Saturday, August 6, 2022

SBP at PBA ang Problema Ng Philippine Basketball


Huwag na po tayong maghanap ng rason o manuro kung sino sino ang may kasalanan sa pagbagsak ng ranking ng Gilas Pilipinas sa World at Asian FIBA Rankings.

Unang una na po, matanong lang sana natin -- wala na ba talagang ibang coach na mahanap ang SBP bukod sa mag amang Reyes? Kailangan po ba na ang father and son team talaga ang coach ng Senior at Junior Gilas Teams?

Busy

At bakit po ba kailangan hintayin si Coach Chot Reyes na busing busy pa sa PBA para lang maumpisahan ang preparasyon ng mga windows ng FIBA WC qualifiers? 

Granted po na pasok na ang Gilas sa WC dahil isa sila sa hosts, ang Japan ba o ang Indonesia na mga hosts din, ganito rin ba ang style nila? Hindi po, full blast po ang kanilang preparations, matagal na, at nasa adjustments na lang sila ngayon, at hindi ginagawang tryouts ang FIBA Tournaments.

At granted na na-eliminate ang Indon team sa WC kasi alam naman natin na mas mahina talaga sila kumpara sa Akatsuki 5 at Gilas. Pero malaki na po ang improvement nila.

Programa

Nakita naman natin na sa sandali pa lang na panahon under Coach Rajko natalo na agad ng Indonesia ang Gilas sa huling SEA Games. Isa po itong malaking black eye sa Gilas, sa PBA, sa SBP at sa lahat ng Filipino supporters ng Gilas.

Malaking kaululan po sa kadahilanang si Coach Rajko na dating namamahala ng programa ng Gilas na sinibak ng SBP ay siya pong kinuha ng Indonesia para palakasin ang programa nila at talunin ang Gilas.

Bagong Programa

Pag alis po ni Coach Rajko, nilagay naman natin si Coach Tab, at eto nanaman gumawa nanaman siya ng maayos na programa at may magandang plano na sana ay maipapakita ng Gilas sa World Cup ng 2023 na gaganapin sa Pilipinas.

Ngunit kagaya po ni Coach Rajko at sinabak rin si Coach Tab bilang program director ng Gilas at binasura ang programa niya kagaya ng programa ni Coach Rajko.

Inalis na rin po si Coach Nenad, mukhang napaso na talaga ang mga bosing ng SBP at PBA sa mga foreign coaches.

Balik Reyes Bara Bara Style

Ngayon pong 3rd window ng WC qualifiers, si Coach Nenad ang coach natin ngunit para po sa Asia Cup at 4th window, sabi ng ating magiting na kasalukuyang program director na si Coach Chot Reyes na siya na po ang magcocoach at mamimili ng mga player at ayan po, dahil sa kanya laglag po sa 9th place ang Gilas, laglag rin sa world ranking. Another black eye at learning experience, be patient kuno. 

Politika at Personal Interes

Para po maunawaan natin ang mga nangyayari sa SBP at sa PBA panoorin natin si Commissioner Noli, Commissioner Chino at The Dean Quinito.


Umpisa po sa 26 minute ang kainitan ng usapan


Huwag na po nating paikutin ang sambayanan. Kailangan na ng pagbabago sa National Basketball Program.

Ibalik po si Coach Rajko, o si Coach Tab at si Coach Nenad. Mayroon din silang mga naging assistant coaches na Pilipino na maitutuloy rin ang programang sinumulan nila. Hindi po uubra ang PBA style sa FIBA style, iba po ang laruan at rules nito. At hindi po tayo NBA na kahit ilang linggo lang ang preparation, mananalo pa rin. Tayo po, India na lang ang tatalunin, at mag ingat tayo, baka sa 2023 talunin na rin nila tayo.

Ang New Zealand po, ang Lebanon, at ang Syria dating hinawakan ni Coach Tab, malalakas na silang lahat. 2nd, 3rd at 4th po sila sa huling Asia Cup. Ang Indonesia po, tinalo ang Gilas sa huling SEA Games, gamit ang programa ni Coach Rajko. Dati na rin niyang hinawakan ang Jordan team na malakas na rin po ngayon.

Ang Gilas po kailan kaya lalakas uli?

Huwag na po nating lokohin ang mga fans. SBP at PBA, kailangan ninyo ang fans, kung wala pong suporta ng fans wala na pong PBA. At huwag na po nating hintayin na huwag suportahan ng taong bayan ang World Cup sa Pilipinas sa 2023.

Huwag na pong hintaying tuluyang mawalan ng gana ang mga fans. Dahil ang SBP parang PATAFA lang ang pamamahala. Si Juico pala nagresign na. Sa SBP, puros mga kapit tuko.

Mabuti pa ang PFF sa pamumuno ni Araneta ay nakagawa ng programang ginamit ng Filipinas at may magaling na foreign coach upang maka-abot ng FIFA World Cup. Football, volleyball, pati si Obiena, si Hidilyn, si Caloy, si Alex may mga foreign coach at trainers. 

Lahat ng ibang bansa kumukuha na ng mga foreign coach, SBP na matagal nang gumagawa nyan, pauso naman at ayaw na.



Thursday, August 4, 2022

Maid in Malacanang, Katips at Easter Sunday

Buwan Ng Wika

Nag-umpisa po ang Buwan ng Wika sa tatlong pelikula.

Maid

Ang unang pelikula ay ang "Maid in Malacanang". Ito po ay ilang lingo nang naging kontrobersiyal. At lalo naging viral dahilan sa mga komento ng direktor nito, ng mga Marcoses at yung history ay tsismis comment ng isa sa mga artista nito na kung sino sino na nakisaw saw.

Maid in Malacanang

Ang sinasabi ng mga Marcoses ay ito ay dokumentaryo ng mga pangyayari noong panahon na umalis sila sa bansa. Ang sabi naman ng direktor nito ay ito ay niresearch nila, pero hindi naman ito dokumentaryo, at ito ay pelikula o art lamang. 

Opo, talaga pong nakakalito, o ito po talaga ang gustong mangyari nang mga Marcos at ng direktor.

Sarado Na Ang Isip

Ang mahirap po, kahit na sabihin pa ni direk na ito ay kathang isip lamang, ay marami na pong Pilipino ang naniniwala na ang pelikulang ito ay nagpapakita ng mga totoong kaganapan.

Wala naman po tayong talagang magagawa, meron pong mga Pilipino na madaling maniwala. Marami pong naniniwalang mababait ang mga Marcos. At meron pong mga Pilipino na naniniwalang hindi sila mabubuting tao.

Huwag na nating pilitin na baguhin pa ang pinaniniwalaan ng bawat isa. Hindi na po natin mababago ito, sarado, kandado na.

Katips

Katips

Ang pangalawang pelikula ay ang musical na "Katips". Ito ay nagpapakita di umano ng mga pangyayari sa ilalim ng kuko ng Martial Law. Naging kontrobersiyal rin ito dahil itinapat talaga sa pelikulang "Maid", at marami rin sinasabi ang direktor nito.

Ito po ay nagpapakita ng estorya ng mga aktibista sa may lugar ng Katipunan na nagproprotesta sa mga kadilimang nangyari sa ilalim ng Martial Law. Marami pong naniniwala na walang mga nangyaring masama sa ilalim ng Martial Law. At yung iba po talagang naniniwala na maraming madidilim na pangyayari noong panahon ng Martial Law. Sarado na rin po ang kanilang isipan. 

Easter Sunday

Samantalang ang ikatlong pelikula ay mauunang ipapalabas sa America ngunit ipapalabas rin ito sa Pilipinas bago matapos ang Buwan ng Wika.

Iba po ang pelikulang ito dahil ito ay totoong pelikula. Ngunit hango rin po ito sa mga totoong nangyayari sa mga pamilyang Pilipino sa America at sa pamilya mismo ni Jokoy, yung bida sa pelikula.

Easter Sunday
Ito po ang unang pelikula na gawa ng isang major na American studio na tungkol sa mga Pilipino na mga Pilipino rin ang artista.

Ito po ay kinunan sa America at nagpapakita na habang sa Pilipinas po ang kinahihibangan ng mga tao ay politika at history, sa Amerika naman po ang pinagkaka abalahan naman ng mga Pilipino ay trabaho at paglaban sa diskriminasyon at ang maging masaya po kahit sa panandalian panahon lamang, kahit na sa panonood lang ng isang pelikula -- isang pelikula na tungkol sa kanilang lahi. Kung hindi nyo alam, napakarami pong Pilipino sa America at sa maraming bansa. Ngunit hindi po sila napapansin o napapahalagahan kahit po napakalaki ng kontribusyon nila sa mga bayang pinagtratrabahuhan nila. 

At mabuti naman na sa pagkahaba haba man ng panahon ay meron nang pelikula na kagaya ng "Easter". Sa wakas ay napansin na rin ang mga Pilipino.

Ito po sana ay maging mitsa ng tunay na pagkakaisa. Eto po talaga ang mahalaga sa bawat pamilyang Pilipino, ang pamilya mismo kahit meron mga hindi pagkakaintindihan, ay pamilya pa rin po.

At ang pagiging tunay na Pilipino ay ang kakayanang tawanan ang mga dinadaanan kahit na gaano ito kahirap.

Kita-kita po tayo sa mga sinehan, libre man o may bayad.

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts