Sunday, May 22, 2022

UNITY

BASKETBALL


Ang mga Pilipino hindi magkakaisa sa politika. Tanggapin na natin yan. 

Ngunit sa sports puede. Kapag may laban noon ang pambansang kamao, walang krimen.

Kapag nanalo si Bata Reyes, yan ang pinag-uusapan ng mga taong bayan. Kapag nagwagi si Paeng Nepomuceno, si Totoy Ampon, Lydia De Vega, Eugene Torre, taas noo ang mga Pilipino.

Ngunit mayroong isang laro na talagang nagkakaisa ang sambayanan, ang larong basketball. PUSO.

KABALIWAN

Ngunit ano ginawa ng SBP,  PBA at mga namamahala ng programa ng basketball? Ginagawa lang nilang uto-uto ang mga fans. 

Eto na ang panahon na magkaisa ang sambayanan. Umanin na si Coach Chot Reyes.

Hihintayin pa ba natin na maging ganito uli ang Gilas sa World Cup sa Manila sa isang taon?

Yung programa ng Indonesia, dati nang programa ng Pilipinas yan. Si Coach Toroman ang nagpapalakad ng programa ng Indonesia, dati nang coach ng Gilas. Ngunit kagaya ni Coach Tab, umalis din at dinala ang programa sa Indonesia at ilang taon lang kalevel na ng Pinas. Di hamak na mas malakas ang Pilipinas ngunit hindi na gagana ang lumang style. 

Mamamayang Pilipino, eto na ang panahon, magkaisa na.

Ibalik ang programa ni Coach Tab, ni Coach Toroman. 

Nilagay si Coach Nenad, ngunit panandalian lang, nagpapalamig lang ng ulo ng mga asar na asar na Pilipino fans.

Kung maaari, ituloy tuloy na si Coach Nenad, o ibalik na si Coach Tab, malapit na ang FIBA World Cup. Ang Indonesia matagal nang naghahanda, lalo na para sa FIBA Asia Cup, at nakita na natin ang resulta. Ang Gilas, watak watak parin, wala paring matinong programa.

Hihintayin pa ba natin na kunin ng Singapore, Malaysia o Thailand si Coach Tab?


Tuesday, May 10, 2022

Huwag Na Po Tayong Magtalo


Top Senator

Huwag na po tayong magtalo. Ang pagsisi po ay laging nasa huli, lahat naman ay nagkakamali.

Hindi po popularity contest ang halalan, ngunit sadya kasing hindi alam ng marami kung ano ano ang dapat pagbasehan tungkol sa kung sino ang dapat ihalal at iluklok sa puwesto.

Ngunit tapos na po ang halalan. Balik na tayo sa normal na buhay -- ang mahirap, mahirap pa rin, ang mayaman lalong yumayaman.

Sana po hindi tayo magsisi sa mga ibinoto natin.

May Mga Nanalo Na Po

Ang mga nanalo, sila po ang pinili ng mas nakararami. Kung naniniwala po kayo sa Diyos, ay sila rin po ay pinabayaan Niyang makaupo sa puwesto. Mabait po ang Diyos at kung matigas po ang ulo natin, hinahayaan Niya po tayo sa ating mga desisyon.

Hinding hindi po magkakasundo ang lahat ng mamamayan, iba iba po ang pananaw, estado sa buhay, mga pinagdaanan at kaalaman ng bawat isa. Pantay pantay lang po ang ating mga boto, wala pong mas mataas, isang boto po bawat isa.

Sa Susunod Pong Halalan

Ngunit sa mga susunod pong eleksyon, kung alam na po natin na hindi naman nila magagampanan ang kanilang katungkulan at lalo na kung sukdulan na sila ay na huwag na po nating ipagkaila at lalong lalo na po huwag na nating ihalal muli sa susunod na halalan.

Pera Pera

Kada buwan, tatlong daang libo hanggang limang daang libo po ang suweldo ng pangulo, bise presidente, senador at kongresista, gobernador at mayor, hindi pa kasama ang mga benepisyo at milyon milyong budget ng kanilang opisina at ang milyon milyong budget para sa suweldo ng kanilang mga staff. Opo kaya ayaw na po nilang umalis sa puwesto. Hindi pa po kasama diyan ang kurakot.

Ilalagay pa nila mga kamag-anak at kaibigan nila sa mga puwesto sa gobyerno at sila rin makakakuha ng mga kontrata at iba pang pagkakakitaan.

Tayo po magkano ang pinagkakasya kada buwan?


Pampaantok po:


Monday, May 9, 2022

History Repeats Itself

Halalan 2022


Nakabalik na po ang mga Marcos. Panalo pa rin po ang mga Duterte.

Nakasungkit din ng puwesto sa Senado (or muntikan na) ang mga Villar, Cayetano, Zubiri at ang mga artistang Robin, Jinggoy at Bistek. Ang mga nanalo po sa mga bayan bayan at pare-pareho pa rin po ng mga apelyido sa mga henerasyon nang nananalo.

Ang mga lumipat po ng partido o bumalimbing ay nanalo rin po.

Wala naman pong bago sa politika. Paulit-ulit lang naman ang style ng mga politiko. Hindi naman po mahirap makita kung bakit patuloy nilang ginagawa. Kasi po binibili o bumebenta parin sa mga botante.

Mga pinatakbo po na wala namang pag-asang manalo ay tumatakbo parin. Hindi po para manalo, ngunit para mangarap ng gising at may nakukuha po kasi sila kahit hindi manalo. Ang mundo po ng politika ay maraming natatagong lihim. Marami po lingid sa kaalaman ng mga taong bayan, lalo na ang nakababata.

Pangulong Marcos

May bago na pong Ferdinand Marcos na magiging pangulo ng mga bagong botante. Natuto napo ang mga Marcos sa mga pagkakamali noong 2016.

Si Apo po nanalo noong 1965. Anak po ni Apo nanalo ng 2022.

Si Apo po nanalo dahilan sa angking galing at talino, at husay sa pagdebate. Anak po ni Apo nanalo dahil, anak po at kapangalan ni Apo.

Bayang Pilipinas

Mabuhay ang Pilipinas. Nawa'y magkaisa at maging matiwasay. Pinapangarap na po ito ng sambayanan, panahon pa po ng Kastila, hanggang panahon ng mga Amerikano, Hapon at peace time. Pangarap pa rin po ito hanggang ngayon. Patay napo lahat ng mga nangarap at nakipaglaban, ngunit wala parin pagkakaisa at katiwasayan. Mahirap pa rin ang mahirap. At mayaman parin ang mga mayaman.

Sana po hindi tayo nagkamali sa mga ibinoto. Halos lahat naman po ng halalan mayroon pong nanalong hindi dapat manalo, hindi na po bago ito.

Ngunit may awa ang Diyos.

Naghari po ang mga Marcos taong 1965 hanggang 1986. Ano naman kaya mangyayari sa 2022 hanggang 2028?



Friday, May 6, 2022

Educate 105


The Kingmaker

Pang lima na. Huli na po ito.

Malapit na ang eleksyon. Nakapili na po tayo, at nasabi na natin ang gusto nating sabihin.

Bumoto po tayo kung hindi pa. Mga OFW po nakaboto na.

Manalangin po tayo para sa isang maayos at mapayapang halalan at bilangan ng mga boto.

Dokumentaryo

Alam na po ng marami na mayroon dokumentaryo sa ShowTime si Madam. Siya po ang tinaguriang The Kingmaker. Siya po ang gumawa sa asawa niyang Senior na maging hari ng bansa noong 1970 hanggang 1980s.

Sa eleksyon po ng 2022, limampung taon pagkalipas ng 1972, karamihan po ng mga botante ay musmos pa o di pa naipanganak, ngunit eto na po marahil ang pangalawang pagkakataong magiging Kingmaker si Madam.

Ngayon po ay si Junior naman. Hindi po kasing galing, kasing husay at kasing talino ng unang hari, kaya po kung maipanalo po siya ni Madam, talaga tunay siyang maituturing na The Kingmaker.

Mahirap pong makita ang dokumentaryong ito dahil palagi pong inaalis at pilit na pinapatanggal sa mga online sites. Ngunit mayroon pa pong isang site sa internet na mapapanood po ito.

Ito na marahil ang huling pagkakataong mapanood natin ito bago ang halalan.
Tagalog po ito. Wala na po yatang natitirang English. Naalis na lahat.

The Kingmaker Tagalog


Mga naunang Educate classes





Thursday, May 5, 2022

Educate 104


Loren Legarda


Huwag na po tayong magtalo, talaga namang masama ang sinabi ng anak ni Loren Legarda.

Ngunit sa mata po niya, yan ang kanyang nararamdaman at paniniwala. At hindi natin mapipigilan siyang maglahad ng kanyang saloloobin.

Tayo pong lahat ay mayroon ding nararamdaman. Iyong pong mga pula at berde, galit na galit rin po sa anak ni Loren. Ni hindi nga po natin siya ganap na kilala, ngunit apektadong apektado tayo, at galit na galit sa kanya.

Ganyan rin po ang kanyang nararamdamang galit o sama ng loob sa kanyang ina. Kagaya po niya tayo rin po ay kung ano ano na rin ang nasabi. Di po ba?

Yun naman pong mga kulay rosas, kung makasuporta naman sa anak, solid. Kahit po may punto siya at kahit na ang politika po ay binago ang kanyang ina ay may mali rin po siya.

At tama po, mali rin si Loren Legarda.

Tayo pong lahat ay mali rin. Bayaan po natin sila. 

Ang Totoo

Ang totoo po marumi po ang mundo ng politika. Huwag na po nating ipagkaila.

At ito po ay totoong totoo -- sobrang yaman po nila Loren Legarda. Lahat po nang naging presidente, bise presidente, senador, kongresista, gobernor, ministro, mayor at kahit po mas mababa pang katungkulan, kasama na ang mga namahala ng mga malalaking ahensiya ng gobyerno, lahat po sila sampu ng kanilang pamilya at mga cronies ay yumaman.

Ayaw Nang Umalis Sa Puwesto

Ayaw na po nilang umalis sa puwesto at lahat gagawin para hindi umalis o para makabalik sa puwesto. At kung hindi na talaga puede ay magpapalit palit lang sila ng puwesto sa asawa, anak, kapatid, pinsan, pamangkin, tiyo, tiya basta sila sila pa rin ang nakapuwesto.

Tayo pong lahat? Gutom.

At sawsaw pa sa away ng mag-ina. Bayaan po natin sila.

Kaya po mahirap pa rin tayo at sila pong mga nakapuwesto at gustong manatili o bumalik sa puwesto ay payaman ng payaman. Wala po silang pakialam sa atin kagaya ng pakialam natin sa kanila.


Ang Daming Sinayang Na Panahon

  Gilas Program Ang SBP at ang PBA ang daming sinayang na player at panahon. Napuno na mga taga suporta nila. Sayang di kasi sila nakinig...

Popular Posts