Friday, December 21, 2018

Walang Kahiyahiya

Bugbog o dignidad?


Wala akong pipiliin.

At ang tamang sagot diyan, "pass".

Noong high school po ako, hindi ko po uurungan itong batang ito. At baka may mga round two at three pa.

Ngunit noong huling bahagi ng dekada ochenta, naging miyembro din po ako ng PTA at iiwas lang ako sa mga eksenang ganito. Noong mga panahong iyon, wala po akong nakasamang ganito kung umasta, ano na kaya nangyari sa mga nagtuturo ngayon, mga blackbelt factory na lang?

Ang palagay ko lang ay namimili itong batang ito ng bibiktimahin niya at hindi siya hahamon ng papalag sa kanya. Paano kaya ito naging TBB?

Dahil, ni minsan ay hindi itinuro sa mga miyembro ng PTA na gamitin ang kaalaman sa sining ng pagtatanggol maliban lamang sa pag depensa sa saliri o ibang tao.

Bugbog na nga katawan mo sa gym, lalabas ka pa para maghanap ng away?

Ngayon, kung sino man nagturo at nagtuturo sa batang atenista na ito, paki po, bumalik po sana uli kayo sa 1st dan. At ito pong bully na ito, alisin nyo na rin po sa PTA sa pag gamit ng kanyang kaalaman sa pambubully at pag aabuso ng kapwa.

At sa inyo naman Ateneo, tapusin na po agad ang "imbestigasyon".

Sa mga iba pa pong biktima, lumantad na po, para sumali sa pagsampa ng reklamo. Isama na rin po sa ireklamo ang mga namvivideo.

Sa mga namumuno ng PTA at Ateneo, naku po, ano pa po ba ang hinihintay ninyo?

Nakakahiya po sa alumni at estudyante ninyo, at sa mga past at present members ng PTA.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts