Sunday, February 27, 2022

Wala Nanaman?


Presidential Debate

Wala nanaman ang isang naturang kandidato, mayroon nanamang pong dahilan.


Nandito sana siya, para makipagtalakayan, ngunit mayroon daw pong ibang lakad. Ano pa kaya ang mas mahalaga o mas importante maliban sa responsibilidad niya sa taong bayan? 


Ang laki ng tiwala ng anak ng dating pangulo na iboboto parin po siya ng kanyang mga taga suporta kahit na hindi siya dumadalo sa anumang debate.

O eto ay isang malaking sistema po nila dahil hindi nga naman malalaman ng mga manonood kung ano talaga ang kahinaan ni Junior kung hindi siya magkikipag debate.

Less Talk, Less Mistake

No Debate, No Mistake

Magaling na strategy yan. Mahirap naman talagang baguhin pa ang isip ng mga plano nang bumoto sa kanya maliban na po lamang kung mapapanood nilang mahina pala ang kanilang kandidato kapag nakipagdebate na sa kanyang mga katunggali na hindi umaayaw sa laban at hindi binabalewala ang kanilang katungkulan at respeto sa mga botante at ipakita sa mamamayan kung sino po ba talaga ang kanilang bibigyan ng kanilang boto -- botong pinag-iisipan, pinag-ninilaynilayan, ipinagdarasal, pinaglalaban at hindi ibenebenta o binabalewala.

Ang nakapagtataka pa po, na cyber attack pa ang CNN Philippines, sino kaya ang may pakana nito?

Friday, February 25, 2022

People Power 1986


Marami pong nagsasabi na lalo lamang lumala ang kalagayan ng Pilipinas pagkatapos ng ika 26 ng Pebrero 1986.

Tama po, lalo pong lumala sa dahilang malala na po ang lagay ng bansa sa panahon na yun. At nagsimula po ito ng dekada sisenta. Kaya nga po nagkaroon ng people power.

Musmos Pa

Yung wala pa pong muang at lalo na yung hindi pa po naipapanganak nong 1960, ano po ba talaga ang basehan ninyo?

Ang malaking problema po natin, maliban sa mga trapong politiko ay ang taong bayan po mismo -- mga bobotante po at madaling mapasayaw ng mga mapang akit na politiko.

Kung nagbabayad na po kayo ng buwis noong 1986 alam nyo po na dekada sitenta pa po nang magumpisang mag OFW ang mga Pilipino dahil sa hirap na po ng buhay sa Pilipinas. Marami na pong nag abroad, lalo na sa America, at karamihan po ay mga kababayan ng Presidente Marcos. Bakit po kaya?

Karamihan po ng Pilipino sa Hawaii at West Coast U.S. ay mga taga Norte, di po ba?

Nagbago Ngunit Sandali Lamang

Noong mga unang taon pagkatapos ng 1986, ang mga Pilipino po ay nagkaroon ng panandaliang pagmamahal sa bayan at naging mabubuting mamamayan. Sumusunod po sila sa batas at nagbabayad po ng tamang buwis.

Ngunit sadya pong malaking cancer na sa lipunan ang kultura ng katiwalian, bumalik lang po ang pagnanakaw sa kaban ng bayan, cronies, palakasan at lagayan at kung ano ano pang mga kaganapang nangyayari na ng matagal na panahon.

At ayan po ang kaganapan, balik nanaman po sa dating nakaugalian na. Dayaan, nakawanan, lamangan at kung ano't ano pa. Hindi po ito bago, lumang style na po.

Pilipinas gumising na po tayo, tayo po mismo ang makakalutas sa problema ng bayan, ngunit wala pong mangyayari kung ang mga trapong politiko ang ating paulit-ulit na iboboto.

Buy and Sell, philstar.com

Thursday, February 10, 2022

Not Disqualified

Halalan 2022


Sa darating na eleksiyon mukhang ang anak ay sumusunod po sa yapak ng ama.


Ito ay dahil sa malamang ay malaki ang tsansang manalo sa pagkapangulo ang anak ng dating pangulo.

Kung hindi sasali sa mga debate o anumang talakayan ang anak ay wala nga pong naman masasabing mali at magkakamali. At marami naman po ibang tao ang nagsasalita at nagpapaliwanag para sa kanya.

At ang mga boboto sa kanya ay wala nga pong pag-asa pang magbago pa ng desisyon.

Ang naging desisyon ng Comelec na hindi ituloy ang  pagdisqualify sa anak ay isang malaking pako sa kabaong ng mga katunggali. Halos wala na po silang pag-asa.


Guilty Pero Lusot Pa Rin

Kung ang taong nahatulan na po ng mga kaso ay naturing na puede pa rin kumandidato sa pagkapangulo, ay tapos na po ang boksing bago pa mag-umpisa. 

Hindi naman po nakapagtataka, dahil ang kanyang ama ay nahatulan din po ng kasong pagpatay noong dekado sisenta. Death penalty pa nga po ang hatol. Ngunit na appeal po ito at nakalaya siya.

Yes, history repeats itself. Guilty na nalusutan pa. Parehong pareho. Like father, like son. Alin pa kaya ang mga pagkakapareho nila?

Di bale, hindi naman nagbago ang karamihan ng Pilipino, ganoon pa rin naman. Tulog o nagtutulugtulogan. Mahirap pong gisingin ang nagkukunwaring tulog. 

Tuesday, February 1, 2022

Nakakatawang Nakakaawa ang Pilipinas

 

Malapit na po ang halalan.

Malaking posibilidad na nakapili na po kayo ng iboboto ninyo. At ang mga diehard po, wala na po tayong magagawa para mabago pa po kung sino iboboto nila -- matagal na po silang bulag, pipi at bingi. 

Hindi ko po sila tinawag na tanga. Kasi po wala pong lunas ang katangahan. At wala rin pong gamot para sa mga nagbubulagbulagan at nagbibingibingihan. 

Undecided

Sa malamang ang maaari na lang pong magbago ay ang mga hindi pa po sigurado.

Sa totoo medyo malayo layo pa naman po ang eleksiyon at marami pa pong puedeng mangyari. Meron pa pong debateng mangyayari.


Ang isa pa pong problema ay ang mga kandidato po ay para din pong sa Amerika, wala pong pagpilian o parang pumipili lamang kayo ng "lesser evil".

Parang po si Biden o si Trump? Harris o Pence noong nakaraan. 

At Clinton o Trump, noong nauna.

Wala pong pagpipilian.

Huwag na po tayong mag-away-away mga kababayan. At huwag na huwag pong ibebenta ang boto ninyo. Mamili po ng maayos para po sa inyong kinabukasan at sa kinabukasan ng inyong mga anak at apo.

Ilang dekada pa po ba tayong maghihirap? Ang bansang Laos na po ang kalevel ng Pilipinas. Matagal na po tayong natalo ng Vietnam, Indonesia, Malaysia, Thailand at marami pa.

Sa basketball na lang po tayo mas angat sa kanila.

Natatawa at naaawa po ako sa bayan. Kayo po?

Hindi pa po ba kayo gigising sa mahabang pagkahimbing?

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts