Monday, September 24, 2018

Kahibangan



Sabi ng dalubhasa at henyong si Albert Einstein na pagkabaliw, pagkasira ng ulo o kahibangan ang paulit-ulit na pag gawa ng isang bagay habang naghihintay ng ibang resulta.

Opo, kalokohan po iyan.

Isang halimbawa ang pagboto ng paulit-ulit sa isang tao na alam naman ng karamihan na magnanakaw at walang ginagawa para sa bayan. Sa bawat halalan na lamang ay pareparehong tao na lamang ang binoboto ng karamihan, o yung asawa ng kandidato o yung kapatid, anak, pinsan o kung sino man sa kanilang angkan.

Naku naman po, bihira na pong magbago ang sinungaling, ang magnanakaw, ang walang modo at makakapal na ang mga mukha.

Maaari pong malilinis po sila nang magsimula sa pulitika, ngunit sa tagal na po nilang nakaupo at nangungurakot, palala na po nang palala ang kanilang mga modus, noon po maari pang patago, ngunit sa kalaunan, garapalan na po o lantaran (yung iba po nahatulan na ng korte at nakulong na). Kapit tuko na rin po sa puwesto, at kapit sa patalim basta lamang hindi matalo.

Sa inyong mga nagbebenta parin po ng boto, mauntog naman po kayo at magising.

Hindi pa rin po ba nakakapagtaka na sila na lamang po ang yumayaman, sampu ng kanilang mga kamag anakan at malalapit na kaibigan sa pulitika at negosyo?

Bakit, noon po bang nagpaulan ng sentido comun ang panginoon, nakapayong po ba kayo?

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts