Saturday, July 1, 2023

Nabubudol


Eat Bulaga, TVJ, Showtime


Ang mainit pong usapin sa bayan nitong mga nakaraang araw ay ang Eat Bulaga, TVJ at Showtime at ang mga patutsadang pasaringan ng mga Kapuso, Dabarkads, Kapatid, Kapamilya at mga Kamote.

Nakakatawang nakakaawa ang mga kababayan po natin na nakikipag-away sa socmed dahil sila daw ay solid-Kapuso, o solid-Dabarkads, o solid-Kapamilya at kung ano pa man tawag nila sa sarili nila. Di daw po sila manood ng sa kabilang palabas ngunit mas alam pa nila ang nangyayari doon kaysa sa fans nito.

Isip-isip

Ang dahilan po kung bakit hindi umuunlad at umuusod ang bayan ay dahil sa kampi-kampihan at kanya-kanya tayong mga Pilipino. Hindi tayo magkaisa.

At ang puno't-dulo nito ay politika at mga personal na interes.

Sumusuweldo po ba tayo sa Eat Bulaga o It's Showtime o pinapasuweldo ba tayo ng TVJ?

Bakit po kung makipagtalo tayo parang mga producer tayo o kamag-anak tayo ni Jalosjos, Jimenez, Lopez, o ni Vice Ganda o ng mga Sotto.

Lumang Style

Totoo po makaluma ang TVJ, para sa mga tanders, oldies but goodies kung baga. Di na masakyan ng mga kabataan. Ngunit kung di natin alam, ang totoong lumang style ay ang style ng mga politiko na pag-away-awayin ang mga taong bayan, at pairalin ang kampi-kampihan.

Dahil mas madali po kasing mabola kung watak-watak ang sambayanan. At mas madaling mabudol, mabayaran o mabili ang mga boto. At marami naman talagang madaling mabola sa atin. Marami po ang sadyang hindi nag-iisip.

Gumagawa po palagi ng mga pag-uusapan at pagkaka-abalahan ang mga nakapuwesto sa pamahalaan upang maitago ang mga totoo at importanteng isyung dapat pag-usapan. At mayroon din po silang mga pampersonal na interes.

Showbiz

Matagal na pong ginagamit ng mga politiko ang mga artista, singer at mga palabas sa TV. Matagal nang style yan.

Ngayon ay may panibago na namang henerasyon na nabobola at mabobola. At mas madali na ang bolahan at ang dayaan ngayon kaysa noon. Akala lang ng mga kabataan marami silang kaalaman, ngunit ang katotohan, madali parin mabudol ang taong bayan, noon man o ngayon.

Gising.

No comments:

Post a Comment

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts