Wednesday, January 4, 2023

Pangit Daw Voltes V Legacy




Talangka po talaga ang karamihan ng mga Pinoy. Ito ang rason kaya hindi umunlad unlad ang Pilipinas. Dagdagan pa na hati hati tayo dahilan sa pulitika, rehiyon, ideolihiya, relihiyon, henerasyon, TV network, fan ng celebrity at sports team at kung ano ano pa.

Hindi naman po masamang magreact, pumuna at mag comment.

Pero bakit may pambabash pa sa GMA at sa kapwa Pinoy? Tapos bakit may pambabastos pa at may nagsasabi pa na masisira ang kanilang childhood. Ano kaya yun? Pauso.

Kung hindi ka pa singkuwenta anyos o pataas, wala ka pa noong unang pinalabas ang Voltes V original anime. Hindi rin kayo nagmamadaling makauwi o naka abang na sa harap ng telebisyon kapag Biyernes ng hapon at tapos, Sabado kuwentuhan kayo ng mga kalaro nyo at pag Lunes kuwentuhan naman kayo ng mga kaklase ninyo.

Reklamador

Kung meron man magrereklamo ay yung TOEI Company Japan. Wala naman silang sinasabi diba?



Ang isang tamang reklamo, kung meron man ay dapat English dubbed, kasi yung mga Pinoy 70s, 80s ay pinanood ang original Voltes V tuwing Biyernes, English ang salita.

Nose Bleed

Marunong pa mag English mga Pinoy noon.

Anyway isa pang reklamong puwede ay yung acting medyo malamya pero okay na rin. 

Ang mahalaga may live animation version na, parang yung sa Amerika noong ginawa nila sa Transformers. Parang wala namang Amerikanong nagreklamo noon. Oo, kahit may mga nabago at may love angles.

Tapos grabe budget noon kaya di hamak na dapat grabe and resulta. Hirap kasi sa mga ibang Pinoy talangka lang at sadyang inggetero't inggetera lang talaga sa kababayan nila.

Itong sa GMA adaptation, okay na to.

Para sa mga matagal nang naghihintay at totoong fans at totoong nakapanood noong late 70s hindi na sila makahintay. Kahit mga Japanese fans at ibang lahi hinihintay na rin. Mga Pinoy lang talaga, maraming papansin o kulang sa pansin.

Di naman tayo pinipilit manood, nood tayo ng nood. Doon na lang tayo sa network natin.

Kung pangit ang Voltes V Legacy, simple, huwag manood.

Kaya mga bashers, tuloy nyo lang pambash kung dyan kayo masaya. Pero sa mga totoong fans, let go at let's volt in....



Mo-u chi-kai


No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts