Luma Na Yan
Hindi ko parin maisip kung nakaka tawa ba at nakaka awa po ang ating sambayanan.
Dahil pinaiikot lamang tayo ng mga ibinoto natin at ng mga mayayamang may kapangyarihan sa ating bansa.
Bakit kamo, dahilan binigyan nanaman po tayo ng bagong buto na pag-aagaw-agawan na parang itinapon sa mga asong gutom o walang magawa.
Style Bulok
Mga kababayan, mayroon nanaman po tayong bagong dibersiyon.
Imbes na mga importanteng batas ang inaatupag ng ating magigiting na mga kongresista, ay eto nanaman.
Naubos na ang oras natin at napagsawaan na ang usaping rape at maiikling damit.
Ngayon eto naman po ang bagong usaping dapat pagkaabalahan ng mga mamamayang Pilipino.
Mahirap talaga ang matengga at walang pinag-aawayan. Kasi baka masilip pa ang mga bahong tinatago ng mga nakapuwesto at may katungkulan sa lipunan.
Ninoy Airport
Ngayon ito naman po ang bagong mainit na talakayan.
Nahati nanaman ang sambayanang Pilipino. At marami na nanamang makikisawsaw ng kani-kanilang parang fishball sa isang malaking bote ng suka, toyo, sibuyas, sili at kung anu't ano pa.
Dapat ba o di dapat palitan ang pangalang Ninoy Aquino International Airport.
Opo dahil importante po talaga itong gawin. Importante po ito sa ikauunlad ng bayan. Kikita po tayo dito at wala pong pamumulitika rito, este, trabaho po lamang, wala pong personalan.
Wala Namang Masama
Sige po, hindi naman masamang pag-usapan ngunit kagaya ng mga nauna nang mga usapin, nahati nanaman ang sambayanan at hindi nanaman makatiis na magkampi-kampihan ang taong bayan, magsiraan, mag-away-away at patuloy pong magkaroon ng hidwaan
Isa nanaman po itong pakana na malibang ang mga tao at tuluyang magbangayan at mag-girian na parang mga manok panabong nguni't hindi naman talaga nagpapang-abot. Puros paporma at ubos oras lamang.
Napaikot Nanaman
Wala naman tayong mahihita kung lalo lang nagkakawatak at hindi nagkakaisa bilang sambayanang Pilipino.
Nauuto nanaman po tayo ng mga politiko at mga mayayaman na patuloy lamang nakaupo sa puwesto habang ang mga karamihang mamamayan ay inuubos ang oras sa pakikipagtalaktakan laban sa mga kagaya rin nilang nabobola at ayaw paawat sa kanilang pinapanigan.
Gising Na Inang Bayan
Kapag nalaos na ang usaping ito, na wala naman kakuwenta-kuwenta, mapagsasawaan rin ito at itaga mo sa bato may bago nanaman pong buto na walang laman, lasa o sustansya, na itatapon sa mga walang magawa.
At habang patuloy na nag-aaway ang bawat isa, patuloy po lamang ang ating kahirapan.
At ang mga nakapuwesto at mayayamang nagpapaandar ng ekonomiya ng bansa ay patuloy sa pagyaman at pananatiling nakaupo sa puwesto.
Gising Na Po Bayan
Bangon na po inang bayan.
Tigilan na po natin itong kalukuhang ito. At huwag na po tayong magbubulag-bulagan sa mga luma't bulok nang style ng mga matagal nang namumuno sa ating bayan.
Di Pagkakaisa
Pilipino po tayong lahat, kapag hindi po tayo matutong magkakaisa, wala na po magbabago sa kasalukuyang kalagayahan ng bayan.
Tama na po. Wala naman po tayong mahihita kung magbago man o hindi ang pangalan ng NAIA sa "Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas"
At tigilan na po nating bumoto ng mga taong wala na ngang ginagawa, nagnanakaw pa sa kaban ng bayan.
Gising.
Thursday, June 25, 2020
Sunday, June 14, 2020
Rape Culture
Bago Na Naman
Nakaka tawa at nakaka awa nanaman po ang ating inang bayan.
Bakit kamo, dahilan meron nanaman tayong bagong dibersiyon.
May bago nanaman po tayong pinagkakaabalahan o pinagkakaaksayahan ng oras.
Imbes sana mailaan sa mga bagay na mas kailangang pagtuunan ng pansin.
Ngayong lumabas na lahat ng litid at naubos na ang oras natin sa pakikipagdebate sa nabalisa nang dating usaping dapat bang ipasara o hindi ang ABS-CBN. At yung umangkas pang mga artista ng ABS-CBN at usapin sa batas ng classroom.
Ngayon meron pong bagong usapin na dapat pagkaabalahan ang mga mamamayang Pilipino.
Dahilang mahirap kasing walang talaktakan at pinag-uusapan o pinag-aawayan.
#Hija
Ngayon ito naman po ang bagong mainit na talakayan. At marami nang nakisawsaw. Dapat ba o di dapat magsuot ng maikling damit ang mga kababaihan? At yung umangkas na kapag dose anyos daw siya hindi siya makukulong.
Wala Namang Masama
Di naman masamang pag-usapan ngunit kagaya nang sa usaping ABS-CBN, nahati nanaman ang sambayanan at todo sawsaw nanaman ang mga di makatiis na magkampikampihan.
Ang problema po ay hindi matanggap ng mga makikitid ang pag-iisip, na parehas lang naman silang may punto at parehas lang naman silang may puna.
Ang dalawang panig ay pilit lamang na tinutulak ang mga bagay na tama sa kanilang argumento at binabalewala yung mga tama naman sa kabila.
Nabola Nanaman
Wala naman tayong mahihita kung tama man tayo o mali man sila.
Ang nangyayari lang nauuto nanaman po tayo ng mga politiko at mga matataas na tao sa lipunan na patuloy lang sa pagyaman habang ang mga karamihang mamamayan ay nauubos lang ang oras sa pakikipagtalaktakan laban sa mga kagaya din nilang hindi naman paaawat sa kanilang pinapanigan, kahit mali pa man sila o hindi.
Gising Inang Bayan
Parehas lang naman pong tama at parehas lang naman pong mali ang magkabilang panig ng usaping kailangang magsuot ng maiikling kasuotan ang mga kababaihan. Parehas lang na may puntos para dito o laban dito.
Alam Na
Sa kalaunan, hahaba lang ng hahaba ang usaping ito hanggat pagsawaan na rin ito. At may bago nanaman pong usaping lalabas.
Wala naman madudulot na mabuti sa atin. Isa lamang itong dibersiyon ng mga mayayaman, mga politiko, mga negosyanteng o mga makapangyarihan sa ating bansa.
Di Magkaisa
Habang watak-watak at hindi nagkakaunawan at nagkakaisa ang inang bayan, patuloy po lamang ang ating kamangmangan at kahirapan.
Ang mga nakapuwesto at mayayamang nagpapaandar ng ekonomiya ng bansa at patuloy lang sa pagyaman at paglago nila at sampu ng kanilang mga kaibigan at kamag-anakan.
Gising
Bangon na po inang bayan, tanghali na, tulo laway pa rin tayong natutulog o nagbubulagbulagan sa mga luma at bulok nang style ng mga namumuno at mayayamang matagal nang nililibang ang mga mamamayang Pilipino.
Pilipino tayong lahat, kapag hindi po tayo magkakaisa, ganito parin tayo hanggang sa mga susunod na maraming panahon. Mas malalala pa marahil dahil hindi tayo nag-aaral ng kasaysayan at wala nang inaatupag kundi tsismis, tiktok at tutok sa bago nanamang pauso ng mga politiko, artista at mga negosyanteng nagpapaikot sa sambayan.

Subscribe to:
Posts (Atom)
Ang Daming Sinayang Na Panahon
Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...
Popular Posts
-
Hindi po talaga mapipigil ang mga die hard supporter ni Coach Chot. Tama po naman, kasi may mga below the belt naman talagang pambabash o pa...
-
This is the time to judge Gilas Pilipinas Program Director and Coach of Senior Men's Basketball Team. Coach said one year ago, in 2022 H...
-
Sa mga nabuhay noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas at nagsasabi na noon ay: 1. Maunlad ang Pilipinas 2. Mayaman ang Pilipinas 3. Ma...