Hindi nanaman po namamalayan na kahit po sinong politiko ang piliin nila, walang pong mababago kasi po ang trapo ay laging trapo at ang bobo ay laging bobo.
Kalahati po ng kabataan ngayon ay nagsasabing Marcos is the best President, kalahati po ay Never Forget.
Anong Alam Nila?
Lahat po naman sila ay walang kamuang-muang sa dekada sisenta at sitenta. Kahit po sa otsenta hindi pa po sila naipanganak, ngunit kung magsalita, mukhang mas marami pa po silang alam sa mga nangyari noong mga panahong iyon dahil po sa twitter, facebook at youtube o dahil Marcos loyalist po ang lolo nila o maka Tita Cory o sino man politiko.
Kamote
Lahat po ng mga politiko ay naupo at sa kalaunan naging ganid sa kapangyarihan at sa kaban ng bayan. At lahat po ay sangkot sa katiwalian. Ang politika po ay puno ng kasamaan at kasinungalingan. Yan po ang kultura nito.
Kapareho po sa mundong ginagalawan ng mga artista. Pare pareho silang mga pashowbiz.
Kahit na po sila ay mga banal man sa mata ng tao nang pumasok sa industriya (politika man o show business). Sa tagal po nila sa mundo ng mga sakim at ganid, magiging isa na rin po sila sa mga kasamahan nila.
Honest
Mabuti pa yung iba diyan, honest, at nagsasabing huwag natin ilagay sa anak ang kasalanan ng ama. Tama po ito.
At least, umamin na magnanakaw ang magulang.
Ngunit kung ano po amg puno, siya po ang bunga. Ang kamote po kapag itinanim, kamote po ang aanihin, hindi po kamatis o kang kong.
At kahit po mabuti ang kalooban sa una, kapag po matagal na pong politiko, sa malamang gagawin na po ang lahat, masama man o mabuti para manatiling nakaupo sa puwesto.
Opo, matagal nang kuwento yan, paulit-ulit na lang po, kasi marami pa pong bobotanteng hindi matuto tuto. Marami pong nagbebenta ng boto. Marami pong nakikitangay sa agos at bumoboto sa kadahilang yan po ang iboboto ng mga kabarkada o mga kapatiran o yan po ang utos sa itaas, o kung ano man ang sabi ng iba.
Ay nako po, wala po ba kayong sariling kaisipan. Gising po, ilang dekada na po ba ang nagdaan, ilang politiko na?
Sa matagal na pong panahon, ang mga umunlad at yumaman lang po ay yung mga nakaupo sa puwesto at yung mga malapit nilang kamag anak, kaibigan at kabarangay.
Kasali ka ba sa mga nakinabang noong mga panahong nakalipas? Malamang, kaya siguro yan ang paninindigan mo.
Kung hindi naman, malamang napanood mo lang sa youtube kaya naniwala ka na.
Gising. Nasubukan na po natin halos lahat ng iba't ibang klase at lahat po naging trapo.
Hindi po politiko ang problema, taong bayan po. Tayo po mismo.

Pumili po nang tama.
No comments:
Post a Comment