Saturday, June 10, 2023

Kapatid, Kapuso, Kamote


Eto nanaman po ang mga magigiting na kababayan natin na walang magawa kungdi magbash ng kapwa nila.

Alam na natin na watak-watak po ang mga Pilipino at mukhang hindi na talaga magkaisa.

Kahit anong issue pinalalaki at pilit na pinupuna dahil magkakaiba po ng pinapanigan.

Yung mga milenyal, hindi masakyan mga damatan. Yung mga makaluma, hindi magets mga kabataan.

Ang mga Kapamilya panay ang bash sa Voltes V Legacy (VVL).

Ang mga Kapuso panay ang bash sa mga pumupuna sa VVL.

Ang mga fans ng VVL panay ang bash sa mga naglalabas ng live streaming at merch ng VVL, parang mga producer sila ng GMA.

Ang ibang mga Kapuso panay ang bash sa mga makaTVJ.

Ang mga Dabarkads panay ang bash sa Eat Bulaga at ang mga bagong hosts nito.

Ang mga makaJalosjos panay ang bash sa TVJ. Panay ang bigkas kay Pepsi pero walang sinasabi tungkol sa kaso ni Romeo Jalosjos.

Walang Live TV Coverage

Ang mga fans ng Filipinas (yung team na lalaban sa FIFA Womens World Cup) panay ang bash sa lahat ng TV Channel kasi walang maglalabas ng live sa FIFA Womens WC. Grabe naman kasi hinihingi ng FIFA. Pero sana meron din magtangka.

Yung mga fans ni Coach Chot panay ang bash sa mga fans ng Gilas na gustong maalis ang mag-amang Reyes sa Gilas, dahil sa favoritism at napaglumaang style na ng coaching nila. Dami namang kasing ibang coach diyan.

Yung Gilas nga pala yung team na hindi pa alam kung sino-sino maglalaro sa FIBA WC. Kasi ang SBP busing-busy sa paghanap ng palusot at sa pagbenta ng mga ticket kaysa magtalaga ng malakas na team para sa WC. Sa totoo lang ngayon palang talaga sila maghahanda, maghahanap talaga sila ng mga paluchot at talagang huli na sa preparasyon.

Yung mga fans ni Coach Chot panay ang banat kay Kai kasi daw bakit hindi niya inuna ang Gilas kaysa sa NBA. Hindi na nila naaalala o hindi nila alam na palagi ngang inuuna ni Kai ang Gilas. Naalis nga siya sa G League kasi inuna niya ang Gilas. Tapos si JC hindi naman nila binabash, selective much o sunod sunod lang sa mga paluchot.

Dagdag ko lang puspos ang training, panay panalo at pagtaas ng ranking ng Filipinas. Pero yung Gilas naman puro talo, kulang sa training at pababa ang ranking. Bakit kaya? WC noong panahon ni Coach Tab dikit lang mga laban, ngayong WC naghahanap na ng masisi at mga palusot kasi suntok sa buwan na lang ang tsansa. Pero at least sana maka-isa sa Angola.

Pasaway ang daming sport na lumalakas at malakas ang mga Pilipino pero walang suporta ng gobyerno. Ano ba yan?

Politika

At lahat halos nang ito ay nag-uugat sa politika o kung sino ang binoto o suportadong presidente o sa kung ano ang pagkakaperahan.

Kamote.

Politika, personal na interes at pera, ito talaga ang ugat ng mga problema at pagkawatak-watak ng mga Pilipino.

Gising Pilipinas!


Iisa lang ang ating lahi. Kahit half-Pinoy/Pinay pa, basta pusong Pinoy, Filipino pa rin. Ito ang lamang ng mga ibang bansang nakapaligid sa atin. Meron silang pagmamahal sa bayan nila at meron silang hiya at delikadesa.

Habang ang karamihan ng mga kababayan natin panay palusot sa mga walang hiya at walang delikadesa.

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts