Saturday, October 27, 2018

Kababawan



Hindi pa po ba tayo nahihiya sa mga balat natin na halos mabaliw baliw at naghihihiyaw tayo sa mga singer at artistang Koreano, Hapon, Intsik, Bombay, at kung sino sino pang ibang lahi?

Hindi po ba natin alam na matagal na nila tayong iniidolo mga Pilipino, lalo na po sa larangan ng sining.

Napakaraming Hapon at mga Indiano na daan taon nang nag oofw sa ating bansa para magsapalaran at maghanap buhay. Ilang daang taon na rin nang tumungo ng bayan natin ang mga Intsik at nag kalakal, nag lako ng mga paninda sa kalsada at nagbukas ng kung anu anong maliit na negosyo upang makatakas lamang sa karahasan o kahirapan sa kanilang bayan.

Marami nang ibat-ibang dayuhan ang pumupunta sa ating bayan upang mag aral sa ating mga paaralan o para matuto ng wikang ingles. Noong dekada otchenta at nubenta ang bansang Korea ay nagpadala ng mga mamayan nila upang pag aralang lahat ng sining ng ating bayan.

Ang mga taong nakatira sa mga bansang malapit sa atin ay matagal nang may paghanga sa galing ng ating mga kababayan sa larangan ng pag awit, ng pagtugtog, paglikha ng musika at iba pa.

Ngunit ngayon, iniwan na tayo ng halos lahat ng mga bansa sa Asya. Nakakahiya na tulo laway na tayo sa mga artista, mang aawit at pelikula, palabas sa telebisyon at awitin ng mga Koreano, Hapon, Tsina, India at iba pa.

Ang mga pelikula natin ay nakakahiyang ipalabas sa ibang bansa, ang ating mga telenobela ay kalunos lunos at nakakasuya. Ang ating mga awitin ay parang ginaya na lamang sa mga estilo ng mga ibang lahi.

Wala na ba tayong hiya o pangarap na makapanood ng mga pelikula o palabas na maipagmamalaki nating muli?

Tigilan na po natin ang panonood ng mga paulit ulit na palabas na iisa lamang ang tema o wala namang estorya. Tangkilikin po natin ang mga palabas na may kabuluhan at maganda ang pagkakagawa, upang maenganyo po silang maglabas ng dekalidad na palabas.

Alam ko parang wala nang pag asa, ngunit maari po kung magiging mapili lamang tayo ng ating mga tatangkiliking sining -- mga pelikula at palabas sa telebisyon at mga awitin. Parang awa na po ninyo.

Thursday, October 18, 2018

Wala Nang Pag-asa?



Bakit po ang mga hibang na hibang sa pagiging kapamilya nila at galit na galit naman sa mga kapuso?

At bakit po kaya ang mga proud to be kapuso ay gigil na gigil sa mga kapamilya?

Bakit po ba ang mga silaw sa kadilawan ay hindi makaalis-alis sa pagbuhat sa kanilang Tita?

At bakit po naman ang mga die-hard loyalists ay hindi maubos-ubos ang pasasalamat kay Apo?

Naku naman po, pare-pareho lang na may kapulaan sino man silang mga iniidolo ninyo, dahil po sila ay mga tao rin kagaya ninyo. Marami rin po silang kamalian at kasalanan. Huwag po kayong magpadala sa inyong pagkabulag.

Bakit naman po kaya ang mga Tagalog, mga Binisaya, mga Bikolano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense at iba pang kapwa naman Pilipino ay pakiwari nila, pagkagaling galing nila at mas mataas silang uri kaysa mga kapwa naman nilang Pilipino na iba ang salita sa kanila?

Bakit kaya? Pare pareho lang naman ang tingin sa kanila mga taga ibang bansa.

Bakit naman mga Katoliko, born-again, Iglesia, Muslim at kung anumang paniniwala, kung makatingin sa mga hindi nila kapanig parang diring-diri, ganyan ba ang turo sa inyo ng sinasamba ninyo? Naku naman, isip isip naman, wala pong taong walang kasalanan. At opo, hindi po tama ang hindi mag mahal ng kapwa. Hindi po natin kasalanan na ipinanganak tayo sa paniniwala natin, o hindi kamalian ang magbago ng paniniwala. Kanya kanya po tayo ng pag-iisip, sa tamang edad mayroon na po tayong kakayahang magpasya ng ating paniniwala, wala pong basagan ng trip.

Ngunit sa pagkahaba-haba ng panahon, at dahil din po sa mga ibat-ibang dayuhang dumayo at sumakop sa ating bansa, at sa mga iniluklok nating mamuno sa atin, nagkawatak watak po tayo nang todo todo.

Kababawan

Bakit nga ba napakaraming bagay ang naghiwalay sa atin, puros naman kababawan at kahibangan ito kung talagang iisipin.

Ang dapat po nating maunawaan, ay habang ang mga Pilipino ay walang pagkakaisa, ay wala pong mangyayaring maganda para sa inang bayan. Napakarami pong nagbubuklod sa atin bilang mga Pilipino, ngunit hindi po natin ito nakikita o iniisip. Kadalasan, kailangan pang mangibang bayan para lamang malaman natin na kailangan natin ang isa't-isa dahil yung palang mababang pagtingin natin sa kapwa natin Pilipino, yun din palang kababa ang tingin sa atin ng mga taga ibang bansa habang nasa bansa po nila tayo. At hindi pala masarap ang feeling.

Ano po ang solusyon? Magising na po tayo sa katotohanan, wala pong mga perpekto, walang pong taong walang ginagawang mali, wala pong pulitikong hindi gumawa ng kamalian. Lahat po sila. At huwag na po natin ipilit na magbabago pa ang mga ugali ng mga matagal na sa pulitika.

 Matuto na po tayong mag-isip para sa sarili natin. Huwag na pong ulitin ang mga kamalian ng nakaraan.

Magsumikap po tayong magkaisa, sa kabila po ng ating mga pagkakaiba. Napakahabang panahon na po tayong nalilinlang at naabuso, ng ating kamangmangan at kababawan.

Gumising na po tayo sa katotohanan, na kailangan nating magbuklod buklod para sa ikauunlad ng ating inang bayan.

Kaya natin to.

Tuesday, October 16, 2018

Walang Kadaladala



Sadya po ba tayong mga masokista?

Kung hindi naman po, bakit hindi po tayo matuto-tuto?

Bumabalik pa rin tayo sa ating kinakasamang wala naman ginawa kundi mambugbug, magmaltrato o pagkaperahan lamang tayo.

Nagsusugal pa rin po tayo kahit na po wala naman tayong kasuwerte suwerte sa katawan.

Nagbibisyo pa rin po tayo kahit na wala na po talaga tayong pambisyo.

Nagpapautang pa rin tayo sa mga taong ni minsan ay hindi naman nagbayad ng utang nila.

Nagtatapon pa rin tayo ng basura kung saan saan, pagkatapos lang po na tayo'y binaha dahilan po sa mga basurang una na nating itinapon.

At inihahalal pa rin po natin ang mga tao o angkang matagal na pong napatunayang nagnanakaw sa kabang bayan...

Naku po naman, masokista pa rin po ba ang tawag sa atin o tanga?

Tandaan wala pong gamot diyan.

Ay meron po pala, mauntog na po tayo at magising!

Monday, October 15, 2018

Talangka



Ang magandang balita po ay ang pagiging isip talangka ay hindi lamang matatagpuan sa Pilipinas. Maging po sa ibang bansa, meron din pong mga taong makikitid ang pag iisip na pilit pong hihilahin pababa ang mga gusto makaahon sa kahirapan o ang nais makaangat sa buhay.

Ngunit ang masamang balita naman po ay sadyang napakaraming  kababayan natin ang isip talangka at ang "motto" po nila sa buhay ay 'if I can't have it, then no one else will'.

Sa tagalog po ay 'kung hindi lang din ako makakaahon, wala ring ibang makakaangat.' Opo kagaya ng mga talangkang nanghihila paibaba sa mga ibang pilit na makaahon sa loob ng timba.

Mga talangkang nahuli

Ito po ay nagpapakita ng inggit, selos, katamaran at kabobohan. Kasama na po ang katangahan.

Mas gusto pa ng mga talangkang ito na maging hapunan silang lahat kaysa magtulong tulong para makaahon silang lahat.

Ano kaya ang magiging resulta kung lahat o karamihan po ng ating mga kababayan ay magkaroon ng pagkakaisa, at magtulong tulong upang sa ikauunlad ng lahat. 

Opo, kaya pong maabot ang minimithi, kailangan lamang na mauntog na po tayo at magising. 

Maki-isa at makisama, dahil kung gugustuhin... may paraan, kung ayaw naman... maraming palusot.

Huwag na po tayong magturuan, lahat po tayo ay may kamalian. Gawin na lamang po natin ang nararapat... opo para sa bayan, para sa mga mahal sa buhay at para sa sarili.

Eto na ang mga talangka ngayon

Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts