Eto nanaman po tayo. Palakasan nanaman po ba ng boses at ng mga keyboard warriors sa social media kapag dumadating tayo sa mainit na issue ng 1081 o People Power.
Naku po, bakit kaya yung mga musmos at uhugin pa noong dekada sitenta o yung di pa nga naipapanganak ang malalakas ang loob na sabihing wala namang masamang nangyari noong martial law? Siguro dahil sa mga narinig nila sa ibang tao o kay Google marahil.
(Eto, igoogle nyo)
Meron pa ngang nagsasabi na kung walang Martial Law, komunista na ang bansa ngayon. At wala namang kabuluhan ang People Power at kung ano ano pa. Teka, wala bang nagturo sa kanila na puppet tayo ng Amerika noon at di papayag ang mga Kano na maging komunista and Pilipinas dahil at sapagkat napakarami nilang interes at mga base militar sa bansa noon. Okay, marahil, absent sila noon itinuro yan sa klase nila.
(Eto pa, 1980s na ito)
Pangalawa, yung mga Martial Law babies, o yung mga naka salawal pa lamang noong 1970 hanggang 1980. Sige buhay na nga sila, ngunit, wala naman silang karanasan sa uri ng pamumuhay noong 1960s at hindi nila alam kung mayroon mang pinagbago sa kanilang pang araw araw na pamumuhay bago ang 1972.
Yung mga ipinanganak naman ng 1980 pataas, parang awa nyo na po, huwag nyo sanang palabasin na mas alam nyo pa ang nangyari kaysa sa mga pinanganak ng 1950s at 60s.
Kasama na po yung mga kababayan nating taga Ilocos. Bakit po? Dahil, isa lamang po kayo sa napakaraming lalawigan sa buong Pilipinas, wala pa po kayong dies porsiento ng kabuoan. Kung maayos man ang kalagayan nyo sa inyong bayan, hindi naman po nangangahulugang ganyan sa lahat ng lugar at hindi yan lingid sa inyong kaalaman.
At maitanong ko lang, sino sino po ang mga naunang nagsialis sa bansa papuntang Amerika?
At sino sino na po ba ang nakararaming Pilipino sa Hawaii, Guam at West Coast ng Amerika. Naku po, kung mas maayos noon dekada sitenta, bakit po nagsi alis kayo at bakit po puro American citizen na po kayo sampu ng mga kamag anakan ninyo. Opo, kung ganoon, huwag na rin po kayong sumali sa debate
Pangatlo, kung hindi po ninyo alam, ang legacy po ng 1970s, ay paglaganap nang pagsasakripisyo ng sambayan na iwanan po ang kanilang bansa, pamilya, asawa't, mga anak at mga iba pang mahal sa buhay, upang magkipagsapalaran at maging mga bagong bayani. Bakit po? Kasi kung hindi ay malamang mamamatay po silang lahat ng dilat. Opo masarap po noon, kung isa ka sa mga naunang mag Saudi, ngunit bakit pa kailangang mangibang bansa kung maunlad na tayo?
At kahuli hulihan po, kung nagtratrabaho po kayo o mga kamag anak nyo noon sa customs o iba pang ahensiya. Nakupo, siyempre po mas maayos din ang buhay nyo noon. At opo hanggang ngayon po, kasama ng mga tongressman mayor, gobernador at iba pang mandarambong ng kaban ng bayan.