Wednesday, July 20, 2022

Rekomendasyon Para Sa Mga Fans Ng Gilas Pilipinas


Sa isang taon na po ang Basketball World Cup na gaganapin sa Pilipinas. At kahit na po magsilabas na lahat ng litid natin sa leeg kakasigaw ng "Alis Dyan" sa Coach of the Year, wala po talagang intensyong umalis ang taong sumira sa pangarap at kaligayahan ng milyon milyong Pinoy fans ng basketball.

Kahit po ano pa sabihin natin, kahit na mapaos pa o mahigh blood pa tayo, wala ring saysay.

Dahil hindi po aalis sa puwesto ang winningest coach ng Gilas Pilipinas. Hindi naman daw niya ito hiningi, inappoint siya.

Ngunit hindi lamang po siya ang problema ng programa sa basketball. Isa lamang po siya sa napakarami.

Problema

Kasama na ang SBP sa problema -- SBP na nagkukuripot po. Kasama na ang PBA -- PBA na nagdaramot po. Kasama na ang mga player na inuuna ang pagkakakitaan. O mag be beg off, sasabihing hindi makakalaro.

Kung buhay lang sila Lou Salvador Sr., Caloy Loyzaga, Bachmann, Badion, Carbonell at mga iba pang unang nakidigma sa mga dayuhan at hindi umatras, kahit na mas malalaki, mas mayayaman at mas malalakas pa ang mga kalaban, sigurado pag uuntugin nila tayong lahat.

Sila Bogs Adornado, Atoy Co, Robert Jaworski, Mon Fernandez, Samboy Lim, Allan Caidic, Hector Calma, Yves Dignadice, at napakarami pang player na nagsuot ng unipormeng Philippine Team, buhay pa po sila. Parang nakakahiya naman yata sa kanila at parang nasayang na lang ang kanilang mga sakripisyo't pinaghirapan. 

Hindi naman po natin masisisi ang coach, ang SBP, ang PBA, at mga player sa kasalukuyan. Pero meron po tayong say at dapat lang po, dahil kung walang fans walang PBA. Kung walang fans, wala silang pagkakakitaan. Kung walang fans, wala silang hanap buhay, wala silang milyon milyong suweldo. Hindi sila sisikat. 

Para Sa Bayan

Para sa bayan po ang pagrepresenta sa bayan. Ngunit kahit na po sa sarili pa nating bayan gaganapin ang World Cup, wala pa rin dating sa kanila. Na amnesia na po yata o sadyang naging gahaman o napahiya sa mga sinabi ni Coach Baldwin noon? Wala na po bang makabayang tao sa SBP? Mas makabayan pa po ba ang coach ng PFF? 

Boycott

Photo by Mario Tama

Kung ayaw naman po nilang makinig o pagbigyan ang hinahing ng mga fans na henarasyon nang nagbibigay ng kanilang suporta, madali naman kausap ang mga die hard fans.

Di na po sila bibili ng ticket ng anumang PBA games.  Hindi na sila bibili ng mga produkto ng PBA. Hindi na sila manonood ng PBA. Susuporta parin sa Gilas, pero hindi na sila bibili ng ticket sa World Cup, sa bahay na lang manonood ng mga laban ng Gilas.

Marami namang ibang liga. May liga sa America, sa Australia, sa Europa, sa Japan, Korea, Taiwan, China. At hindi nanaman kasing exciting manood sa PBA ngayon.

Filipinas

At sa totoo lang, mas exciting manood ng Malditas na ngayon at tinatawag nang Filipinas. Bukod sa napakababait nila, napakahuhusay, napaka humble, magaganda, cute at talaga pong nagpreprepara, nag uubos ng oras at binibigay lahat para manalo. Mayroon talagang short term at long term goals ang coach nila, at ang attitude niya ibang iba sa coach ng Gilas, kaya nilang manalo. Encouraging talaga.

Ang Gilas, wala nang gilas. Kailangan na ng pagbabago o kailangan na rin magbago ng pangalan.

Ang Filipinas ang husay, at ang husay pa ng programa ng PFF, ng kanilang coaching, conditioning at training staff at ang mindset nila ay talagang maabot ang ginto. Hindi sasali lang para sumali, pero sasali para manalo.

Wala pong rason para hindi suportahan ng bayan, bumili ng kanilang merchandise, bumili ng ticket ng mga laro nila at suportahan ng todo todo, dahil sulit naman po. Hindi po lugi ang bayan at ang fans sa PFF at Filipinas

Laban Pilipinas!

Kasali po sila sa FIFA World Cup sa isang taon rin po na gaganapin sa Australia. Ito po ang World Cup na hihintayin ng bayan.


Tsaka bukod sa football, puwede naman tayong maglaro sa baseball at volleyball, wala lang talagang suporta.




Friday, July 8, 2022

History At Tsismis, Lumaki Na Ng Lumaki Ang Apoy


Nag-umpisa po ang lahat sa isang inosenteng komento ng isang artista ng pelikulang "Maid in Malacanang".

SOURCE: philstar com

In fairness, publicity naman po ito para sa kontrobersyal na pelikula. At sinakyan na ng sinakyan ng kung sino sino. At sa kalaunan, eto po humihingi na ng cease fire ang artista laban sa mga batikos. Okay daw po siyang tirahin ng mga basher, huwag lang daw ang pamilya niya.

Pagsisi Ay Laging Nasa Huli

Ganyan po talaga ang mundo ng social media at internet. Yung pong ikinalat na dyan, hindi na puwedeng hugutin ulit. Magkakaroon po ito ng sariling buhay, tutubuan ng pakpak, kung saan saan makakarating, tatanda at mamatay na lang ng kusa. Wala na po tayong magagawa dyan.

Leksyon

Ngayon mayroon naman pong tama sa sinabi ng artista.

1. Sa maraming mga bagay, hindi natin alam ang totoong nangyari (lalong lalo na kung hindi pa tayo naipanganak noong mga panahong iyon, kaya huwag po tayong magmarunong o magmatigas na alam na alam natin ang mga nangyari).

2. Totoong parang tsismis ang history, kasi po lahat ng tao ay may sariling opinyon.

Ngunit ang totoong history po ay paglalahad ng nakaraan kahit pa hindi tayo sang ayon dito.

Mayroon na po bang nagtanong sa Direktor ng pelikula kung ano ang mga pangalan ng mga maid na kung saan hango ang pelikula niya?

Ang ibinintang laban po kila GOMBURZA (hindi po sila kilala sa tawag na MAJOHA, tsismis po ito) na dahilan para po sila patayin ay nakasulat po sa kasaysayan. History po ito. Basa basa pag may time.


Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan. - Gat Jose Rizal



Ibalik si Nenad Vucinic at Tab Baldwin sa Gilas

Bring back Nenad Vucinic as Coach & Tab Baldwin as Program Director of Gilas Pilipinas


(Ibalik si Nenad Vucinic at Tab Baldwin sa Gilas.)


Whereas the Philippines is a basketball crazy nation who has a hundred year tradition of playing the game.

(Samantalang ang Pilipinas ay isang bansang nahuhumaling sa larong basketball at may mahabang tradisyon ng paglalaro nito.)

Whereas the Philippines is hosting the FIBA World Cup in 2023.

(Samantalang sa Pilipinas gaganapin ang pandaigdigang kompetisyon ng larong basketball sa 2023.)

And whereas we already know that Nenad Vucinic & Tab Baldwin have the best chances, best plans and strategy for the Philippine Men’s Basketball Team to win international games.

(At samantalang alam na ng nakararami na sila Nenad Vucinic at Tab Baldwin ang may malaking pag-asa, at pinakamabisang plano upang manalo ang Gilas Pilipinas sa mga labanang internasyonal.)


We wish to petition to have Nenad Vucinic & Tab Baldwin take the helm again of steering Gilas starting now and for the SBP and all the Philippine Basketball Leagues to come together, including the players and get our acts together.

Filipino fans have enough of your stupid games, your posturing, lies, egos, politics and personal interests. This is for national pride.

(Magkaisa po tayo, SBP at lahat ng mga liga. Kasama na dito ang mga players. Bayan muna. Laban Pilipinas, ngunit hindi lamang puso kundi pati isip at national pride.)

Nenad - Chot - Tab

Magkaisa po tayo, hindi po ito tungkol sa politika. Hindi na po tayo mga batang asar talo. Pilipino po tayong lahat, sa basketball man lang po, magkaisa tayo. Bayan muna.

Sign and share Petition @ Change.Org
(Pumirma at ishare ang petisyon)


Saturday, July 2, 2022

Director Pa Ang Dapat Idemanda

#TheKingmaker


Ay naku po sumakit naman ang ulo ko sa mga kababayan natin na nagsasabing yung direktor pa ng The Kingmaker ang dapat idemanda dahil ginamit niya yung larawan ni Madam.

Kung hindi nyo pa alam ang kaganapan ay huli na kayo sa balita.

Narito po ang billboard na pinag-uusapan natin, ito ay naging viral na. 

Credit: cnnphilippines.com

Ito po yung larawan ni Madam Imelda Marcos na bumabati sa kanyang kaarawan.

Maligayang kaarawan po.

Copyright

Ngunit sa kasamaang palad po, itong larawan ito ay hango sa isang pelikula sa direksyon ng isang Amerikano, si Lauren Greenfield.

At ito po ay ginamit ng walang pahintulot ng produksyon ng naturang pelikula.

Humingi Ng Tawad

Dali dali naman pong humingi ng paumanhin ang gumawa ng billboard. Bakit po kaya? Dahil po alam nilang kapag dinemanda sila ay matatalo sila sa korte at magbabayad ng napakalaking danyos. Sa Amerika po galing itong pelikulang ito, dolyares ang bayaran dito.

Kaya po sa mga kababayan natin, ingat sa copyright. At sa mga nagsasabing yung direktor pa ang dapat magbayad kay Madam dahil ginamit nila ang larawan niya -- naku po, mag-aral po muna tayo ng batas. May karapatan po sila sa larawan, at binigyan po sila ng permiso ni Madam. Yung pong gumawa ng billboard, hindi po sila himingi ng permiso at ayan himihingi na sila ng paumanhin. Mali pa nga yung spelling nila, naku po naman

Sakit parin po ng ulo ko. Di na po ako talaga nagtataka kung bakit pati sila Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay nakabalik pa sa Senado. Mga botante, gising!

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts