Halalan 2022
Nakabalik na po ang mga Marcos. Panalo pa rin po ang mga Duterte.
Nakasungkit din ng puwesto sa Senado (or muntikan na) ang mga Villar, Cayetano, Zubiri at ang mga artistang Robin, Jinggoy at Bistek. Ang mga nanalo po sa mga bayan bayan at pare-pareho pa rin po ng mga apelyido sa mga henerasyon nang nananalo.
Ang mga lumipat po ng partido o bumalimbing ay nanalo rin po.
Wala naman pong bago sa politika. Paulit-ulit lang naman ang style ng mga politiko. Hindi naman po mahirap makita kung bakit patuloy nilang ginagawa. Kasi po binibili o bumebenta parin sa mga botante.
Mga pinatakbo po na wala namang pag-asang manalo ay tumatakbo parin. Hindi po para manalo, ngunit para mangarap ng gising at may nakukuha po kasi sila kahit hindi manalo. Ang mundo po ng politika ay maraming natatagong lihim. Marami po lingid sa kaalaman ng mga taong bayan, lalo na ang nakababata.
Pangulong Marcos
May bago na pong Ferdinand Marcos na magiging pangulo ng mga bagong botante. Natuto napo ang mga Marcos sa mga pagkakamali noong 2016.
Si Apo po nanalo noong 1965. Anak po ni Apo nanalo ng 2022.
Si Apo po nanalo dahilan sa angking galing at talino, at husay sa pagdebate. Anak po ni Apo nanalo dahil, anak po at kapangalan ni Apo.

Bayang Pilipinas
Mabuhay ang Pilipinas. Nawa'y magkaisa at maging matiwasay. Pinapangarap na po ito ng sambayanan, panahon pa po ng Kastila, hanggang panahon ng mga Amerikano, Hapon at peace time. Pangarap pa rin po ito hanggang ngayon. Patay napo lahat ng mga nangarap at nakipaglaban, ngunit wala parin pagkakaisa at katiwasayan. Mahirap pa rin ang mahirap. At mayaman parin ang mga mayaman.
Sana po hindi tayo nagkamali sa mga ibinoto. Halos lahat naman po ng halalan mayroon pong nanalong hindi dapat manalo, hindi na po bago ito.
Ngunit may awa ang Diyos.
Naghari po ang mga Marcos taong 1965 hanggang 1986. Ano naman kaya mangyayari sa 2022 hanggang 2028?

No comments:
Post a Comment