Alam po natin na maraming basher ang Gilas Program Director at Mens Senior Coach na si Coach Chot Reyes.
Ngunit hindi po mga basher ang iba sa mga pumupuna kay Coach Chot at SBP, isama nyo na rin yung bumabatikos kay Mens Junior Coach na anak ni Coach Chot.
Marami po sa mga pumupuna ay totoong mga supporter ng Gilas. At hindi na nila makayanang hindi magsalita.
Maraming Problema
Mayroon po kasing kami-kami, tayo-tayo, sila-sila, nepotismo, palakasan, politika, negosyo, papogi, pasikat, padrama at personal na interes sa pamumuno ni Coach Chot. Huwag na pong tayong magbulag-bulagan at magtanga-tangahan.
Ito ay bukod pa sa madakdak at iba ang sinasabi niya sa ginagawa. Ginagawa lang uto-uto ng SBP at Coach Chot ang mga Pilipinong fans ng basketball.
Malaking Kahihiyan
Isa siyang kahihiyan sa mga nakaraan niyang kapalpakan, kagaya talo sa Cambodia, talo laban sa Indonesia (nagsilver sa SEA Games), laban sa Australia (nauwi sa rambol), laban sa Kazakhstan (magshoot sa sariling basketball) at pagkatalo sa mga iba pang team na mas mababa ang ranking kaysa Gilas. Eto at marami pang iba kagagawan niya ay nauwi sa malaking kahihiyan sa bayan.
FIBA WC 2023
Ito sana ang pagkakataong makilala ang bayan, ngunit imbes na palakasin at mag prepara ang Gilas kagaya ng ibang bansa, kagaya ng Japan at Lebanon ay kabaligtaran ang nangyari.
Sabi po niya pipili siya ng mga magagaling na player, sabi niya mayroong mahabang preparasyon, sabi ijudge siya pagkatapos ng WC, sabi niya wala naman planong manalo. Kaya ayan bumabagsak ang ranking ng Gilas habang ang iba ay tumataas at hindi na kinakatakutan ang Gilas.
Maglalagay siya ng mga baguhang player, pero di naman niya pinaglalaro, mag-iinit lang tumbong kakaupo.
Learning experience daw kaso puro mga paborito lang niyang player ang pinapasok sa laro, lawit na dila, masama ang laro di pa papalitan. Drible drible, ubos oras, hindi umiikot ang bola, undersize, basa na ng mga kalaban ang mga kilos, hindi nag-aadjust, daming sinisisi. Yung anak niya coach ng junior team, parang wala nang ibang coach sa bansa. At marami pang ibang mga ibang isyu.
Wala Nang Gilas
PBA at SBP at mga team na hindi nagpapahiram ng mga player at ayaw umamin na napag-iwanan na ang Pilipinas sa basketball at maraming magagaling na foreign coaches.
Itigil na natin ang politika. Aminin na natin na mas maganda sana ang kalalabasan ng programa at mga laban kung iba ang program director, at mga coach ng Gilas senior at junior teams, kung maraming player na sinama sa pool at kung mahaba ang preparasyon at hindi puro papogi, pa press release at palusot.
Ngunit nandyan na yan. Wala nang magagawa. Suporta na lang. Manood na lang ng mga laban.
Aminin na po natin, wala nang magagawa kungdi mamboo. Hindi lahat sila ay mga basher. Gumising na po tayo.

No comments:
Post a Comment