Saturday, October 27, 2018

Kababawan



Hindi pa po ba tayo nahihiya sa mga balat natin na halos mabaliw baliw at naghihihiyaw tayo sa mga singer at artistang Koreano, Hapon, Intsik, Bombay, at kung sino sino pang ibang lahi?

Hindi po ba natin alam na matagal na nila tayong iniidolo mga Pilipino, lalo na po sa larangan ng sining.

Napakaraming Hapon at mga Indiano na daan taon nang nag oofw sa ating bansa para magsapalaran at maghanap buhay. Ilang daang taon na rin nang tumungo ng bayan natin ang mga Intsik at nag kalakal, nag lako ng mga paninda sa kalsada at nagbukas ng kung anu anong maliit na negosyo upang makatakas lamang sa karahasan o kahirapan sa kanilang bayan.

Marami nang ibat-ibang dayuhan ang pumupunta sa ating bayan upang mag aral sa ating mga paaralan o para matuto ng wikang ingles. Noong dekada otchenta at nubenta ang bansang Korea ay nagpadala ng mga mamayan nila upang pag aralang lahat ng sining ng ating bayan.

Ang mga taong nakatira sa mga bansang malapit sa atin ay matagal nang may paghanga sa galing ng ating mga kababayan sa larangan ng pag awit, ng pagtugtog, paglikha ng musika at iba pa.

Ngunit ngayon, iniwan na tayo ng halos lahat ng mga bansa sa Asya. Nakakahiya na tulo laway na tayo sa mga artista, mang aawit at pelikula, palabas sa telebisyon at awitin ng mga Koreano, Hapon, Tsina, India at iba pa.

Ang mga pelikula natin ay nakakahiyang ipalabas sa ibang bansa, ang ating mga telenobela ay kalunos lunos at nakakasuya. Ang ating mga awitin ay parang ginaya na lamang sa mga estilo ng mga ibang lahi.

Wala na ba tayong hiya o pangarap na makapanood ng mga pelikula o palabas na maipagmamalaki nating muli?

Tigilan na po natin ang panonood ng mga paulit ulit na palabas na iisa lamang ang tema o wala namang estorya. Tangkilikin po natin ang mga palabas na may kabuluhan at maganda ang pagkakagawa, upang maenganyo po silang maglabas ng dekalidad na palabas.

Alam ko parang wala nang pag asa, ngunit maari po kung magiging mapili lamang tayo ng ating mga tatangkiliking sining -- mga pelikula at palabas sa telebisyon at mga awitin. Parang awa na po ninyo.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts