Saturday, September 3, 2022

Coach Chot Reyes


Love him o hate him, wala na po tayong magagawa. Ayaw niya talagang bumitiw sa pagka head coach at program director ng Gilas Pilipinas. Pilit po nilang pinalalabas na mas magaling ang local coaches kaysa foreign coaches.


Opo kahit tinalo pa siya ng Indonesia sa SEA games na gamit ang formula at foreign coach na pina alis ng Gilas, si Coach Rajko. 

Nabubuking Kasi

Bakit kaya pinaalis ang mga foreign coaches, dahil kaya mas magaling ang local coaches? O dahil nabubuking na mas magaling ang foreign coaches, kapag mga international games? 

Alam naman marahil ng marami sa atin na, halos lahat ng bansa gumagaling na sa basketball. Bakit po? Dahil kumukuha na sila ng foreign coaches at gumagamit ng mga sistema na nauna nang pinatupad ng mga programa ng Gilas sa matagal na panahon, kay Coach Jacobs pa.

Ginaya lang po ng ibang bansa ang Gilas at ayan tinatalo na nila tayo, dahil tayo naman ay nagpupumilit sa mag amang Reyes bilang ating mga head coaches. Bakit kaya, parang wala na bang ibang coach.

Dalawang Ilog

At ayan dahil busy pa at namamangka si Coach Chot sa dalawang ilog, talo na sa SEA games, talo na sa Asian games, talo pa sa World Cup qualifiers, talo pa sa PBA, at sa malamang walang maipapanalo sa World Cup sa isang taon na tayo pa mismo ang isa sa mga host.


Tapos Na Po Ang Laban

Wala na pong saysay na makipagtalo sa issue ni Coach Chot. Alam na ng nakararami ang mga nangyayari -- palakasan, padrino, politika, nepotism, favoritism, personal na interes, ego, pride, kulang sa preparasyon, paawa epek at PR.

Hindi po tayo mananalo kapag ganito ng ganito ang palakad. At ayan po, kaya umalis si Coach Nenad at kaya binoboo na ng taong bayan si Coach Chot kahit nasa Pilipinas na ang laro. Hindi mga player ang binoboo, si Coach Chot lang bilang head coach at program director, at ang SBP dahil nagresign na daw si Coach Chot pero dahil siya lang daw ang karadapat na coach, siya lang dapat ang coach, forever. Denied ang resignation. Kapag ibang coach, di pa nagreresign, tanggal na.

PSC

At ayan kahit na nilagay pa sa PSC si Komisyoner Noli, wala rin mangyayari. Noon matapang niyang binabanatan ang SBP, ngunit noong nilagay sa puwesto, ang sabi niya kasi noon fan lang din siya, ngayon iba na raw, hinay hinay na. May imbestigasyon pa nga daw sa senado, pero wala rin nangyari.

Atapang Atao

Si Coach Tab lang talaga ang may tibay ng dibdib na bumangga at nagsalita laban sa maling sistema ng basketball sa bansa. At nakita naman natin ang resulta, naging persona non grata, kaya lahat tumahimik na, kahit si Coach Nenad, umexit na lang para wala na sa eksena.

Meron tayong magandang programa noon sa ilalim ng mga foreign coaches. Meron pa ngang 23 for 2023, preparasyon talaga yun para sa WC sa isang taon. Ayun, nabasura lang kasi si Coach Chot na ang program director, siya lang magaling.

Sakalam

Bilang program director, magaling talaga si Coach Chot. Biruin mo, priority daw ang Gilas pero busing busy naman sa PBA. At ang nakahiya pa, mas maganda pa ang preparasyong ginagawa ng UP, De la Salle at Ateneo para sa UAAP, kaysa sa Gilas na hanggang ngayon bara bara parin at planning stage, learning experience at wala naman planong manalo style na paghahanda para sa WC. Lakas loob nating maghohost, di naman maghahanda, ano kaya yun, parang feeling nila NBA sila.


Para Sa Bayan

Ang Gilas Pilipinas po ay dapat para sa bayan. Marami nang sawa na, wala nang gana at nawawalan na ng pag-asa, kaya nga marahil binabastos na nila si Coach Chot.

Ngunit kahit anong sigaw ninyo wala na pong saysay. Ang mas mabuti na lang gawin ngayon ay manahimik na lang, maging sibilisado. Siyempre suporta parin pero huwag nang gumastos. Huwag nang bumili ng ticket para manood ng mga laro. Sa bahay na lang manood.




Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts