Sunday, September 26, 2021

Bulag at Nagbubulagbulagan


Sa mga nabuhay noong panahon ng Martial Law sa Pilipinas at nagsasabi na noon ay:

1. Maunlad ang Pilipinas
2. Mayaman ang Pilipinas
3. Maraming pinapatay
4. Walang kalayaan
5. Masarap ang buhay
6. Mahirap ang buhay
7. At kung ano ano pa...

Tama po silang lahat!

Sa ibat ibang panig po ng Pilipinas, sa ibat-ibang sektor ng lipunan, iba iba po ang naging karanasan ng taong bayan. Kaya't tama po silang lahat.

Marami po ang umunlad. Marami po ang naghirap. Marami po ang namatay, pumatay at namatayan.

Hindi po natin maaalis sa kanila ang kanilang mga naging iba't ibang karanasan at ito po ay ikinuwento nila sa kanilang mga anak na naikuwento naman sa kanilang mga anak at apo.at sa lahat po na mahilig sa tsimis.

Botante

At ngayon po ay nasa social media na po ito at ang mga bagong botante po ngayon, ang mga kabataan ay sa kanilang kaisipan at kaalaman ay naniniwalang alam na alam na nila ang mga nangyari sa Pilipinas noong dekada 60 at 70.

Mga eksperto na po sila, dahil sa twitter, tik tok, instagram at youtube.

Ang hindi nila alam ay ang mga taong nabuhay po noon ay mahihintulad natin sa mga bulag na nakarating sa isang malayong lugar na doon ay ngayon pa lamang sila nakaranas na makakita ng elepante.

Ngunit sa kadahilang sila po ay bulag, nakakakita lamang po sila sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. At depende po sa kung anong parte ng elepante ang kanilang nakita, ay eto po ang limitasyon ng kanilang kaalaman. Kung tinanong sa kanila kung paano nila ipapaliwanag ang elepante sa mga taong hindi naman nakaranas na makakita ng elepante, magiging iba iba po ang kanilang kasagutan. 

Blind Men and the Elephant



Eti rin po ang nangyari sa panahon ng Martial Law. Marami pong bulag noon, bulag sa nangyayari sa ibat ibang lugar. At ang masama po, marami rin pong nagbubulag bulagan.

Maganda at Pangit

Meron pong mga nakinabang. Meron pong nakakuha ng magagandang puwesto. Meron pong nakakuha ng magagandang kontrata. Meron pong nakakuha ng magagandang negosyo. 

Ngunit meron rin pong nawalan ng kabuhayan. Meron pong pinakulong. Meron pong pinaslang. Marami pong pinagbawal. Marami pong umalis ng bansa. Marami pong nag OFW. Marami pong naghirap. Marami pong pinaalis sa kanilang tirahan. Marami pong lumipat sa ibang lugar at naging squatter. Marami pong na kidnap at marami pong hindi na natagpuan.

Marami pong magandang nangyari. Ngunit marami rin pong hindi magandang nangyari.

At sabi po ng Guiness Book of World Records, sa kasaysayan, si Marcos po ang pinakamalaki ang ninakaw sa kaban ng bayan sa buong mundo. Ngunit para mga die hard Marcos loyalists, propaganda lang daw po ito.

https://www.guinnessworldrecords.com/world-records/65607-greatest-robbery-of-a-government

Ayon kay Lee Kuan Yew, kasabayan ni Marcos, at naging Prime Minister ng Singapore at naging rason sa pag unlad ng Siingapore noon at hanggang sa kasalukuyan, sinabi niya na, bobo ang mga Pilipino dahil...


Dahil po sa hindi siya bulag o nagbubulag bulagan. 

Bulag, Pipi at Bingi (at Tanga)

Okay, huwag po nating lahatin. Marami rin pong nagawang mabuti ang rehimeng Marcos. Ang masama ay maraming pumipili na kalimutan ang mga masamang nangyari sa panahong Martial law at ang mga masamang epekto nito.

Hindi na maka ahon ahon ang bansa pagkatapos ni Marcos sapagkat ang kultura ng katiwalian at ang kabobohan ng nakakarami ay naging susi upang patuloy na malubog sa kahirapan at kasamaan ang bayang tinubuan -- bayang tinubuan na ng kaisipang wala na tayong magagawa at wala na tayong pag asa at kaya't binebenta na lamang natin ang ating mga boto at patuloy na lang binabalik sa puwesto ang mga politikong wala naman ginawa kung hindi magnakaw sa kaban ng bayan.

Marami sa kanila ay nakikinabang rin sa bulok na sistemang nakasanayan na, kaya't sige lang tuloy ang ligaya.

Gising

Ngunit sa higit na nakararami na wala namang napapala sa kasalukuyang bulok na sistema, kailan kaya tayo magigising at maiisip na mayroong pag asa, kapag magka isa ang lahat at maging mabuting mamamayang nagmamahal sa bayan at pumipili ng tama at nararapat.






Throwback 2019 - Ano Ba Yan

Saturday, September 25, 2021

Marcos Pa Rin O Never Forget


Eto nanaman po mga kababayan, nagkampi kampihan nanaman po ang mga Pilipinong magagaling.

Hindi nanaman po namamalayan na kahit po sinong politiko ang piliin nila, walang pong mababago kasi po ang trapo ay laging trapo at ang bobo ay laging bobo.

Kalahati po ng kabataan ngayon ay nagsasabing Marcos is the best President, kalahati po ay Never Forget.

Anong Alam Nila?

Lahat po naman sila ay walang kamuang-muang sa dekada sisenta at sitenta. Kahit po sa otsenta hindi pa po sila naipanganak, ngunit  kung magsalita, mukhang mas marami pa po silang alam sa mga nangyari noong  mga panahong iyon dahil po sa twitter, facebook at youtube o dahil Marcos loyalist po ang lolo nila o maka Tita Cory o sino man politiko.

Kamote

Lahat po ng mga politiko ay naupo at sa kalaunan naging ganid sa kapangyarihan at sa kaban ng bayan. At lahat po ay sangkot sa katiwalian. Ang politika po ay puno ng kasamaan at kasinungalingan. Yan po ang kultura nito.

Kapareho po sa mundong ginagalawan ng mga artista. Pare pareho silang mga pashowbiz.

Kahit na po sila ay mga banal man sa mata ng tao nang pumasok sa industriya (politika man o show business). Sa tagal po nila sa mundo ng mga sakim at ganid, magiging isa na rin po sila sa mga kasamahan nila.

Honest

Mabuti pa yung iba diyan, honest, at nagsasabing huwag natin ilagay sa anak ang kasalanan ng ama. Tama po ito.

At least, umamin na magnanakaw ang magulang.

Ngunit kung ano po amg puno, siya po ang bunga. Ang kamote po kapag itinanim, kamote po ang aanihin, hindi po kamatis o kang kong. 

At kahit po mabuti ang kalooban sa una, kapag po matagal na pong politiko, sa malamang gagawin na po ang lahat, masama man o mabuti para manatiling nakaupo sa puwesto. 

Opo, matagal nang kuwento yan, paulit-ulit na lang po, kasi marami pa pong bobotanteng hindi matuto tuto. Marami pong nagbebenta ng boto. Marami pong nakikitangay sa agos at bumoboto sa kadahilang yan po ang iboboto ng mga kabarkada o mga kapatiran o yan po ang utos sa itaas, o kung ano man ang sabi ng iba.

Ay nako po, wala po ba kayong sariling kaisipan. Gising po, ilang dekada na po ba ang nagdaan, ilang politiko na?

Sa matagal na pong panahon, ang mga umunlad at yumaman lang po ay yung mga nakaupo sa puwesto at yung mga malapit nilang kamag anak, kaibigan at kabarangay.

Kasali ka ba sa mga nakinabang noong mga panahong nakalipas? Malamang, kaya siguro yan ang paninindigan mo.

Kung hindi naman, malamang napanood mo lang sa youtube kaya naniwala ka na.

Gising. Nasubukan na po natin halos lahat ng iba't ibang klase at lahat po naging trapo.

Hindi po politiko ang problema, taong bayan po. Tayo po mismo.

Pumili po nang tama.



Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts