SPORTS
Noon po maraming magagaling na manlalarong Pilipino. At marami pong sports na malakas po ang mga Pilipino.
Mga one-on-one, magaling po tayo sa billiards, bowling, boxing, kahit po chess, tennis, athletics at iba pa.
Sa larangan po ng team sports, sa basketball po ay talagang hari tayo sa Asya. Ang mga kapitbahay po nating mga bansa nilalampaso tayo sa football (soccer), volleyball, baseball, badminton, table tennis at anu ano pang laro.
BASKETBALL
Opo, maliban lang sa basketball. Ito lamang po ang pinagyayabang natin laban sa kanila -- panahon pa po nila Lou Salvador, Caloy Loyzaga, Mon Fernandez, Samboy Lim, Allan Caidic, at sa ngayon June Mar Fajardo.
PBA
Simula po ng 1970s ay humahabol na at nalagpasan na tayo ng mga ibang bansa sa Asya sa larangan ng basketball. Taong 1972 po nang mag-umpisa ang PBA.
Tayo pa rin po ang hari ng Southeast Asia, ngunit salamat po sa SBP, sa PBA at kay Coach Chot Reyes ay ngayon taon po ay hindi na.
Pati po ba Batang Gilas, Reyes Jr. pa rin ang Coach. Paurong po tayo, hindi po pasulong.
Nakita na po ng lahat na nakahabol na kahit ang mga ibang manlalaro sa SEA.
GISING
Matagal na panahon na po tayong nilalampaso sa mga larong kagaya ng volleyball at football. Pati po ba sa nag-iisang laro na malapit sa puso ng mga Pilipino ay makikita natin na tatalunin na rin tayo?
SBP, PBA, mga basketbolistang Pilipino wala po ba tayong kahihiyan?
Mga Filipino fans po alam na ang gagawin, mga kalaban po natin sa Asya at ibang parte ng mundo naghahanda na, matagal na panahon na. May mga naturalized players na po sila. May mga basketball program na at mga foreign coaches. Matagal na rin silang nagprapraktis.
Tayo po? Chot Reyes pa rin po at yung anak niya. Salamat po SBP at PBA.