Tanong:
Bakit karamihan ng Filipino kapag nangibangbayan mababait, magagalang, parang di makabasag pinggan, madisiplina at sumusunod sa mga batas?
Pero kapag nasa sarili niyang bayan, lalo na kung nakaonline ay mayayabang, walang mga modo, walang mga disiplina, parang walang pinagaralan, at kung umasta parang hari at reyna ng daan o kung saan man sila naroroon.
Isang halimbawa, may isang gabi nang kumakain kami ng misis ko sa isang Max's, hindi ko na maalala kung saan sa kalakhang Maynila, nang biglang nagtaas ng paa ang isang lalaki sa katabi niyang upuan. Yung ilalim ng kanyang sapatos ay dalawang talampakan lamang ang layo sa katabi niya na kumakain sa kalapit na mesa.
May isang ginoo sa kabila namang mesa ang tinawag ang kanyang pansin at nakiusap na pakibaba ang kanyang paa. Ngunit sa halip na ibaba ang kanyang paa, sinagot ng lalaki ang may edad nang mama at sinabing wala siyang pakialam at dagdag pa niya na manahimik na lamang ang matanda at iba pang mga maaanghang na salita.
Dagling tumahimik na ang matanda at lahat ng mga katabi ng lalaking nakataas ang paa, at ang lahat ay nagmadali nang kumain upang makaalis na. Opo, wala po tayong pakialam sa kanya kung gusto niyang maging bastos at walang modo. Ngunit ang lalaking ito ay sa malamang na mahihirapang gawin ito sa ibang bansa. Bakit kaya?
At nabasa na po ba ninyo ang mga sinusulat ng ating matatapang na mga kababayan sa iba't ibang mga online forums at sa mga kilalang social media sites? Naku po, nakakahiya po.
May pag asa pa kaya ang ating inang bayan?
Opo, mayroon po. At nasa atin pong lahat maguumpisa ang mga mimimithi.
Gumising na po tayo. Maki-isa at makisama, dahil kung gugustuhin... may paraan, kung ayaw... maraming dahilan.
Return to Homeland
No comments:
Post a Comment