Ang magandang balita po ay ang pagiging isip talangka ay hindi lamang matatagpuan sa Pilipinas. Maging po sa ibang bansa, meron din pong mga taong makikitid ang pag iisip na pilit pong hihilahin pababa ang mga gusto makaahon sa kahirapan o ang nais makaangat sa buhay.
Ngunit ang masamang balita naman po ay sadyang napakaraming kababayan natin ang isip talangka at ang "motto" po nila sa buhay ay 'if I can't have it, then no one else will'.
Sa tagalog po ay 'kung hindi lang din ako makakaahon, wala ring ibang makakaangat.' Opo kagaya ng mga talangkang nanghihila paibaba sa mga ibang pilit na makaahon sa loob ng timba.
Mga talangkang nahuli
Ito po ay nagpapakita ng inggit, selos, katamaran at kabobohan. Kasama na po ang katangahan.
Mas gusto pa ng mga talangkang ito na maging hapunan silang lahat kaysa magtulong tulong para makaahon silang lahat.
Ano kaya ang magiging resulta kung lahat o karamihan po ng ating mga kababayan ay magkaroon ng pagkakaisa, at magtulong tulong upang sa ikauunlad ng lahat.
Opo, kaya pong maabot ang minimithi, kailangan lamang na mauntog na po tayo at magising.
Maki-isa at makisama, dahil kung gugustuhin... may paraan, kung ayaw naman... maraming palusot.
Huwag na po tayong magturuan, lahat po tayo ay may kamalian. Gawin na lamang po natin ang nararapat... opo para sa bayan, para sa mga mahal sa buhay at para sa sarili.
Eto na ang mga talangka ngayon
No comments:
Post a Comment