Wednesday, May 10, 2023

Ang Buhay Parang Voltes V



Ang buhay ng tao ay parang Voltes V. Kailangan nagtutulungan, nagdadamayan.

Sama-sama

Dapat ng vo-volt in. Hiwalay-hiwalay, watak-watak mahirap pong maabot ang minimithi. Pero kapag sama-sama mayroong pag-asa.

May maaabot, magtatagumpay, magwawagi.

Ang unang Voltes V anime ay pinalabas sa Pilipinas noong late 70s. Eto po ay ipinahinto at hindi natapos maipalabas ang lahat ng mga episode.

Dahil po bi-nan ng dating Pangulo, si Ferdinand Marcos. Masyado daw pong violente para sa mga bata.

Pero ang isa pang rason ay dahil po sa ang naturang animation series ay nagsasadula ng kasamaan at kasakiman ng mga namumuno, ang tagumpay po ng mga nagrerebelde, at ang pagrerebolusyon ng mga inaapi.

Ang mga batang 70s po ay lumaki sa ilalim ng Batas Militar. Ang mga bata po ay hindi narasanasan ang buhay noong 50s at 60s. Ang mga nakakatanda ay alam po ito. Ang ilan ay alam ang tunay na estado at kalagayan ng bayan. Mayroon pong diktadurya, pag-aabuso at korupsyon. Kahit po sabihin pa nating may mga nagawang mabuti, mayroon pong mga naitatagong kasakiman at kasamaan.

Hati-hati

Mayroon pong pabor sa pamamahala ng Pangulo at mayroon din pong tumututol at meron rin pong mga nagtatangkang maghimagsik at palitan ang gobyerno.

Ngayon pong 2023, mayroong panibagong Voltes V. At nagkataon ay ang Pangulo po ng bansa ay isang Ferdinand Marcos po muli. Si Bongbong Junior po.

Nakabalik po ang mga Marcos. At kaalinsabay, nakabalik rin po ang Voltes V.

Ang buhay ay sadyang parang Voltes V. Mahaba po ito. Ma-aksyon, ma-drama, ma-dugo. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba, parang gulong (gulong ng palad).

At kagaya po ng Voltes V, nagkakawatak-watak nanaman ang mga taong bayan, mayroong patay na patay sa bagong Voltes V, merong baduy na baduy, may mga nang-aasar, nangungutya. May mga die-hard Kapuso may mga die-hard Kapamilya. May mga die-hard K-drama.

Di nanaman po nagkakaisa ang sambayanan. Kaya ayan po, paulit-ulit lang ang serye ng buhay, parang mga walang kupas na mga teleserye at mga palabas ng pelikulang Pilipino.

Sana mauntog na po tayo at magising. Sa ikauunlad ng bayan... __________ ang kailangan.


No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts