Maynila, bakit naman kasi pinaupo nyo pa yan sa puwesto?
Sa maraming bansa, kapag may bahid ng scandal o kahit maliit na kaso ng pandarambong, kusa ng humihingi ng tawad sa publiko ang mga nakapuwesto kasi nga nasira na nila ang "public trust" at ito ay isang malaking kahihiyan sa kanilang pangalan, pamilya at sa mga nagtiwalang bumoto sa kanila. Kasunod nito ay ang kaagad agad nang pagbaba o pagresign sa puwesto.
Bakit Kaya Sa Atin?
Nakupo naman sa atin, naakusahan na, nahatulan na, nakulong na, nakakatakbo pang mayor, gobernor, congresista, senador, presidente at kung ano ano pa.
Nananalo pa... at kung umasta, parang wala lang... anyare?
Sadya po ba silang wala nang hiya o sadya po talagang bulag, pipi, bingi at tanga ang mga bumoboto?
Bayan, gising po. Ibenenta nyo na po bang lahat ang inyong prinsipyo, delikadeza, katinuan at sentido comon, o sadyang wala kayo nyan?
Dumilat na po kayo at bumangon sa inyong matagal na pagbubulag-bulagan, pagbibingi-bingihan at pagtatanga-tangahan.
Sige po iboto pa ang mga actions stars - Erap, Jinggoy, Bong at iba pang politikong matagal nang napatunayang mayroong mga anomalya.
Kung hei fat choy po sa kanila at patuloy po ang pag asenso at pagyaman nila. Tayo pong lahat, patuloy po sa pag dil dil ng asin. Bakit po kaya?