Saturday, April 30, 2022

Educate 103

Martial Law


Huwag na po tayong magtalo, mayroon pong mabuti at masama sa martial law. Huwag tayong hunghang. At hindi naman natin alam ang lahat ng nangyari.

Ang problema sa kasalukuyan ay napakarami pong mga Pilipino na ang laking tapang na nasasabing alam na alam nila kung bakit nagdeklara ng batas militar noong 1972 at kung anu-ano ang mga nangyari. Alam na alam nila at mayroon pang nagsasabing ang husay daw ng pamumuhay noon.

Limampung Taon Na Ang Nakalipas

Ang nakapagtataka po ay ni isa sa kanila ay hindi pa naman naipanganak noong panahong iyon.

Maaaring tama po ang ilan sa kanilang mga pinaniniwalaan. Ngunit sigurado po tayo na hindi lahat ng kanilang pinaniniwalaan ay pawang katotohan. Marami pong tagong kabulukan ang mundo ng politika, kahit anong partido, kahit ano pang bansa, kahit anong panahon. 

Katigasan Ng Ulo

Ang masama pa po ay kahit na alam na nating hindi totoo ang ating pinaniniwalaan, ay sinasara na natin ang ating isipan. Kabaliwan po ito.

Mayroon pa pong mga taong buhay pa sa kasalukuyan na pinanganak ng dekada kuwarenta, at singkuwenta. Sila po ay may kaalaman sa mga totoong nangyari noong 1960s, 70s at 80s. Ngunit depende pa rin po sa kung saan sila nakatira, anong estado nila sa buhay, anong relihiyon at marami pang ibang bagay ay iyan pong mga bagay na iyan ang bubuo ng kanilang pinaniniwalaan.

Wala pong ni isa sa atin ang alam ang lahat ng totoong nangyari. Limitado lang ang alam natin. 

Ang Totoo

Ngunit ang totoo po lahat po nang naging presidente, bise presidente, senador, kongresista, gobernor, ministro, mayor at kahit po mas mababa pang katungkulan, kasama na ang mga namahala ng mga malalaking ahensiya ng gobyerno, lahat po sila at kanilang pamilya at cronies ay yumaman at halos lahat po sila ay ayaw nang umalis sa posisyon, at kung hindi na puede ay magpapalit palit lang sila ng puwesto.

Taong bayan po? Nganga. Naabutan lang tayo ng kaunti, nabigyan ng pabor, ayos na. Nabenta na ang boto. Kaya po mahirap pa rin tayo at sila pong nakapuwesto ay payaman ng payaman.

Kamote po ang tawag dito

Monday, April 25, 2022

Educate 102

Mga Sabi Sabi


Karamihan po sa ating mga kababayan ay ipinanganak ng dekada nubenta pataas.

Iilan ilan na lang po ang natitirang pinanganak ng dekada sisenta pababa.

Ang ating pong kaalaman sa mga pangyayari noong dekada ochenta, sitenta, st sisenta ay pawang narinig lang natin o napanood o nabasa sa youtube, TV, radyo at social media.

Huwag po tayong magmarunong, lalong lalo na sa mga bagay na hindi po natin alam. Lahat po ay may pagkiling. At depende po kung kanino tayo nakikinig, ay ganoon rin po.

Dagdag Bawas

Kadalasan ang mga narinig nating sabi sabi at hindi po kumpleto, mayroon nang dagdag at bawas.


Mayroon nga akong nabasang kabataan na nagsasabi na ang dagdag bawas ay nagmula daw sa computerized na pagboto, o itong nakaraang eleksyon. Hindi po. Matagal na pong gawain ito ng mga politiko, bago pa po nagumpisa ang pagbilang ng boto sa computer. Matagal na po, bago pa kayo isinilang.

Eto po ang nangyayari sa nakikinig sa sabi sabi.


Kadalasan po ay malayo na sa katotohan sa orihinal na pangyayari. Hindi po ito biro. Simple lamang po itong halimbawa ngunit totoo pong nangyayari.

Saturday, April 23, 2022

Educate 101

 

Hati-hati po ang sambayanan, iba-iba ang ibobotong kulay ng kandidato.

Kapag po merong celebrity o artista na nagsalita laban sa kanilang kandidato, galit na galit ang nakararami kasi po sino itong mga kilalang taong ieeducate daw sila.


Wala naman pong masama, talaga naman kailangan nating lahat na ma-educate. Marami po tayong hindi alam.


Hindi po natin alam ang lagay noong 1985-1986. Mahigit po kalahati ng bansa ay hindi pa po naipapanganak noong taong yun. Sa katunayan, yung mga nasa edad dise-otso at boboto na po sa Mayo, marami sa kanila pati mga magulang nila hindi pa naipapanganak noong 1986, o sanggol pa lang. Lahat ng alam nila ay narinig lang nila.


Nakakahiya na nga po na hindi natin kilala sila Gomburza, Tandang Sora, Gregorio Del Pilar at ang mga iba pang simpleng kaalaman sa kasaysayan ng bayan. Huwag rin po natin igiit na alam rin natin ang nangyari noong 1986 kung hindi po natin personal na naranasan.


Wala naman pong masama kung sino po ang ating napiling kandidato. Karapatan ninyo po yan. At alam na po natin na marami nang sarado na ang isipan at buo na ang desisyon.


Respeto

Irespeto na lang po natin ang desisyon ng bawat Pilipino, lalong lalo na kung ito ay kanilang sariling desisyon at hindi nabili o napilit lamang.

Mayroon po ba kayong personal na kaalaman sa mga kaganapan sa bansa noong 1965 hanggang 1985?

Alam po ba natin ang mga pangyayari noong dekada 50s?

Sa malamang po ay ang kaalaman lang ng nakararami ay narinig lang natin sa mga matatanda o nabasa lang kung saan. 

Huwag po nating ibalewala ang halalan. Pag-isipan po natin ang ating iboboto. Nasa kamay po natin ng kinabukasan ng bayan.

Saturday, April 16, 2022

Eleksyon 2022


Bumoboto na po ang mga OFW at ang mga ibang Pilipinong nasa labas ng bansa.


Nakapili na rin po ang mga nakakarami na nasa bayang minamahal.

Marami pong sarado na ang isipan at buo na ang desisyon sa napili nilang kandidato.

Respeto

Tama po, irespeto po natin ang desisyon ng bawat Pilipino, lalong lalo na po kung ito po ay kanilang desisyon at hindi po nabili o napilit lamang.

Sa mga nakarehistro po para bumoto, bumoto po tayo. Ito ay karapatan at katungkulan ng bawat mabuting mamamayan.

Sa mga hindi pa po sigurado sa iboboto, magmadali na at pagbulay-bulayan ang magiging desisyon. Sa mga magbebenta po ng boto, mag-isip-isip po muna tayo, yung pong bumibili ng boto ninyo sa totoo lang hindi po dapat iboto yang mga animal na yan. Sila po ang dahilan kung bakit naghihirap kayo at ang Pilipinas.

Sa mga napilit lang o nadadala ng mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, kabarkada, katrabaho o kaanib, maging sigurado po tayo kung ito po bang napili natin ay karadapat ng mga boto po ninyo.

Huwag pong ibalewala. Hindi po ito katuwaan o biro-biro.

Nasa kamay po ninyo ang desisyon. Nasa mga kamay po ninyo ang pag-asa ng bayan.




Tuesday, April 12, 2022

Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan

Kabataan


Tama po ang sabi ni Gat Jose Rizal na kilala rin paminsan minsan sa palayaw na "Pepe", na ang kabataan daw ang pag-asa ng bayan.

Ngunit kung nabubuhay lang ngayon si Pepe, pumunta man siya sa The Mansion sa Baguio, dumaan man siya sa SLEX o NLEX, tumawid man siya ng San Juanico Bridge o magtanong kay Ninoy o kay Melchora Aquino o sa tatlong haring mago o sa tatlong martir na pari, malalaman din niyang baka hindi pala.

Hindi po nakakatawa

Kasaysayan


Kung napanood lamang ni Rizal ang Battle of the Brainless o Battle of the Patweetums na ito ay baka hindi na siya bumalik galing Hong Kong at nagpabaril sa Intramuros. Ay mali sa Bagumbayan pala. Baka hindi na rin bumalik ng bansa si Ninoy.

Ang laki na po ng ibinababa ng kalidad ng mga mag-aaral na Pilipino. Nagogoyo lamang tayo ngunit matagal nang majoha ito. Sana totoo nga ang sinabi ni Pepe, may pag-asa po ang bayang minamahal, nasa kamay po at isip ng mga kabataan ang ating kinabukasan. 

Sana nga po. 

Wednesday, April 6, 2022

Patuloy Na Pinipigilan

The Kingmaker

Mayroon pong dokumentaryong palagi na lang inaalis kapag po naiupload sa internet. 

Ito po ay ang pinabagong dokumentaryo sa buhay ng Unang Ginang Madame Imelda Romualdez Marcos.

Siya po ang bida dito at siya ang ini-interview kasama ang mga malapit niyang mga kaibigan at kamag-anak.

Mayroon din pong mga ininterview na ibang taong hindi sang ayon sa unang ginang. Ang mga ito po ay nakalaman sa isang dokumentaryo ng Showtime, Kingmaker po and pamagat.

Narito ang link ng buong video nito kung nais nyong mapanood.

Meron pong Tagalog at Ingles.




Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts