Tuesday, May 10, 2022

Huwag Na Po Tayong Magtalo


Top Senator

Huwag na po tayong magtalo. Ang pagsisi po ay laging nasa huli, lahat naman ay nagkakamali.

Hindi po popularity contest ang halalan, ngunit sadya kasing hindi alam ng marami kung ano ano ang dapat pagbasehan tungkol sa kung sino ang dapat ihalal at iluklok sa puwesto.

Ngunit tapos na po ang halalan. Balik na tayo sa normal na buhay -- ang mahirap, mahirap pa rin, ang mayaman lalong yumayaman.

Sana po hindi tayo magsisi sa mga ibinoto natin.

May Mga Nanalo Na Po

Ang mga nanalo, sila po ang pinili ng mas nakararami. Kung naniniwala po kayo sa Diyos, ay sila rin po ay pinabayaan Niyang makaupo sa puwesto. Mabait po ang Diyos at kung matigas po ang ulo natin, hinahayaan Niya po tayo sa ating mga desisyon.

Hinding hindi po magkakasundo ang lahat ng mamamayan, iba iba po ang pananaw, estado sa buhay, mga pinagdaanan at kaalaman ng bawat isa. Pantay pantay lang po ang ating mga boto, wala pong mas mataas, isang boto po bawat isa.

Sa Susunod Pong Halalan

Ngunit sa mga susunod pong eleksyon, kung alam na po natin na hindi naman nila magagampanan ang kanilang katungkulan at lalo na kung sukdulan na sila ay na huwag na po nating ipagkaila at lalong lalo na po huwag na nating ihalal muli sa susunod na halalan.

Pera Pera

Kada buwan, tatlong daang libo hanggang limang daang libo po ang suweldo ng pangulo, bise presidente, senador at kongresista, gobernador at mayor, hindi pa kasama ang mga benepisyo at milyon milyong budget ng kanilang opisina at ang milyon milyong budget para sa suweldo ng kanilang mga staff. Opo kaya ayaw na po nilang umalis sa puwesto. Hindi pa po kasama diyan ang kurakot.

Ilalagay pa nila mga kamag-anak at kaibigan nila sa mga puwesto sa gobyerno at sila rin makakakuha ng mga kontrata at iba pang pagkakakitaan.

Tayo po magkano ang pinagkakasya kada buwan?


Pampaantok po:


No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts