Kahit po ano pa sabihin natin, kahit na mapaos pa o mahigh blood pa tayo, wala ring saysay.
Dahil hindi po aalis sa puwesto ang winningest coach ng Gilas Pilipinas. Hindi naman daw niya ito hiningi, inappoint siya.
Ngunit hindi lamang po siya ang problema ng programa sa basketball. Isa lamang po siya sa napakarami.
Problema
Kasama na ang SBP sa problema -- SBP na nagkukuripot po. Kasama na ang PBA -- PBA na nagdaramot po. Kasama na ang mga player na inuuna ang pagkakakitaan. O mag be beg off, sasabihing hindi makakalaro.
Kung buhay lang sila Lou Salvador Sr., Caloy Loyzaga, Bachmann, Badion, Carbonell at mga iba pang unang nakidigma sa mga dayuhan at hindi umatras, kahit na mas malalaki, mas mayayaman at mas malalakas pa ang mga kalaban, sigurado pag uuntugin nila tayong lahat.
Sila Bogs Adornado, Atoy Co, Robert Jaworski, Mon Fernandez, Samboy Lim, Allan Caidic, Hector Calma, Yves Dignadice, at napakarami pang player na nagsuot ng unipormeng Philippine Team, buhay pa po sila. Parang nakakahiya naman yata sa kanila at parang nasayang na lang ang kanilang mga sakripisyo't pinaghirapan.
Hindi naman po natin masisisi ang coach, ang SBP, ang PBA, at mga player sa kasalukuyan. Pero meron po tayong say at dapat lang po, dahil kung walang fans walang PBA. Kung walang fans, wala silang pagkakakitaan. Kung walang fans, wala silang hanap buhay, wala silang milyon milyong suweldo. Hindi sila sisikat.

Para Sa Bayan
Para sa bayan po ang pagrepresenta sa bayan. Ngunit kahit na po sa sarili pa nating bayan gaganapin ang World Cup, wala pa rin dating sa kanila. Na amnesia na po yata o sadyang naging gahaman o napahiya sa mga sinabi ni Coach Baldwin noon? Wala na po bang makabayang tao sa SBP? Mas makabayan pa po ba ang coach ng PFF?
Boycott

Photo by Mario Tama
Kung ayaw naman po nilang makinig o pagbigyan ang hinahing ng mga fans na henarasyon nang nagbibigay ng kanilang suporta, madali naman kausap ang mga die hard fans.
Di na po sila bibili ng ticket ng anumang PBA games. Hindi na sila bibili ng mga produkto ng PBA. Hindi na sila manonood ng PBA. Susuporta parin sa Gilas, pero hindi na sila bibili ng ticket sa World Cup, sa bahay na lang manonood ng mga laban ng Gilas.
Marami namang ibang liga. May liga sa America, sa Australia, sa Europa, sa Japan, Korea, Taiwan, China. At hindi nanaman kasing exciting manood sa PBA ngayon.
Filipinas
At sa totoo lang, mas exciting manood ng Malditas na ngayon at tinatawag nang Filipinas. Bukod sa napakababait nila, napakahuhusay, napaka humble, magaganda, cute at talaga pong nagpreprepara, nag uubos ng oras at binibigay lahat para manalo. Mayroon talagang short term at long term goals ang coach nila, at ang attitude niya ibang iba sa coach ng Gilas, kaya nilang manalo. Encouraging talaga.

Ang Gilas, wala nang gilas. Kailangan na ng pagbabago o kailangan na rin magbago ng pangalan.
Ang Filipinas ang husay, at ang husay pa ng programa ng PFF, ng kanilang coaching, conditioning at training staff at ang mindset nila ay talagang maabot ang ginto. Hindi sasali lang para sumali, pero sasali para manalo.
Wala pong rason para hindi suportahan ng bayan, bumili ng kanilang merchandise, bumili ng ticket ng mga laro nila at suportahan ng todo todo, dahil sulit naman po. Hindi po lugi ang bayan at ang fans sa PFF at Filipinas.

Laban Pilipinas!
Kasali po sila sa FIFA World Cup sa isang taon rin po na gaganapin sa Australia. Ito po ang World Cup na hihintayin ng bayan.

Tsaka bukod sa football, puwede naman tayong maglaro sa baseball at volleyball, wala lang talagang suporta.
No comments:
Post a Comment