Tuesday, August 29, 2023

Ang Dami Paring Supporter Si Coach Chot

Hindi po talaga mapipigil ang mga die hard supporter ni Coach Chot.


Tama po naman, kasi may mga below the belt naman talagang pambabash o patutsada laban kay Coach na pakiramdam niya siya lang at ang anak niya ang magaling at puwedeng magcoach ng Gilas.

Pero aminin na po natin marami na pong ginawa at sinabi si Coach na hindi na puwedeng palagpasin at nagdala ng kahihiyan sa bansa.

Sinabi rin po niya na hatulan siya kapag tapos na ang World Cup. Eto na po ang panahon.

Puno Na Ang Salop

Pero bago po ang lahat ilabas po natin sa usaping ito ang politika, kung sino man ang binoto o hindi natin binoto, walang kinalaman ito sa usaping Gilas. At hindi rin po ito ang dahilan kung bakit suportado natin o hindi si Coach.

Aminin

At huwag na po nating ipagkaila. Meron din pong politika sa basketball. Napolitika po ang mga foreign coaches. Pinagkaisahan at napilit na mapaalis ng mga PBA coaches at ng SBP ang mga foreign coach ng Gilas. Ani nila, mas magaling naman daw ang mga local coach kaysa sa mga banyaga. Aminin na natin, hindi po.

Bulag, Pipi, Bingi

Lahat po ng ibang team may mga naturalized player na at mga foreign coach. Hindi sila nagbubulag-bulagan.

Lahat na po ng mga ibang bansa sa Asya at Afrika ay gumagaling na sa basketball at nalagpasan pa ang bansang Pilipinas.

Ang mga ibang team po moderno na ang laruan, may mga play na, hindi puro pabida, umiikot na ang bola, halos lahat ay may tira sa tres, at halos walang dribble dribble. Nakakapag adjust po sila habang naglalaro kasi ang mga coach nila marunong bumasa sa takbo ng laro. Hindi puro ubos oras, pa showtime o highlight reel, at isa lang ang bumubuhat na player.

Mahaba po ang preparasyon nila at may programa talaga. Walang palakasan at padrino padrino. At hindi po NBA ang PBA.

Eto po ang dahilan kung bakit napag-iwanan na ang Pilipinas.

Nagmamatigas po kasi at pilit na ayaw sumabay sa pagbabago.

Ayan, isa na sa mga PBA coach, si Coach Yeng Guiao ang nagsabi na napag-iwanan na ang Pilipinas sa basketball. Kailangan na ng pagbabago. Salamat naman at may umamin rin.

May Dahilan

Kaya mga kababayan, hindi po lahat ng bumabatikos kay Coach Chot at sa pamamahala ng SBP ay mga hater at basher. Meron din po pero hindi ang nakararami.

Marami rin pong napagod na lang sa mga pangako, pagmamatigas, palusot at pagmamayabang ni Coach Chot. Namemersyonal pa. Unahin po sana ng SBP ang kapakanan ng team kaysa sa mga personal nilang interes at mga team sa PBA.

At napakarami naman pong ibang Coach maliban sa mag amang Reyes.


Source: Habambuhay Basketbol

Sana magising na tayong lahat.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts