Wednesday, May 17, 2023

Chot Reyes - Good Job


Gilas Pilipinas

Palagi po nating binabatikos ang mag-amang Chot at Josh Reyes, ang head coaches ng Gilas Men's Senior at Junior Teams.

Pero this time, give credit tayo sa kanila at sa coaching staff ng Gilas dahil they deserve it, big time.

Wise

At napaka-wais po talaga ni Coach Chot, dahil pagkapanalo at pagkabawi ng SEA games gold medal, bigla siyang nagpahayag na eto na daw ang last time niya magcocoach ng SEA games.

Matalino po talaga si coach dahil alam niya na dumaan talaga sa butas ng karayom ang Gilas para manalo sa Indonesia at Cambodia. At alam na rin niya na nagpapalakas na lahat ng ibang SEA teams at lalo nang mahirap manalo sa mga susunod na SEA games. So retire na sa SEA games habang nasa itaas.

Adjustment

In fairness, nai-apply rin ni Coach ang kanyang mga natutunan sa mahabang panahon ng learning experience -- nag-adjust at nagprepara talaga ang Gilas sa huling dalawang laban nila kontra sa Indonesia at Cambodia, at suwerte sa tres, maganda ang depensa at may mga play na. Tapos hindi na 6-7 player lang ang pinaglalaro at medyo nabalasa ang mga player. Malaking bagay rin kasi na wala ang mga paborito nitong mga player.

Salamat

Coach Chot, assistant coaches, training at support staff at mga player, maraming salamat at nagbigay po kayo ng karangalan at kaligayahan sa bayan at sa mga Pinoy basketball fans. Ito lang po talaga ang rason kung bakit may nagsisitang mga totoong fans (hindi haters) kasi gusto lang nila manalo ang Gilas. At ayaw nila ng puro paluchot at politika, palakasan at pera pera.

Para Sa Bayan

Malaking pasasalamat din po kay Justin Brownlee na kagaya ng buong team ay ibinigay lahat lahat sa mga laban, lalong lalo na sa (semis) Indonesia at (finals) Cambodia. At wala pong kayabangan itong si Brownlee.

Brownlee



Development Team

Ang tanging batikos lang natin kay coach ay ang sinabi niyang dapat may development team ang Gilas at eto daw sana ang gawin para sa mga susunod na laban ng Gilas.

Ang nakakatawa po rito ay ito po ang plano ng dating Program Director at Head Coach ng Gilas na si Coach Tab Baldwin. Pinatupad na po ito ni Coach Tab at eto po sana ang plano niya para sa World Cup sa Manila ngayong taon at mahabang preparasyon noong siya pa ang Program Director ng Gilas.

Coach Tab

Ngunit nasayang lang lahat ng sinumulan ni Coach Tab. Dahil kung maalala po natin, pinagtulungan pong maalis sa puwesto si Coach Tab at ang pinalit po ay ang mag-amang Reyes. At sa kasamaang palad ay iniscrap po ni Coach Chot ang mga plano at mga nasinumulan ni Coach Tab, back to zero.

Nagising

Ngunit ngayon po, parang biglang nauntog at nagising na si Coach Chot at nasabi po niya na dapat talaga pala yung plano ni Coach Tab ang nasunod.

Parang napahiya siguro sa sinabi ng mayabang na coach ng Cambodia na sinabihan si Coach Chot na wala pa siyang naabot at tuturuan daw niya si Coach Chot ng Euro style coaching. Katawa-tawa po ang coach ng Cambodia at hindi na dapat ito pinapatulan o pinagpapapansin. Wala pa ngang na-aaachieve mayabang na.

FIBA World Cup 2023

Anyway, tatlong buwan na lang po at World Cup na. At gaya ng nakagawian na ay dating style nanaman ni coach ang papairalin. Ito na sana ang huling pagkakataon na magcocoach ang mag-amang Reyes ng mga Gilas teams, dahil napakarami namang ibang coaches. Give chance to others, step down na after World Cup at kung susuwertihin at kung maaari, step down na, now na.

Laban Pilipinas.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts