Friday, March 1, 2019

Para Sa Mga Mareklamo

LRT Wikimedia Commons, Wieralee

Huwag sana tayo maging mangmang sa kalagayan ng mga ibang tao sa ibang bansa para hindi naman puro reklamo na lamang ang past time natin.

Kasi naman po, maraming mga kababayan naman natin ang alam lamang ay magreklamo.

Kagaya ng mga nagrereklamong marumi ang kapaligiran. Ngunit sila naman ang walang pakundangan kung makalat ng kanilang basura kung saan saan.

Yung iba, reklamo nang reklamo sa trapiko. Ngunit sila naman ang pawang walang disiplina pagdating sa kalsada.

At yung iba reklamo nang reklamo sa LRT o MRT. Siyempre naman, kasi naka asar naman po talaga.

Ngunit karamihan sa mga mareklamo nating kababayan, sa malamang hindi pa nakakarating sa mga ibang malalaking siyudad sa mga ibang bansa.

Minsan din, kailangan namang makita ang kalagayan sa ibang bansa, para malaman na medyo masuwerte pa rin pala sila kumpara sa iba.

O, eto sakay ka na. At subukan mo kayang bumaba kapag estasyon mo na.


O sige bukas, pagsakay mo sa LRT medyo matatanggap mo na nang kaunti ang pagbiyahe mo. Oo, wala na talagang sarahan ng pinto.





No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts