Ang tagal na pong nagtatanong ang mga Filipino basketball fans -- bakit ba sa dinami-dami ng pagpipilian bakit ang mag-amang Reyes po ang head coach ng Senior at Junior men's Gilas basketball team.
Wala na po bang iba?
Tama na po ang mga palusot at learning experience. Ang ibang mga bansa nag-iimprove ang Gilas po nag-iimplode. Pataas po sila sa FIBA ranking, pababa naman ang Gilas.
Nauuna Ang Yabang
Alam na natin na dehado po tayo sa SEA games. Ngunit palagi na lamang tayong hindi preparado at mayroong palusot kapag natatalo. Ito po sana ay ang pagkakataon para maredeem ang ginto na naagaw ng Indonesia, ngunit sa preliminary round pa lang talo na.
World Cup
Sa WC po kaya, may pag-asa ba tayong manalo kahit po isang game?
O magiging kahihiyan nanaman po kagaya ng dalawang nakaraang SEA games?
Pagbotohan
Ang suhestiyon po sana ay tawagin na lahat ng puedeng isama sa Gilas pool. At sa kadahilang sila ang maglalaro sa World Cup baka sakaling sila na rin po ang mas nakaka-alam kung sino ang sa tingin nila ang tamang head coach at tamang program director.
Magsigawa na po sana ng pagboto ang mga players at pagpilian galing sa listahan ng lahat ng mga coaches kung sino ang tingin nilang head coach, assistant coaches at trainers ang nararapat.
Maraming Iba
At napakarami naman pong ibang coach sa atin maliban sa mag-amang Chot at Josh Reyes. Di po ba?
Mas nakakahiya dahil sa sarili nating bayan gaganapin ang mga laro. At sa Agosto na po ito.
Para Sa Bayan
Umpisahan na po ang pagboto at kung sino ang napupusuang program director, head coach at assistant coaches ng mga player, ay mag-umpisa na pong pumili ng top 23 players at mag-prepara na, mag-scout ng kalaban at magtulong tulong para sa bayan pagkagaling po sa Cambodia, manalo matalo, pero alam na po ng taong bayan na medyo malabong maredeem ang SEA games gold bago pa man sila umalis papuntang Cambodia. Sa WC kung ang mag-amang Reyes pa rin po ay alam na rin natin ang magiging resulta.
Magkaisa. Bagong Gilas Program Director at bagong coach. Let's go. Laban Pilipinas.
No comments:
Post a Comment