Comelec Debates
Nakapili ka na ba ng iboboto? Sigurado ka na ba? Nanood ka ba ng debate o absent ka?
Yan po ang dahilan, at ang resulta ng di pag-sipot at pag-asikaso sa katungkulan ng bawat tumatakbo sa isang pambansang halalan.
Espesyal na Espasol
Nagkaroon na rin po ng unity ang mga nanood ng Comelec Debates. Yan po ang kailangan ng bayan, mga masisinop na mamamayan na pinag-iisipan, pinag-ninilaynilayan, sinisiyasat, sinasala at sineseryoso ang pagpili sa mga taong iluluklok sa mababa man o matataas na katungkulan sa bansa. Kahit saan mang bansa may Presidential Debates at lahat po ng tumatakbo present.
Unity
BIR po kasama rin sa unity, lahat na po naniningil sa matagal nang pagkakautang ng mahigit dalawang daang bilyon.
Ang mga taga suporta na lamang po ni Jr ang in unity sa isa't-isa. At yung mga umatend po ng rally nila kaysa manood at maki-isa sa Comelec Debates.
Nakalimutan rin po natin, in unity nga rin pala sa kanila ang henerasyong nang tumatanggap ng maliliit na sobreng inaabot nang palihim at patago. Huwag na pong itanggi, matagal na po yan.
At matagal na po kayong napapaikot, barya lamang po ang inaabot sa inyo, at dekada na po ng pagpapayaman at pagpapalit palit lamang sa puwesto ng mga trapong politiko (kahit anumang partido) at kanilang mga kamag-anak, kaibigan, katoto, kanegosyo at kapanalig.
Elitista at Politiko Lang Ang Yumayaman
Sila lamang po ang yumayaman at umuunlad sa bayan. Kasama ka rin ba sa yumaman? O isa ka rin sa mga naghirap, nag OFW, nagsakripisyo, nagutom, nabola, napaikot, napangakuan ng mga pangakong napako na sa limot?
Ang kinabukasan ng inang bayan ay nakasalalay sa ating mga kamay at sa ating mga ibinoboto. Pumili na po tayo ng mga nararapat.
Kung nakapili na po tayo ng iboboto -- maging sino man sila, naway isipin pa rin po nating maigi, tanungin po natin ang ating sarili kung ano ba talaga ang dahilan at bakit natin sila napili.
No comments:
Post a Comment