Di ko makayang hindi ma iling sa kadahilanang hanggang ngayon para parin tayong little America, kahit po pagkalayo layo at pagkatagal tagal na po naka alis sa bansa ang huling base militar nila.
Marahil mahirap na kasing alisin sa ating mga kababayan ang tinawag na noong American Junk nila Danny, Jim at Buboy na mas kilala sa pangalang Apo Hiking Society.
Ano naman itong tinatawag kong American Junk na ito? Napakarami po, ngunit sa pagkakataon pong ito. Ang pagtutuunan natin ng pansin ay pagpapasa walang bisa ng missionary visa ng missionaryong madreng Sister Patricia F, na galing Australia.
Alam po natin na hindi katanggap tanggap ito, ngunit hindi rin po mapapalampas ng batas na isang dayuhang nasa ibang bansa ang hindi susunod sa batas lalo na sa limitasyong ng kanilang pananatili doon. Kahit saan pong bansa ay ganyan po ang kalakaran.
Ang atin pong magigiting na mga OFW ay araw araw pong sumusunod sa mga batas ng bansang kanilang kinalalagyan. Kung hindi po, pauuwiin din sila sa bansang pinanggalingan.
Sa Singapore nga po ay pinapalo pa ng patpat ang mga dayuhang lumalabag sa kanilang mga batas. Sa Middle East po ay may napuputulan pa ng mga kamay dahil nakasaad po yan sa batas ng Islam. At sa mangilan ngilan pang lugar ay meron pang parusang binabato hanggang ikamatay.
Sa America, ay meron din po silang isyu na ipinaglalaban at ito po ay ang mainit ding isyu ng pagpapapasok sa mga dayuhang nais makatawid galing sa ibang bansa sa loob ng Estados Unidos, ng walang visa o kaukulang background check.
Opo tama po na tulungan ng Estados Unidos ito pong mga taong ito, kagaya na rin po sa pagtanggap nila sa mga refugee na Vietnamese noong dekada sitenta at otchenta. Ngunit noon mga panahong iyon ay dumaan muna sila ng mahabang panahon sa mga refugee processing centers kagaya po ng nasa Pilipinas bago po sila makarating sa Estados Unidos.
Ngayon po, dahil na rin sa social media at mga magigiting pong keyboard warriors, marami pong Pilipino at mga Amerkano ang nais pong ipasawalang bahala ang mga batas ng kani kanilang bansa sa kadahilanang personal at sa kadahilanang ayaw nila sa mga nakaupong Presidente.
Tama, American style bulok, din po yan.
Atin pong tandaan, hindi maitatama ng isang kamalian ng isa pa ring kamalian.
Sa mga balota po ang tamang paraan. Bumoto po tayo. Huwag pong ibenta ang ating mga boto. Kung wala pong mapagpilian, kayo na po ang tumakbo. At parang awa naman po ninyo, yung pong mga magnanakaw, huwag na po ninyong iboto muli.
Saturday, November 3, 2018
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Daming Sinayang Na Panahon
Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...
Popular Posts
-
Hindi po talaga mapipigil ang mga die hard supporter ni Coach Chot. Tama po naman, kasi may mga below the belt naman talagang pambabash o pa...
-
This is the time to judge Gilas Pilipinas Program Director and Coach of Senior Men's Basketball Team. Coach said one year ago, in 2022 H...
-
Sa mga nabuhay noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas at nagsasabi na noon ay: 1. Maunlad ang Pilipinas 2. Mayaman ang Pilipinas 3. Ma...
No comments:
Post a Comment