Thursday, March 24, 2022

Hindi Po Biro Ang Halalan

Para Sa Ayaw Nang Maging Bobotante


Alam po nating maraming mga Pinoy keyboard warriors -- matatapang po sa social media. 


At marami po sa kanila ay tinatawanan o ginagawang katatawanan lang ang darating na halalan. 


Ngunit hindi po nakakatawa ang pagpili ng iluluklok sa puwesto, mataas man o mababang katungkulan. 

Alam na alam na po natin ang korupsyon ay nasa dugo na ng ating mga namumuno at nang nakararami sa mga nasa iba't ibang ahensiya ng gobyerno.

Bobotante

Ngunit patuloy pa rin po ang ating pagsuporta at pagboto at ang masama, pagbenta ng ating mga boto sa mga trapo -- kahit na ano pang partido. 

Patuloy rin po sa ating mga binoboto ang pagbigay ng kontrata at paglagay ng kanilang mga amigo't amiga, kasosyo't kamag-anak sa mga ahensiyang malalaki ang lagayan at pagkakakitaan.

Isa po ba kayo sa mga ginagawang biro lang ang halalan?  Nakapili na po ba kayo ng iboboto? Sigurado na po ba kayo? 

Napag-isipan nyo na po ba ng maayos ang inyong naging desisyon? 

instagram.com

Lahat po halos ng Trapo -  (Traditional Politician), sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay gahaman sa puwesto at pagkakakitaan, sila sila lang po ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang nagpapakasasa sa yaman ng bansa. At ang nakararami ay patuloy na naghihirap. Huwag na po tayong mag bulag-bulagan, maging mang-mang, at maging bobotante o sunod-sunoran na lang sa sinasabi ng iba. Ang boto po natim ay sagrado, tayo po ang nagdedesisyon nito. Pag-isipan po nating maigi kung sino talaga ang ating ihahalal.

Gumising na po tayo. Nag OFW po ba kayo, o mga magulang ninyo? Nagsakripisto, naghanap ng trabaho sa ibang bansa at kung ano ano na ginawa na po natin. 

Simula pa po ng 1970s naghirap na po tayo. Ngunit lahat po ng trapo ay hindi naman naghirap. Tayo lang na bumoboto sa kanila. 

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts