Nakakatawang nakaka awa po talaga ang Pilipinas.
Puwede na bang palitan ang pangalan ng PATAFA ng PATAWA.
At palitan na rin po natin ang SBP. Tawagin nating ESP.
Parehong walang kuwentang ahensiya. Ang PATAWA po inalis si EJ Obiena sa SEA Games. Si EJ lang naman ang may hawak ng record sa pole vault sa buong Asya. Sure win na po, magiging bato pa.
Ang ESP naman ay may malabong crystal ball yata at mukhang di nakikita ang madilim na kapalaran ng bansa sa basketball.
Ibinalik po nila si Coach Chot Reyes at ang pinaglumaan nilang style sa basketball na alam na po natin na di na oobra sa FIBA.
Di lang Puso kailangan din ng Isip
Ang nakakapanghinayang pa naman ay nakita na po ng mga Pilipino fans na maganda na ang takbo ng sistema ni Tab Baldwin at bakit hindi na lang tinuloy ang programa nang naumpisahan ni Coach Tab, lalong lalo na po na sa Pilipinas gagawin ang FIBA World Championship sa isang taon.
Hindi po ba maaaring ipagpaliban ang pulitika, pride at kung ano ano pang di pagkakaintihan para sa kapakanan ng bayan at sports sa bansa?
Ganito na ba talaga kababa ang tingin ng pamumuno ng PATAWA at ESP sa mga Pilipino?
Gumising na po sana sila.
No comments:
Post a Comment