Ngunit sa pagkakaalam ko wala namang paliwanag na ipinahayag, maliban sa isang maikling video na nagpapakitang naglalagay ng thumbprint si Whang Od sa isang dokumento na mukhang isang kontrata.
Marami pong video ang lumabas na, eto po ang isa at ang naturang ebidensiya daw po ng Nas Academy, panoorin po natin.
Lalong Lumalala
Ang problema ngayon ay labag po sa mga nakatakdang batas ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) - Cordillera Administrative Region (CAR) ang mga kontratang ganito kung hindi dumaan sa pagsusuri at representasyon ng komisyon.
Kampi Kampihan Nanaman
Marami na pong mga Pilipino at dayuhang nakisawsaw sa usaping ito. Marami pong nagsasabi na maka Nas pa rin po sila at hintayin daw po natin siyang magpaliwanag.
Meron naman po sa kabilang dako ang nagsasabing
#BoycottNasDaily
#NasDailyScam
#NoToNasDaily, at kung anu ano pang hashtag.
Naks naman, parang may malasakit talaga sa taong bayan o kay Whang Od.
Pinoy Baiting
Wala naman tayong dapat panigan. Ang dapat sana ay matutunan natin na mayroon pong mga dayuhan ang pinagkakakitaan ang mga Pilipino at kung hindi po natin alam kung bakit at papaano, ay dapat lamang po na ating usisain at malaman at nang hindi po tayo mukhang walang alam at madaling mapaikot ng mga dayuhan
Bobotante
Ang mahirap po kasi sa marami nating kababayan ay sadyang mga bobotante -- alam na po nating magnanakaw o walang gagawing mabuti, binoboto pa rin po natin.
Marami sa atin, makakita lang po ng dayuhang nagtatagalog, bisaya, ilokano o kung anuman, at mga dayuhang palaging nagfefeature sa Pilipinas o mga Pilipino, ay wow, proud to be Pinoy na po tayo at like na po at follow o share o kung anu ano pa.
Gising, karamihan po ginagamit lang po tayo, kagaya ng mga politiko.
Gising, karamihan po ginagamit lang po tayo, kagaya ng mga politiko.
No comments:
Post a Comment