Friday, January 11, 2019

Salaula

Basura

May kasabihan tayo na ang sabi ay "basurang tinapon mo, babalik rin sa iyo."

Luneta, pagkatapos ng Pasko 2018

At nakupo naman, sa mga basurang itinapon nating lahat, salaulang salaula na ang ating bayang tinubuan, at naging basura na po ang halos lahat ng bagay sa ating lipunan.

Parang wala na po tayong pag-asa. Ngunit yan ang gustong mangyari ng mga walang kuwentang tao, ang magkaroon ng walang pag-asa ang mga mamayan at maging wala nang pakialam ang lahat sa sariling bayan at sa lahat ng bagay.

Pagkatapos ng Traslacion 2019

Ngunit mali po. Lagi pong mayroong pag asa, kung unti unti pong mabubuksan ang mata nating lahat.

Gumising na po tayo. Magkaroon naman po tayo ng kahihiyan. Magkaroon naman po ng tunay na disiplina at kaayusan. At bukod sa lahat gamitin naman po ang utak. Wala pong personal na asenso at asenso ng bayan kung hindi po mag uumpisa sa bawat isa.

Manila Bay, poso negro ng Maynila

Tama na po ang basura. Tama na po ang trapo. Tama na po ang pagboto sa mga basura. Tama na po ang katangahan. Tama na po ang katamaran. At tama na po ang mga palusot.

Ang problema ng isa, ang problema ng bayan, ay problema ng lahat ng mamamayan.

Gising sambayanang Pilipino. Umaalingasaw na po tayong lahat.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts