Gilas Program
Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila.
Sayang di kasi sila nakinig sa mga fans, iisa lang, pinaglumaan at basang basa na ang style, mangilang ngilan lang na mga player ang gustong gamitin at paglaruin. Minsan lawit dila na, bardagul na maglaro, babad pa rin, di ginagamit ang mga di paborito. Nawalan ng kumpiyansa at interes ang team at mga taga suporta nila.
Noon wala na halos team ang kinakatakutan ang Gilas, pati si Wael nina night night lang tayo.
Noon halos wala nang gustong sumali sa team, at walang malalakas na team na gustong makipaglaro sa kanila.
Noon politika, business, padrino, paboritismo, iso, dribble dribble, feeling NBA.
Noon daming mga coach na binasura, Coach Rajko, Coach Nenad, Coach Tab, daming mga pinag aasistant coach lang.
2024
Ngayon, nagpalit lang ng coach mga malalakas na team sa Europa nag-iimbita para makipag tune up games sa Gilas.
Ngayon 1st window ng FIBA Asia Cup Qualifier nasa itaas ng leader board ang Gilas, highest +, una sa mga top performers, una sa assists, una sa 3 pt percentage, at iba pa.
Di pa kumpleto ang line up, marami pang mga injured na di nakapaglaro.
Hinay Hinay
Ngunit alam natin na maaga pa, bilog and bola at medyo mas mahihina pa lang ang mga nakalaban pero yung kumpinyansa ng mga player, ng mga fans, at ng mga ibang malalakas na team sa Europa ay naibalik na. Malaking bagay ito. Hindi yan basta basta.
#DamingSinayangNaPanahon
Sayang may programang 23 for 2023 ang Gilas, para sana maganda ang ipapakita sa harap ng taong bayan noong nakaraang FIBA World Cup.
Sayang yung ibang host lang ang tunay na naghanda. Ayan, Akatsuki (Japan) qualified na sa 2024 Olympics. Gilas dadaan pa sa butas ng karayom.
Bueno, di man 2024 Olympics, may 2028 pa.
Sayang malaking pagkakataon ang pinalagpas, yung huling FIBA World Cup sana ang susi para nakabalik na sa Olympics.
Sayang
Anyway, sana tuloy tuloy na ang totoong programa, magandang pamamalakad at ang pagtaas ng kalidad at antas ng paglalaro ng Gilas.
Mabuhay.
#NagisingRin
No comments:
Post a Comment