya.


Sana Azkals magkaroon rin ng panibagong sigla at panimula, at ang mga ibang team sports kagaya ng softball at baseball.

Gising, kaya natin to.

Friday, February 24, 2023

Gagila Gilalas


FIBA WC Qualifiers 6th Window

Alam na po ng karamihan ng mga Gilas fans na hindi na ma aalis o mag reresign sa puwesto si Head Coach Chot Reyes.

Tanggapin na po natin.

At wala na pong magagawa ang mga sigaw natin at mga reklamo.

Pero sa totoo lang mukha namang pong nagkaroon din ng epek kahit papaano. Kasi may ibang ipinakita ng mga Gilas players sa last window ng FIBA WC 2023 Qualifiers.

Sana Tuloy Tuloy Na

Kung magtutuloy lang na makapag input sa game ang mga assistant coaches at patuloy lang po sana si Head coach sa tamang pagbalasa ng mga player medyo kakasa na sa WC. Iwas favoritism at palakasan na po.

Final 12

Kung tamang selection ng mga players ang magagawa at kaukulang preparasyon, walang bwakawan, walang pasikatan at may tamang teamwork, may solid na depensa at 3 point shooting may mga masusulot ang Gilas na ilang team. Dahil may home crowd advantage kung maididikit lang nila ang mga laban. At siguradong magiging maganda ang mga laban ng Gilas. Nakita naman natin ang epek ng mga suporta ng fans lalo na sa Game 7 ng GSW at Dragons.

Susuportahan ng mga fans kahit na si Coach Chot ang forever coach kung tamang mga player, may mga plays, may teamwork at di lang dribble dribble.

Ang Japan, yung co host ng Pilipinas sa WC malamang magiging maganda talaga ang maipapakita sa WC na ito. Pinaghahandaan talaga nila ito. Kaya dapat makasabay ang Gilas bilang isa ring host.

May panahon pa, ituloy tuloy na etong palakad na ito. Tamang mga player sana ang mapili at makapaglaro at mahabang practice.

Para sa bayan. Laban Pilipinas.

Impeached sa Kamara

  VP Sara Duterte Pumanig ang mahigit dalawang daang Kongresista na ma-impeach ang Pangalawang Pangulo ng bansa. Maraming dahilan ang isinu...

Popular Posts