Thursday, May 5, 2022

Educate 104


Loren Legarda


Huwag na po tayong magtalo, talaga namang masama ang sinabi ng anak ni Loren Legarda.

Ngunit sa mata po niya, yan ang kanyang nararamdaman at paniniwala. At hindi natin mapipigilan siyang maglahad ng kanyang saloloobin.

Tayo pong lahat ay mayroon ding nararamdaman. Iyong pong mga pula at berde, galit na galit rin po sa anak ni Loren. Ni hindi nga po natin siya ganap na kilala, ngunit apektadong apektado tayo, at galit na galit sa kanya.

Ganyan rin po ang kanyang nararamdamang galit o sama ng loob sa kanyang ina. Kagaya po niya tayo rin po ay kung ano ano na rin ang nasabi. Di po ba?

Yun naman pong mga kulay rosas, kung makasuporta naman sa anak, solid. Kahit po may punto siya at kahit na ang politika po ay binago ang kanyang ina ay may mali rin po siya.

At tama po, mali rin si Loren Legarda.

Tayo pong lahat ay mali rin. Bayaan po natin sila. 

Ang Totoo

Ang totoo po marumi po ang mundo ng politika. Huwag na po nating ipagkaila.

At ito po ay totoong totoo -- sobrang yaman po nila Loren Legarda. Lahat po nang naging presidente, bise presidente, senador, kongresista, gobernor, ministro, mayor at kahit po mas mababa pang katungkulan, kasama na ang mga namahala ng mga malalaking ahensiya ng gobyerno, lahat po sila sampu ng kanilang pamilya at mga cronies ay yumaman.

Ayaw Nang Umalis Sa Puwesto

Ayaw na po nilang umalis sa puwesto at lahat gagawin para hindi umalis o para makabalik sa puwesto. At kung hindi na talaga puede ay magpapalit palit lang sila ng puwesto sa asawa, anak, kapatid, pinsan, pamangkin, tiyo, tiya basta sila sila pa rin ang nakapuwesto.

Tayo pong lahat? Gutom.

At sawsaw pa sa away ng mag-ina. Bayaan po natin sila.

Kaya po mahirap pa rin tayo at sila pong mga nakapuwesto at gustong manatili o bumalik sa puwesto ay payaman ng payaman. Wala po silang pakialam sa atin kagaya ng pakialam natin sa kanila.


No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts