Tatlong team na po ng bansang Pilipinas ang pasok sa susunod na World Cup ng kanilang mga sport.
Ngunit parang dalawang team lamang ang naghahanda o maghahanda at may tamang mentalidad.
Blu Girls
Ang pinaka latest ay ang Philippine Women's Softball Team (Blu Girls) na kakaqualify pa lang sa Women's Softball World Cup na gaganapin sa Hulyo.
Kukuha na raw sila ng foreign coach at magtratraining sa abroad simula ngayong buwan ng Abril.
Malditas
Ang pangalawang team ay ang Philippine Women's Football Team (dating Malditas ngayon ay Filipinas). Sila ay kaka-top pa lamang ng grupo nila sa unang round ng Asian Qualifiers para sa Paris 2024 Olympics.
Nagpi-peak na sila sa tamang panahon para sa FIFA Womens World Cup.
Gilas
Ang pangatlo ay ang walang iba at isa sa mga host ng FIBA Mens Basketball World Cup sa Agosto, ang Gilas Pilipinas (Philippine Men's Basketball Team).
Wala lang naman ang mag amang Reyes pa rin ang mga coach ng Men's Senior at ng Junior Team. Busy parin si Coach Chot sa PBA, wala pa ring line up, ngunit may plano at susubukang makuha muli ang ginto sa SEA games pagkatapos silang ma-upset noong nakaraang finals. Pero kahit ito man lang di pa sila handa.
Masama na nga ito dagdagan pa natin ng mindset ni coach na nagsabi na makontento na po tayo dahil maglalaro tayo sa World Cup at ang forever na yatang niyang learning experience mentality at ayan tuloy yung mga ibang bansa tumataas ang ranking habang ang Gilas pababa. Meron pa bang nagtataka kung bakit?
Kailan kaya magigising ang SBP at ang taong bayan?