Sunday, December 6, 2020

Nadaya Daw

Ito pong nakaraang halalan kontra Trump at Biden, idinidiit pa rin ni Ginoong Trump na nadaya siya.

Alam nating lahat na ang social media at ang lahat ng balita ay galit kay Trump at hindi naniniwala sa kanya.

Ni hindi nga nila ibinabalita ang kahit na anong anomalya na magiging kapakipakinabang sa kanya at bagkus kung mayroon naman pong makakatulong kay Ginoong Biden, ito naman ang kanilang ibabalita.

Natural lamang po ito sa dahilang gusto na ng nakararami na matanggal na po sa puwesto si Trump, kahit sino na basta hindi lang si Trump.


Gaya gaya


Mahilig po kasi tayong mga Pilipino na makisawsaw sa mga nangyayari sa ibang bansa.

Kaya po sa Pilipinas sinasakyan rin ito ng ating nga taga hatid ng balita at mga politiko na hinalintulad si Bongbong kay Donald Trump. 

At naiintindihan rin po natin sa kadahilang ayaw rin ng mga nakararami sa mga Marcos, maliban sa kanilang mga die-hard supporters.


Dayaan


Ngunit magising naman po tayo... sa malamang natalo po talaga si Ginoong Donald Trump at si Ginoong Bongbong Marcos.

Ngunit hindi po nangangahulugang wala pong dayaang nangyari.

Panahon pa po ng dekada sitenta alam na po natin na meron pong dayaang nangyayari.

Noon pong dekada ochenta, noon pong nagkaroon na ng mga makabagong teknolohiya sa bilangan ng boto, nagkaroon rin po ng mga makabagong dayaan.

Ngayon pong computer na halos lahat, mayroon pa rin pong dayaan. Mas makabago nga po lamang ang mga dayaan ngayon, karagdagan sa mga nakaugalian nang dayaan na cancer na po ng lipunan.

Palagi pong mayroon niyan at palagi po magkakaroon sa kadahilanang marumi po talaga ang larangan ng politika.

Marami rin pong maloloko sa larangan ng pamamahayag, sa mga taga hatid ng balita, ngayon po ang tawag na po rito ay fake news. Ang social media rin po ay ginagamit rin po sa dayaan.

Huwag na po tayong magtaka. 

Mayroon pong dayaan, kahit saan po, sa Amerika man, o anumang bansa.

Kaya kahit po ayaw natin kay Trump, tama po siya mayroon pong dayaan, ang malaking posibilidad lamang po ay nalinis na po at wala nang ebidensiya o hindi naman po ganoon kalaganap at kahit po hindi siya nadaya, ay talo pa rin po siya.


Gising


Gumising na po tayo. Lahat po ng politiko ay hindi nagsasabi ng pawang katotohanan, ngunit ganyan rin po sa mga taga hatid ng balita, sa social media at sa lahat man ng bagay. Mayroon at mayroong mandaraya. Believe it or not.



Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts