Saturday, April 30, 2022

Educate 103

Martial Law


Huwag na po tayong magtalo, mayroon pong mabuti at masama sa martial law. Huwag tayong hunghang. At hindi naman natin alam ang lahat ng nangyari.

Ang problema sa kasalukuyan ay napakarami pong mga Pilipino na ang laking tapang na nasasabing alam na alam nila kung bakit nagdeklara ng batas militar noong 1972 at kung anu-ano ang mga nangyari. Alam na alam nila at mayroon pang nagsasabing ang husay daw ng pamumuhay noon.

Limampung Taon Na Ang Nakalipas

Ang nakapagtataka po ay ni isa sa kanila ay hindi pa naman naipanganak noong panahong iyon.

Maaaring tama po ang ilan sa kanilang mga pinaniniwalaan. Ngunit sigurado po tayo na hindi lahat ng kanilang pinaniniwalaan ay pawang katotohan. Marami pong tagong kabulukan ang mundo ng politika, kahit anong partido, kahit ano pang bansa, kahit anong panahon. 

Katigasan Ng Ulo

Ang masama pa po ay kahit na alam na nating hindi totoo ang ating pinaniniwalaan, ay sinasara na natin ang ating isipan. Kabaliwan po ito.

Mayroon pa pong mga taong buhay pa sa kasalukuyan na pinanganak ng dekada kuwarenta, at singkuwenta. Sila po ay may kaalaman sa mga totoong nangyari noong 1960s, 70s at 80s. Ngunit depende pa rin po sa kung saan sila nakatira, anong estado nila sa buhay, anong relihiyon at marami pang ibang bagay ay iyan pong mga bagay na iyan ang bubuo ng kanilang pinaniniwalaan.

Wala pong ni isa sa atin ang alam ang lahat ng totoong nangyari. Limitado lang ang alam natin. 

Ang Totoo

Ngunit ang totoo po lahat po nang naging presidente, bise presidente, senador, kongresista, gobernor, ministro, mayor at kahit po mas mababa pang katungkulan, kasama na ang mga namahala ng mga malalaking ahensiya ng gobyerno, lahat po sila at kanilang pamilya at cronies ay yumaman at halos lahat po sila ay ayaw nang umalis sa posisyon, at kung hindi na puede ay magpapalit palit lang sila ng puwesto.

Taong bayan po? Nganga. Naabutan lang tayo ng kaunti, nabigyan ng pabor, ayos na. Nabenta na ang boto. Kaya po mahirap pa rin tayo at sila pong nakapuwesto ay payaman ng payaman.

Kamote po ang tawag dito

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts