Sunday, December 6, 2020

Nadaya Daw

Ito pong nakaraang halalan kontra Trump at Biden, idinidiit pa rin ni Ginoong Trump na nadaya siya.

Alam nating lahat na ang social media at ang lahat ng balita ay galit kay Trump at hindi naniniwala sa kanya.

Ni hindi nga nila ibinabalita ang kahit na anong anomalya na magiging kapakipakinabang sa kanya at bagkus kung mayroon naman pong makakatulong kay Ginoong Biden, ito naman ang kanilang ibabalita.

Natural lamang po ito sa dahilang gusto na ng nakararami na matanggal na po sa puwesto si Trump, kahit sino na basta hindi lang si Trump.


Gaya gaya


Mahilig po kasi tayong mga Pilipino na makisawsaw sa mga nangyayari sa ibang bansa.

Kaya po sa Pilipinas sinasakyan rin ito ng ating nga taga hatid ng balita at mga politiko na hinalintulad si Bongbong kay Donald Trump. 

At naiintindihan rin po natin sa kadahilang ayaw rin ng mga nakararami sa mga Marcos, maliban sa kanilang mga die-hard supporters.


Dayaan


Ngunit magising naman po tayo... sa malamang natalo po talaga si Ginoong Donald Trump at si Ginoong Bongbong Marcos.

Ngunit hindi po nangangahulugang wala pong dayaang nangyari.

Panahon pa po ng dekada sitenta alam na po natin na meron pong dayaang nangyayari.

Noon pong dekada ochenta, noon pong nagkaroon na ng mga makabagong teknolohiya sa bilangan ng boto, nagkaroon rin po ng mga makabagong dayaan.

Ngayon pong computer na halos lahat, mayroon pa rin pong dayaan. Mas makabago nga po lamang ang mga dayaan ngayon, karagdagan sa mga nakaugalian nang dayaan na cancer na po ng lipunan.

Palagi pong mayroon niyan at palagi po magkakaroon sa kadahilanang marumi po talaga ang larangan ng politika.

Marami rin pong maloloko sa larangan ng pamamahayag, sa mga taga hatid ng balita, ngayon po ang tawag na po rito ay fake news. Ang social media rin po ay ginagamit rin po sa dayaan.

Huwag na po tayong magtaka. 

Mayroon pong dayaan, kahit saan po, sa Amerika man, o anumang bansa.

Kaya kahit po ayaw natin kay Trump, tama po siya mayroon pong dayaan, ang malaking posibilidad lamang po ay nalinis na po at wala nang ebidensiya o hindi naman po ganoon kalaganap at kahit po hindi siya nadaya, ay talo pa rin po siya.


Gising


Gumising na po tayo. Lahat po ng politiko ay hindi nagsasabi ng pawang katotohanan, ngunit ganyan rin po sa mga taga hatid ng balita, sa social media at sa lahat man ng bagay. Mayroon at mayroong mandaraya. Believe it or not.



Friday, July 10, 2020

Wala Pong Kamatayang ABS CBN

ABS-CBN

Ang dami nang sumawsaw at patuloy na sumasawsaw at nagkampi-kampihan sa usapang ABS-CBN. Marami ring mga luhaan at marami ring mga nagbubunyi.

Huwag na po tayong magtaka. Kasi eto po ang epekto ng isang bayang walang pagkakaisa.

At alam naman natin na ang bansang walang pagkakaisa, ay walang patutunguhan.

Kangkungan, dito pupulutin and inang bayan. At nakalubog na nga po tayo sa kangkungan, ngunit tuloy parin pong nag-aaway-away ang mga taong bayan.

Bakit po kamo? Kasi ang mga Kapamilya galit sa mga Kapuso at mga Kapatid. Galit silang lahat sa isa't-isa.

Galit po ang mga Katoliko sa mga Iglesia, Born-Again at mga Muslim. Galit rin silang lahat sa isa't-isa.

Galit po ang mga maka Tatay Digong sa mga Dilawan. Wala pong pagkakaunawaan at pagtutulungan.


Watak watak po ang sambayanan at ito ay pinananatili ng kung sino man ang namumuno sa bansa at ng mga makapangyarihan, mga nakapuwesto sa gobyerno, ng mga mayayamang negosyante at ng mga sikat sa lipunan.

Bakit po? Kasi sa kaguluhan at sa di pagkakaisa, alam po nilang mananatili po sila sa puwesto at lalong yayaman sa dahilang walang nababago sa lipunan. Patuloy po silang naiboboto sa mga eleksiyon, o di kaya ang kanilang asawa, anak o sino mang kamag-anak.

Tuloy po ang kanilang ligaya. At ang mga taong bayan ay tuloy sa kahirapan at tuloy ang kaligayahan sa pagkakampi-kampihan at pakikipag-away.

At ang mas masama po rito, patuloy lang ang pagboto nila sa mga politikong nanlilinlang sa kanila at alam na alam naman nilang mandarambong at walang nagagawa para sa ikauunlad ng bayan.

Walang Pagkakaiba

Sa usaping ABS-CBN. Totoo po, pareho pong may kamalian sa parte ng ABS at sa parte ng gobyerno.

Ngunit sa kadahilang nagkampi-kampihan na po ang sambayan, ipagtatanggol po nila ang kanilang pinapanigan. Opo, kahit po alam nilang may kamalian rin po sa kanilang pinapanigan, at yung kamalian lamang po ng kabila ang kanilang nakikita.

Sa mga nawalan ng hanap-buhay? Magkaisa po kayo,  kumuha ng representasyon at tumugon sa DOLE.

Ang mga hindi na po makatiis at hinahanap-hanap ang "Ang Probinsiyano". Hindi po ba nasa Kapamilya Channel pa rin po ito? May bayad nga lang po.

Baka puwede rin po kayong magbuklod-buklod at humanap ng abogado o artistang makakatulong sa inyo na magpetisyon na mapanood ang mga palabas sa ABS-CBN ng libre. Kapamilya po kayo dapat po wala kayong bayad. Sa dalawangpu't limang taon, malaki na po ang kinita ng ABS-CBN dahilan po sa inyong walang tigil na pagtangkilik. Dapat po lamang nilang suklian ang inyong katapatan.

Sa mga tuwang-tuwa po sa mga nawalan ng trabaho, mag-ingat po kayo. Mayroon pong karma at sa buhay po minsan nasa itaas, minsan nasa ilalim. Bukas o makalawa, di po natin alam ang puwedeng mangyari.

Sa mga Lopez po, eto ang malaking alegasyon laban po sa inyo. Unang una na po na hindi po Pilipino si Gabby Lopez III. Bawal po iyan ayon sa batas.

At isang mani obra rin po ang pagbibigay ng mga Philippine Depository Receipts sa mga banyaga.

Taong 1995 po ng ipinagkaloob ang prangkisa sa inyo. Ito po ay para sa 25 taon. Panahon pa po ni Pangulong Ramos.

Simula pa po ng taong 2014 o anim na taon bago mapaso ang prangkisa, nag-umpisa na po kayong magrenew ngunit hindi naman po ninyo tinuloy.

Mayroon pa pong ibang mga alegasyon sa mga Lopez, nguni't ito lamang naman po ang mga importante.

Paso na po ang prankisa ngayong taong 2020.

Walang Pagkakaisa

Huwag na po natin palalain sa dahilang nagkakampi-kampihan po tayo. Alam na po natin na kaaway ni Tatay Digong ang ABS-CBN, at A BiaS CBN po ang tawag nila dito. Bias po laban sa kanila.

At marami pa pong alegasyon laban po sa kanila na sana po kung mapapatunayan at makapagbabayad po sila ng danyos perwisyo at maitutuwid ang kanilang mga nagawang kamalian sa publiko at sa mga nagtratrabaho po sa kanila, sana po mabigyan na ng prangkisa.

Ngunit hindi naman po eto ang layunin ng mga namamahala sa bansa. Sana po magising na po tayo at magkaisa. Iisa po ang ating lipi. Pilipino po tayo, magkaisa po tayo at huwag nang magpalinlang, Kapamilya man o Kapuso o Kapatid.

At parang awa na po natin, kapag po nahatulan na o napatunayan nang magnanakaw, huwag na po natin iboto uli.

Gising!

Thursday, June 25, 2020

NAIA, MIA, PPP O Bakit Nga Ba Dapat Palitan Ang Pangalan?

Luma Na Yan

Hindi ko parin maisip kung nakaka tawa ba at nakaka awa po ang ating sambayanan.

Dahil pinaiikot lamang tayo ng mga ibinoto natin at ng mga mayayamang may kapangyarihan sa ating bansa.

Bakit kamo, dahilan binigyan nanaman po tayo ng bagong buto na pag-aagaw-agawan na parang itinapon sa mga asong gutom o walang magawa.

Style Bulok

Mga kababayan, mayroon nanaman po tayong bagong dibersiyon.

Imbes na mga importanteng batas ang inaatupag ng ating magigiting na mga kongresista, ay eto nanaman.

Naubos na ang oras natin at napagsawaan na ang usaping rape at maiikling damit.

Ngayon eto naman po ang bagong usaping dapat pagkaabalahan ng mga mamamayang Pilipino.

Mahirap talaga ang matengga at walang pinag-aawayan. Kasi baka masilip pa ang mga bahong tinatago ng mga nakapuwesto at may katungkulan sa lipunan.

Ninoy Airport

Ngayon ito naman po ang bagong mainit na talakayan.

Nahati nanaman ang sambayanang Pilipino. At marami na nanamang makikisawsaw ng kani-kanilang parang fishball sa isang malaking bote ng suka, toyo, sibuyas, sili at kung anu't ano pa.

Dapat ba o di dapat palitan ang pangalang Ninoy Aquino International Airport.

Opo dahil importante po talaga itong gawin. Importante po ito sa ikauunlad ng bayan. Kikita po tayo dito at wala pong pamumulitika rito, este, trabaho po lamang, wala pong personalan.

Wala Namang Masama

Sige po, hindi naman masamang pag-usapan ngunit kagaya ng mga nauna nang mga usapin, nahati nanaman ang sambayanan at hindi nanaman makatiis na magkampi-kampihan ang taong bayan, magsiraan, mag-away-away at patuloy pong magkaroon ng hidwaan

Isa nanaman po itong pakana na malibang ang mga tao at tuluyang magbangayan at mag-girian na parang mga manok panabong nguni't hindi naman talaga nagpapang-abot. Puros paporma at ubos oras lamang.



Napaikot Nanaman

Wala naman tayong mahihita kung lalo lang nagkakawatak at hindi nagkakaisa bilang sambayanang Pilipino.

Nauuto nanaman po tayo ng mga politiko at mga mayayaman na patuloy lamang nakaupo sa puwesto habang ang mga karamihang mamamayan ay inuubos ang oras sa pakikipagtalaktakan laban sa mga kagaya rin nilang nabobola at ayaw paawat sa kanilang pinapanigan.

Gising Na Inang Bayan

Kapag nalaos na ang usaping ito, na wala naman kakuwenta-kuwenta, mapagsasawaan rin ito at itaga mo sa bato may bago nanaman pong buto na walang laman, lasa o sustansya, na itatapon sa mga walang magawa.

At habang patuloy na nag-aaway ang bawat isa, patuloy po lamang ang ating kahirapan.

At ang mga nakapuwesto at mayayamang nagpapaandar ng ekonomiya ng bansa ay patuloy sa pagyaman at pananatiling nakaupo sa puwesto.

Gising Na Po Bayan

Bangon na po inang bayan.

Tigilan na po natin itong kalukuhang ito. At huwag na po tayong magbubulag-bulagan sa mga luma't bulok nang style ng mga matagal nang namumuno sa ating bayan.

Di Pagkakaisa

Pilipino po tayong lahat, kapag hindi po tayo matutong magkakaisa, wala na po magbabago sa kasalukuyang kalagayahan ng bayan.

Tama na po. Wala naman po tayong mahihita kung magbago man o hindi ang pangalan ng NAIA sa "Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas"

At tigilan na po nating bumoto ng mga taong wala na ngang ginagawa, nagnanakaw pa sa kaban ng bayan.

Gising.

Sunday, June 14, 2020

Rape Culture

Bago Na Naman

Nakaka tawa at nakaka awa nanaman po ang ating inang bayan.

Bakit kamo, dahilan meron nanaman tayong bagong dibersiyon.

May bago nanaman po tayong pinagkakaabalahan o pinagkakaaksayahan ng oras.

Imbes sana mailaan sa mga bagay na mas kailangang pagtuunan ng pansin.

Ngayong lumabas na lahat ng litid at naubos na ang oras natin sa pakikipagdebate sa nabalisa nang dating usaping dapat bang ipasara o hindi ang ABS-CBN. At yung umangkas pang mga artista ng ABS-CBN at usapin sa batas ng classroom.

Ngayon meron pong bagong usapin na dapat pagkaabalahan ang mga mamamayang Pilipino.

Dahilang mahirap kasing walang talaktakan at pinag-uusapan o pinag-aawayan.

#Hija

Ngayon ito naman po ang bagong mainit na talakayan. At marami nang nakisawsaw. Dapat ba o di dapat magsuot ng maikling damit ang mga kababaihan? At yung umangkas na kapag dose anyos daw siya hindi siya makukulong.

Wala Namang Masama

Di naman masamang pag-usapan ngunit kagaya nang sa usaping ABS-CBN, nahati nanaman ang sambayanan at todo sawsaw nanaman ang mga di makatiis na magkampikampihan.

Ang problema po ay hindi matanggap ng mga makikitid ang pag-iisip, na parehas lang naman silang may punto at parehas lang naman silang may puna.

Ang dalawang panig ay pilit lamang na tinutulak ang mga bagay na tama sa kanilang argumento at binabalewala yung mga tama naman sa kabila.

Nabola Nanaman

Wala naman tayong mahihita kung tama man tayo o mali man sila.

Ang nangyayari lang nauuto nanaman po tayo ng mga politiko at mga matataas na tao sa lipunan na patuloy lang sa pagyaman habang ang mga karamihang mamamayan ay nauubos lang ang oras sa pakikipagtalaktakan laban sa mga kagaya din nilang hindi naman paaawat sa kanilang pinapanigan, kahit mali pa man sila o hindi.


Gising Inang Bayan


Parehas lang naman pong tama at parehas lang naman pong mali ang magkabilang panig ng usaping kailangang magsuot ng maiikling kasuotan ang mga kababaihan. Parehas lang na may puntos para dito o laban dito.

Alam Na

Sa kalaunan, hahaba lang ng hahaba ang usaping ito hanggat pagsawaan na rin ito. At may bago nanaman pong usaping lalabas.

Wala naman madudulot na mabuti sa atin. Isa lamang itong dibersiyon ng mga mayayaman, mga politiko, mga negosyanteng o mga makapangyarihan sa ating bansa.

Di Magkaisa

Habang watak-watak at hindi nagkakaunawan at nagkakaisa ang inang bayan, patuloy po lamang ang ating kamangmangan at kahirapan.

Ang mga nakapuwesto at mayayamang nagpapaandar ng ekonomiya ng bansa at patuloy lang sa pagyaman at paglago nila at sampu ng kanilang mga kaibigan at kamag-anakan.


Gising

Bangon na po inang bayan, tanghali na, tulo laway pa rin tayong natutulog o nagbubulagbulagan sa mga luma at bulok nang style ng mga namumuno at mayayamang matagal nang nililibang ang mga mamamayang Pilipino.

Pilipino tayong lahat, kapag hindi po tayo magkakaisa, ganito parin tayo hanggang sa mga susunod na maraming panahon. Mas malalala pa marahil dahil hindi tayo nag-aaral ng kasaysayan at wala nang inaatupag kundi tsismis, tiktok at tutok sa bago nanamang pauso ng mga politiko, artista at mga negosyanteng nagpapaikot sa sambayan.

Friday, May 8, 2020

ABS NTC Nakakasawa Na

ABS-CBN

Wala na po bang ibang pagkakaabalahan? Kalunos lunos na po ang inang bayan, bangayan pa ng bangayan sa kadahilanang wala na si Cardo at si Cabayo.

In the service of the Filipino.

Tama po, ngunit hindi po lahat ng Filipino ay Kapamilya.

Huwag na pong mag-away away ang mga magkaKapatid, magkaKapuso at magkaKapamilya o kung ano pa man ang tawag nyo sa sarili nyo.

Nakakatawa po na may bansag pa tayo kung ano tayo sa pamamagitan ng paboritong TV channel.

Watak Watak

Kaya po walang asenso ang inang bayan dahilan po sa pagkakawatak watak ng sambayanan.

Pilipino po tayong lahat. Lumulubog kapag di nagkakaisa at umaangat at may pag-asa kapag sama-sama.

Ngunit ang pagkakabuklod buklod ng sambayanan ay isa pong malayong pangarap kung sa TV station pa lamang ay watak watak na.

Puwede namang lahat ay maging Kapamilya, Kapuso at Kapatid, bakit naman hindi?

O sa mga ayaw talagang paawat at ayaw maglipat sa ibang channel, eto sige ulit-ulitin ninyo:


Sa mga nagbasag ng kanilang mga telebisyon, wala pong gamot diyan.

At sa mga naghahangad na matapos na Ang Probinsiyiano... hindi pa po tapos yun, babalik pa uli yan.

Tuesday, April 14, 2020

Una Nanaman ang Pilipinas

Pinoy Pride Nanaman

Malaking karangalan nanaman po ang natamo ng bayan.

Sapagkat sa nakaraang ilang linggo, biglaan at patuloy pong tumaas ang bilang ng may sakit ng covid sa bansa.

Pilipinas Number 1 in Southeast Asia.


At sa kasalukuyan, ang Pilipinas po ang may pinakamaraming bilang ng kaso ng may covid virus sa Timog Silangang Asya.

Salamat po sa mga kababayan po nating matitigas ang ulo.

Salamat po sa mga hindi naniniwalang sadyang malubha po itong sakit na ito. Nakamamatay po.

Salamat po sa mga walang pakialam sa sarili nilang kapakanan, sa kapakanan ng ibang tao, ng mga mahal nila sa buhay at ng inang bayan.

At salamat po na napakarami na pong namatay na mga doktor at iba ibang nangangalaga sa ating kalusugan.


Wednesday, March 25, 2020

Senador Koko Pimentel

Abogado na Senador Pa


Ano po ba ang dapat gawin ni Senador Aquilino (Koko) Pimentel III? At ano po ba ang dapat natin gawin sa kanya?

Sa harap po ng laganap na banta ng corona virus, at laking sakripisyo ng sambayan, ano po ba ang gagawin natin kay Senador Koko, kung meron man... dito po sana natin masusukat kung kaya na po natin maging katulad ng ating mga katabing bansa, kagaya ng Japan, Korea, Taiwan at Singapore.

Sa kanila po, malaking pagkakamali po ito, malaking kahihiyan po at humihingi na po sila ng paumanhin, nagbabayad danyos perwisyo na po, o bumababa na po sa puwesto. Sa iba pa nga po ay nagpapakagat na po sila sa ahas.

Sa ating inang bayan po. Nganga.





Impeached sa Kamara

  VP Sara Duterte Pumanig ang mahigit dalawang daang Kongresista na ma-impeach ang Pangalawang Pangulo ng bansa. Maraming dahilan ang isinu...

Popular Posts