Tuesday, September 25, 2018

Wala Nang Hiya

Ano na po ba ang nangyari sa ating bayan?

At ano na po ba ang masasabi natin sa mga kababayan nating kagaya nito:


Naku po, wala na po ba talagang magagawa upang maiwasan ang mga mapanganib na gawaing ito na tahasan lumalabag sa mga batas trapiko?

Talaga po bang wala na po tayong hiya o walang pakundangan kahit sa mga taong naghihingalong sinusugod sa ospital?

Sadya po bang puro mayayabang, mangmang o walang pakialam ang karamihan sa ating mga motorista?

Ang ating po bang milyon milyong mga magigiting na OFW at mga kababayang nangingibangbayan taon taon ay ganito rin kaya kung umasta sa ibang bansa?

Kung hindi, bakit kaya sa sariling bayan ay puro na po tayo mga walang hiya at walang modo?

Monday, September 24, 2018

Kahibangan



Sabi ng dalubhasa at henyong si Albert Einstein na pagkabaliw, pagkasira ng ulo o kahibangan ang paulit-ulit na pag gawa ng isang bagay habang naghihintay ng ibang resulta.

Opo, kalokohan po iyan.

Isang halimbawa ang pagboto ng paulit-ulit sa isang tao na alam naman ng karamihan na magnanakaw at walang ginagawa para sa bayan. Sa bawat halalan na lamang ay pareparehong tao na lamang ang binoboto ng karamihan, o yung asawa ng kandidato o yung kapatid, anak, pinsan o kung sino man sa kanilang angkan.

Naku naman po, bihira na pong magbago ang sinungaling, ang magnanakaw, ang walang modo at makakapal na ang mga mukha.

Maaari pong malilinis po sila nang magsimula sa pulitika, ngunit sa tagal na po nilang nakaupo at nangungurakot, palala na po nang palala ang kanilang mga modus, noon po maari pang patago, ngunit sa kalaunan, garapalan na po o lantaran (yung iba po nahatulan na ng korte at nakulong na). Kapit tuko na rin po sa puwesto, at kapit sa patalim basta lamang hindi matalo.

Sa inyong mga nagbebenta parin po ng boto, mauntog naman po kayo at magising.

Hindi pa rin po ba nakakapagtaka na sila na lamang po ang yumayaman, sampu ng kanilang mga kamag anakan at malalapit na kaibigan sa pulitika at negosyo?

Bakit, noon po bang nagpaulan ng sentido comun ang panginoon, nakapayong po ba kayo?

Friday, September 21, 2018

Para Sa Bayan

Noong dekada nubenta, inilabas ng bandang "Eraserheads" and kantang 'Para sa Masa'.

Narito ang titik ng awiting ito.

Para Sa Masa

Ito ay para sa mga masa
sa lahat ng nawalan ng pag-asa
sa lahat ng aming nakasama
sa lahat ng hirap at pagdurusa

naaalala n'yo pa ba
binigyan namin kayo ng ligaya

ilang taon na ring lumipas
mga kulay ng mundo ay kumupas
marami na rin ang mga pagbabago
di maiiwasan pagkat tayo ay tao lamang

mapapatawad mo ba ako
kung hindi ko sinunod ang gusto mo

la la la la la la la la...

pinilit kong iahon ka (yeah)
ngunit ayaw mo namang sumama

ito ay para sa mga masa
sa lahat ng binaon ng sistema
sa lahat ng aming nakabarkada
sa lahat ng mahilig sa labsong at drama

sa lahat ng di marunong bumasa
sa lahat ng may problema sa skwela
sa lahat ng fans ni sharon cuneta
sa lahat ng may problema sa pera

sa lahat ng masa (4x)

huwag mong hayaang ganito
bigyan ang sarili ng respeto

la la la la la la la la...



Eto po siya sa wikang ingles:
For the Masses

This is for the masses
To all those who have given up hope
To all those we've been with us 
In all our hardships and suffering
Do you still remember?
We have given you joy
Many years have gone by
The colors of the world have faded
So many things have changed
It cannot be avoided since we're only human
Will you be able to forgive me?
If I didn't do what you wanted?
La la la la la la la la. . . . . .
I tried hard to lift you up (yeah)
But you didn't want to cooperate
This is for the masses
To all those who were buried by the system
To all hose we've been with us
To all those who like love songs and drama shows

To all those who can't read
To all those who have school problems
To all the fans of Sharon Cuneta (a Filipina actress and singer)
To all those with money problems

To all the masses (4x)
Do not you let this be
Give yourself some respect

la la la la la la la la...
Ang mga pahinang naririto ay para po sa mga tunay na may pagmamahal sa ating inang bayan. Nakakahiya na mayroong mga dayuhan o mga Filipinong ipinanganak sa bang bansa na higit pa ang pagmamahal sa inang bayan at mas ipinagmamalaki pa ang pagiging Filipino nila kaysa mga Filipino sa inang bayan. Ang pagbabago at ang kaunlaran ay abot kamay, kung mayroong lamang tayong nasyonalismo, hiya, modo, delikadeza, disiplina, pagkakaisa at "sentido comun".

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts