Wednesday, January 4, 2023

PBA Luto Daw

 

t
Last 3.30 mins of Game 3


Talangka po talaga ang karamihan ng mga Pinoy. Ito ang rason kaya hindi umunlad unlad ang Pilipinas. Dagdagan pa na hati hati at watak watak dahil sa pulitika, rehiyon, ideolihiya, relihiyon, henerasyon, TV network, fan ng celebrity at sports team at kung ano ano pa.

Ang PBA po ang pinakamatagal na paliga ng basketball sa buong mundo sa labas ng NBA. Matagal nang ganyan yan. Bago pa ipinaganak ang karamihan sa atin.

Kapag may dayo, kahit saan mang paliga, talagang kakalabanin mo ang kaba, niyerbiyos, mga tawag ng ref at home court advantage lalong lalo na po kapag finals na at wala ka pang championship experience.

Kahit saan sa mundo ganyan.

Ang hirap sa maraming mga kababayan po natin ay di pa kasi nakalabas ng bansa, akala nila Pilipinas ang pinakamasamang bansa. Kahit saan pong bansa ganyan talaga. At mas grabe po ang lutuan sa ibang bansa. Sa Qatar nga noong huling FIBA Asia (World Cup Qualifying Window), halos hindi nila pinapasok ang mga Pinoy na manood sa arena nila, at naglaan lang sila ng maliit na lugar sa tuktok at gilid ng stadium para sa mga Pinoy na manood sa Gilas, grabe diba? Nagreklamo ba ang mga kababayan natin at nagsabi ng luto?

Lutong Macau

Ang problema po ay sa China na lumipat at kumampi ang mga galit sa Ginebra. Hindi po ba nila alam na mas grabe ang lutong Macau doon? Ginigisa talaga sa sariling mantika ang mga dayo, maging Olympics man yan o ano mang event, kahit FIBA sanctioned pa po, lutong luto. Nakalimutan na ba nilang mga talangka ang Gilas-China FIBA Asia Finals na ginanap sa China noong 2015?

Talagang kilala sa home court decision at lahat ginagawa nila para makaroon sila ng advantage. May mga ilang tawag na papabor sa kanila kabag sa kanila ginaganap ang mga laro. Normal po yan. Ganyan talaga kapag ang laro ay sa home court ninyo.

Kahit mangilan ngilan lang o kahit tatlong tawag lang ay kayang mabago ang laro o ang momentum at kalalabasan ng laro. Tsaka nasa emosyon po ng mga nanonood na fans. Nadadala po ang mga player na maglaro ng maayos o lalong niyerbiyosin. Kahit mga referee nadadala rin. At may mga larong sadyang malas lang. Bilog po ang bola.

Home Court Advantage

Ang Ginebra po alam talaga natin na fan favorite kaya ang laro nila ay palaging home court. Parang Bulls po noong time nila Jordan at Pippen, Lakers po noong time ni Kareem at Magic, at noong time ni Shaq at Kobe, at Cavs po noong magkasama pa si Lebron at Kyrie.

Kaya ang Bay Area Dragons dayo sila, sila ang makikibagay sa rules ng ligang sinalihan nila, sa court na nilalaruan, sa flow ng laro at sa tawag ng mga ref. Hindi naman po sila pinilit na sumali. 

Kailangan mabilis at magaling talaga mag adjust ang mga player at coaching staff. Kapag hindi nila mabasa agad ang pagpito ng ref at mga play at momentum ng kalaban, matatalo talaga sila, lalo na haluan pa ng hiyawan at pang aasar ng fans. Finals na po, talagang matira matibay.

Mga Pinoy po talagang hindi magkakaisa, hati po dahil sa iba ibang dahilan. Ang PBA po hindi perpekto, ngunit ganyan talaga ang buhay. Mag enjoy na lang po ng mga laban, o kaya huwag nang manood. Simple lang po. Sadya talagang maraming hindi masaya sa buhay kaya panay ang reklamo at magrereklamo lalo na sa online. Mga Keyboard Warriors po ang tawag sa kanila.

PBA luto daw? Totoo po, to a certain extent. Ngunit ganyan talaga kahit saan ka man mapunta. Huwag na pong magbobo bobohan o bulag bulagan. Alam po ito ng ating mga magigiting na OFW, noong nasa abroad po sila, sila po ang nakikibagay, sumasayaw sa tugtog at sumusunod sa agos ng ilog at ihip ng hangin sa bayang pinuntahan nila.

Relaks lang po, basketball lang yan. China pa talaga kinampihan ninyo ha. 

At Bay Area Dragons, reklamo din kayo? Sana ginawa nyo home and away games, sa Pilipinas at sa China, parang NBA, gastos nyo.




No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts