Buwan Ng Wika
Nag-umpisa po ang Buwan ng Wika sa tatlong pelikula.
Maid
Ang unang pelikula ay ang "Maid in Malacanang". Ito po ay ilang lingo nang naging kontrobersiyal. At lalo naging viral dahilan sa mga komento ng direktor nito, ng mga Marcoses at yung history ay tsismis comment ng isa sa mga artista nito na kung sino sino na nakisaw saw.
Ang sinasabi ng mga Marcoses ay ito ay dokumentaryo ng mga pangyayari noong panahon na umalis sila sa bansa. Ang sabi naman ng direktor nito ay ito ay niresearch nila, pero hindi naman ito dokumentaryo, at ito ay pelikula o art lamang.
Opo, talaga pong nakakalito, o ito po talaga ang gustong mangyari nang mga Marcos at ng direktor.
Sarado Na Ang Isip
Ang mahirap po, kahit na sabihin pa ni direk na ito ay kathang isip lamang, ay marami na pong Pilipino ang naniniwala na ang pelikulang ito ay nagpapakita ng mga totoong kaganapan.
Wala naman po tayong talagang magagawa, meron pong mga Pilipino na madaling maniwala. Marami pong naniniwalang mababait ang mga Marcos. At meron pong mga Pilipino na naniniwalang hindi sila mabubuting tao.
Huwag na nating pilitin na baguhin pa ang pinaniniwalaan ng bawat isa. Hindi na po natin mababago ito, sarado, kandado na.
Katips
Ang pangalawang pelikula ay ang musical na "Katips". Ito ay nagpapakita di umano ng mga pangyayari sa ilalim ng kuko ng Martial Law. Naging kontrobersiyal rin ito dahil itinapat talaga sa pelikulang "Maid", at marami rin sinasabi ang direktor nito.
Ito po ay nagpapakita ng estorya ng mga aktibista sa may lugar ng Katipunan na nagproprotesta sa mga kadilimang nangyari sa ilalim ng Martial Law. Marami pong naniniwala na walang mga nangyaring masama sa ilalim ng Martial Law. At yung iba po talagang naniniwala na maraming madidilim na pangyayari noong panahon ng Martial Law. Sarado na rin po ang kanilang isipan.
Easter Sunday
Samantalang ang ikatlong pelikula ay mauunang ipapalabas sa America ngunit ipapalabas rin ito sa Pilipinas bago matapos ang Buwan ng Wika.
Iba po ang pelikulang ito dahil ito ay totoong pelikula. Ngunit hango rin po ito sa mga totoong nangyayari sa mga pamilyang Pilipino sa America at sa pamilya mismo ni Jokoy, yung bida sa pelikula.
Ito po ay kinunan sa America at nagpapakita na habang sa Pilipinas po ang kinahihibangan ng mga tao ay politika at history, sa Amerika naman po ang pinagkaka abalahan naman ng mga Pilipino ay trabaho at paglaban sa diskriminasyon at ang maging masaya po kahit sa panandalian panahon lamang, kahit na sa panonood lang ng isang pelikula -- isang pelikula na tungkol sa kanilang lahi. Kung hindi nyo alam, napakarami pong Pilipino sa America at sa maraming bansa. Ngunit hindi po sila napapansin o napapahalagahan kahit po napakalaki ng kontribusyon nila sa mga bayang pinagtratrabahuhan nila.
At mabuti naman na sa pagkahaba haba man ng panahon ay meron nang pelikula na kagaya ng "Easter". Sa wakas ay napansin na rin ang mga Pilipino.
Ito po sana ay maging mitsa ng tunay na pagkakaisa. Eto po talaga ang mahalaga sa bawat pamilyang Pilipino, ang pamilya mismo kahit meron mga hindi pagkakaintindihan, ay pamilya pa rin po.
At ang pagiging tunay na Pilipino ay ang kakayanang tawanan ang mga dinadaanan kahit na gaano ito kahirap.
Kita-kita po tayo sa mga sinehan, libre man o may bayad.
No comments:
Post a Comment