Huwag na po tayong magtanga tangahan, ilang dekada na pong alam ng nakararami na meron po talagang bumibili at nagbebenta ng mga boto.
Ang tanong, isa ka ba sa kanilang hanay? Nakikinabang ka ba sa panandaliang sarap habang ilang taon pong magnanakaw at walang gagawing matino ang ibinoto ninyo?
Marahil po dala ng pananakot, kahirapan, o kawalan na ng tiwala na mababago pa ang bulok na sistema sa inang bayan.
O baka naman hanap buhay na po talaga ninyo yan, dahil po sa kadahilanang magkakaposisyon po kayo o makikinabang kapag nahalal ang kandidato ninyo.
Kung ano man ang kadahilanan ninyo, utang na loob naman po, huwag na po natin iboto ang mga talamak nang magnanakaw ng kaban ng bayan.
At huwag na po tayong madala ng sample ballot ng ating mga obispo, pastor o iglesia na alam naman nating nabili na ng mga politiko.
Sila po at kayo ang tunay na salot at kadahilanan ng patuloy na kabulukan ng sistema sa ating bayan.
Nakakahiya naman po sa inyong mga anak, mga apo, at sa mga susunod pang salinlahi ng inyong angkan.
Magkano po ba ang halaga ng inyong dangal?
No comments:
Post a Comment