Saturday, April 23, 2022

Educate 101

 

Hati-hati po ang sambayanan, iba-iba ang ibobotong kulay ng kandidato.

Kapag po merong celebrity o artista na nagsalita laban sa kanilang kandidato, galit na galit ang nakararami kasi po sino itong mga kilalang taong ieeducate daw sila.


Wala naman pong masama, talaga naman kailangan nating lahat na ma-educate. Marami po tayong hindi alam.


Hindi po natin alam ang lagay noong 1985-1986. Mahigit po kalahati ng bansa ay hindi pa po naipapanganak noong taong yun. Sa katunayan, yung mga nasa edad dise-otso at boboto na po sa Mayo, marami sa kanila pati mga magulang nila hindi pa naipapanganak noong 1986, o sanggol pa lang. Lahat ng alam nila ay narinig lang nila.


Nakakahiya na nga po na hindi natin kilala sila Gomburza, Tandang Sora, Gregorio Del Pilar at ang mga iba pang simpleng kaalaman sa kasaysayan ng bayan. Huwag rin po natin igiit na alam rin natin ang nangyari noong 1986 kung hindi po natin personal na naranasan.


Wala naman pong masama kung sino po ang ating napiling kandidato. Karapatan ninyo po yan. At alam na po natin na marami nang sarado na ang isipan at buo na ang desisyon.


Respeto

Irespeto na lang po natin ang desisyon ng bawat Pilipino, lalong lalo na kung ito ay kanilang sariling desisyon at hindi nabili o napilit lamang.

Mayroon po ba kayong personal na kaalaman sa mga kaganapan sa bansa noong 1965 hanggang 1985?

Alam po ba natin ang mga pangyayari noong dekada 50s?

Sa malamang po ay ang kaalaman lang ng nakararami ay narinig lang natin sa mga matatanda o nabasa lang kung saan. 

Huwag po nating ibalewala ang halalan. Pag-isipan po natin ang ating iboboto. Nasa kamay po natin ng kinabukasan ng bayan.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts